Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Sino ang dapat masuri para sa COVID-19 at sagot sa iba pang mga katanungan

Batid na limitado ang bilang ng mga testing kit para sa coronavirus disease (COVID-19), nagmamadaling nagpa-check ang mga mataas na opisyal ng gobyerno kahit na wala silang nakitang anumang mga sintomas ng impeksyon. Kaya naman humakot sila ng pagbatikos mula sa publiko dahil sa paglaktaw sa mga protocol at hindi maiwasan ng mga tao na magtanong kung sino ang dapat sumailalim sa testing at kung sino ang dapat magpagaling sa bahay.

By VERA Files

Mar 23, 2020

14-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Batid na limitado ang bilang ng mga testing kit para sa corona virus disease (COVID-19), nagmamadaling nagpa-check ang mga mataas na opisyal ng gobyerno kahit na wala silang nakitang anumang mga sintomas ng impeksyon. Kaya naman humakot sila ng pagbatikos mula sa publiko dahil sa paglaktaw sa mga protocol at hindi maiwasan ng mga tao na magtanong kung sino ang dapat sumailalim sa testing at kung sino ang dapat magpagaling sa bahay.

Si Pangulong Rodrigo Duterte, ilang mga miyembro ng first family, at ang kanyang dating aide, si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, ay nagpa-laboratory testing para sa coronavirus disease noong Marso 12 para “matiyak na sila ay maayos at malakas ang katawan upang maisagawa ang kanilang mga tungkulin bilang mga manggagawa ng gobyerno.”

Sinabi nila na ginawa nila ito bilang isang “pre-emptive na hakbang,” sa payo ng health officials, dahil sa pakikipag-ugnay nila sa mga miyembro ng Gabinete, na ang ilan ay nag self-quarantine kasunod ng kanilang pakikisalamuha sa mga taong nag positibo sa COVID-19 . Pagkalipas ng dalawang araw, negatibo ang resulta ng kanilang testing.

Bago iyon, inihayag ni Sen. Sherwin Gatchalian na siya mag se-self-quarantine matapos malaman na ang isang resource person sa pagdinig ng komite noong Marso 5 ay naging positibo sa test habang ang asawa nito ay namatay sa COVID-19. Si Sen. Nancy Binay, na dumalo sa parehong pagdinig, ay sumunod at nag self-quarantine rin.

Noong Marso 15, sina Secretaries Arthur Tugade ng transportation, Mark Villar ng public works and highways, Carlos Dominguez III ng finance, at Executive Secretary Salvador Medialdea ay nag negatibo sa test. Ganon din sina Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno at Presidential Security Group Commander, Col. Jesus Durante III.

Noong Marso 16, inihayag ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa Facebook na siya ay nag positibo sa COVID-19, bagaman siya ay asymptomatic. Dahil dito, sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at anim na iba pang mga senador — sina Pia Cayetano, Panfilo Lacson, Grace Poe, Francis Tolentino, Imee Marcos, at Ramon Revilla Jr. – ay nagpa-test na rin.

Lahat sila, pati na rin si Duterte, ay hindi nagpakita ng alinman sa mga natukoy na sintomas ng coronavirus disease. Maliban kay Zubiri, negatibo ang mga resulta ng kanilang tests. Iminungkahi ni Health Secretary Francisco Duque III na sumailalim si Zubiri sa isa pang test dahil ang kanyang unang lab result ay maaaring isang “false positive.” Tumanggi si Zubiri, sinabing ang limitadong bilang ng mga testin kit ay dapat na mas magamit sa priority cases, kabilang ang mga frontline medical personnel at mga pasyente na nagpapakita ng sintomas tulad ng mga matatanda.

Sina Sen. Francis Pangilinan at Risa Hontiveros ay tumanggi rin na sumailalim sa testing, na nagsabing wala silang alinman sa mga sintomas, sinusunod nila ang mga protocol ng Department of Health (DOH), at nag-self-quarantine sila.

Noong ika-18 ng Marso, nabulabog ang social media sa usapin tungkol sa mga pulitiko na walang sintomas, mga miyembro ng kanilang pamilya, at kawani na nagpa-test para COVID-19, ang ilan sa kanilang mga tahanan pa, at sa gayon ay naagawan ang mga pasyente na may mga sintomas ng sakit.

Dahil sa limitadong testing kits para sa COVID-19, naunang sinabi ng DOH na ang persons under investigation na malubha at nasa kritikal na kondisyon ay dapat sumailalim sa testing. Ang mga pasyenteng was sintomas na may history ng paglalakbay sa ibang bansa o pagkakalantad sa isang taong infected ay dapat sumailalim sa 14-araw na quarantine sa bahay.

Noong Marso 20, iniulat ng DOH na may 1,300 testing kits ang magagamit sa RITM para sa pag-diagnose ng hinihinalang COVID-19 patients. Ang mga PUI sa bansa ay tumaas na sa 593 noong 4 p.m., Marso 22.

Ang sitwasyon ay nagbunsod ng mga katanungan kung bakit pinahintulutan ng DOH ang mga pulitiko na bale-walain ang mga COVID-19 testing protocol na nakasama sa mga pasyenteng may mga sintomas na nangangailangan ng madaliang testing.

Sa isang panayam noong Marso 17 sa DZMM, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga matataas na opisyal ng gobyerno na walang mga sintomas ay na-test bago binago ng DOH ang decision tool nito kung sino ang dapat unahin sa COVID-19 testing.

Binigyang-katwiran naman ni Duque ang preferential testing ng mga VIP at sinabing sila ay nalantad sa mga taong nag positibo sa COVID-19, tulad ng iniulat ng Inquirer.net at Philstar.com.

Sa isang anunsyo noong Marso 23, tiniyak ng DOH sa publiko na “walang patakaran para sa VIP treatment,” at ang lahat ng mga specimen ay pinoproseso sa isang “first-in, first-out basis”, ngunit “may pagbibigay galang sa mga opisyal na humahawak ng mga posisyon na kaugnay ng national security at public health.”

Narito ang limang bagay na kailangan mong malaman tungkol sa DOH testing protocol para sa COVID-19:

1. Aling mga pasyente ang itinuturing na priority para sa testing?

Hindi lahat ng mga taong nagmula sa mga paglalakbay sa ibang bansa o nakasalamuha ng isang taong nahawaan ng coronavirus disease ay kailangang ma-test agad.

Sa na-update na decision tool para sa COVID-19 testing ng DOH, inilabas noong Marso 16, tanging ang mga natukoy na patients under investigation (PUI) at nakakatugon sa ilang mga kundisyon ang dapat sumailalim sa testing.

Ang mga PUI na may banayad o malubha at kritikal na mga sintomas ng COVID-19, na may mga problemang medikal tulad ng pneumonia at diabetes, at 60 taong gulang pataas ay awtomatikong kwalipikado para sa testing.

Ang mga pasyente na nagpapakita ng banayad na mga sintomas ay iyong mga may lagnat, dry cough, fatigue, at namamagang lalamunan, bukod sa iba pa, habang kasama sa mga malubhang sintomas ay ang hirap sa paghinga.

Ang mga PUI na may banayad na sintomas, walang mga problema sa kalusugan, at wala pang 60 taong gulang ay hindi kailangang i-test, ngunit pinapayuhan na sumailalim sa 14 na araw na quarantine sa kanilang mga tahanan o barangay isolation units.

Sa isang press briefing noong Marso 16, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang mga pasyente na nagpapakita ng mga sintomas ng COVID-19 ang prayoridad, dahil sa limitadong bilang ng mga test kit:

“Kinakailangan kasi ma-rationalize natin iyong testing in the face of limitations (sa harap ng mga limitasyon).”

Pinagmulan: Radio Television Malacanang, Press Briefing 3/16/2020, Marso 16, 2020, panoorin mula 51:24 hanggang 51:33

Samantala, maraming grupo at indibidwal ang nanawagan sa gobyerno sa social media upang ipatupad ang mass testing, katulad ng ginawa ng South Korea, para sa mga pasyenteng madaling magkasakit o mahawa at palakasin ang kapasidad ng mga pasilidad ng testing upang matukoy ang mga pasyente na may COVID-19. Gayunpaman, sinagot ni Vergeire ang isyu noong Marso 20 na wala pa ring napatunayang batayan ng pagiging epektibo nito. Sinabi niya:

“[A]ng mass testing, although (kahit na) ginawa po sa ibang bansa, ay hindi pa ho nakakapagpakita ng proven effectiveness (patunay ng pagiging epektibo) din naman po. At hindi po nasasabi na it can determine (maaari nitong matukoy) kung ano po ang mangyayari sa ating epidemya o hindi…So (Kaya) iyong mass testing po kung saka-sakaling dadating tayo sa panahon na ito po ay irerekomenda ng mga eksperto, atin pong gagawin iyan base sa ebidensya.”

Pinagmulan: Rappler.com, WATCH: DOH issues updates on #COVID19PH | Marso 20, 2020, panoorin mula 12:13 hanggang 13:05

2. Paano ginagawa ang testing para sa COVID-19?

Isang awtorisadong health personnel ang nakukuha ng isang swab sample sa loob ng ilong at lalamunan ng pasyente, at ilalagay ito sa isang ligtas na “transport medium” at dadalhin sa isang laboratoryo para sa pagsusuri.

Sa ngayon, ang lahat ng mga COVID-19 diagnostic test ay dinadala sa DOH-Research Institute for Tropical Medicine (RITM), ang national reference laboratory ng bansa para sa mga umuusbong na nakakahawang sakit, sa Alabang, Muntinlupa City.

Ang mga sample ng pasyente ay sumasailalim sa isang real-time reverse transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test, na “tumutukoy sa aktwal na virus sa ilong, bibig, at plema,” ayon sa isang Facebook post noong Marso 17 ni infectious disease physician Edsel Salvana, ang pinuno ng technical advisory group ng Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID) ng gobyerno.

Itinuturing ng World Health Organization (WHO) ang RT-PCR bilang “gold standard” sa pag diskubre ng SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19, ayon sa RITM.

Ang bawat test ay dumadaan sa “maraming layer ng pagpapatunay” at isinasagawa ng “lubos na sanay na mga siyentipiko sa laboratoryo [at] regular na kina-calibrate na kagamitan,” bilang pagsunod sa pandaigdigang pamantayan ng biosafety, sinabi ng RITM.

Narito kung prosesong isinasagawa ng institute sa mga test nito:

DOH-RITM: Paano isinasagawa ang COVID-19 testing?

 

3. Saan maaaring magpa-test?

Ang mga ospital na humahawak sa mga PUI ay awtorisado na mangolekta ng mga sample na ipadadala sa laboratoryo para ma-test sa COVID-19 infection.

Ang isang diagnostic test para sa COVID-19 ay maaaring isagawa lamang sa loob ng isang laboratoryo sapagkat nangangailangan ito ng “mamahalin at sensitibong kagamitan” para maituturing na kapani-paniwala, at “maiwasan na ma-impeksyon ang ibang tao,” sabi ng DOH.

Bukod sa RITM, limang iba pang mga subnational laboratories sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang isinaaktibo rin ng gobyerno upang tumulong sa pagsubaybay at pagtugon sa pagkalat [ng virus] .

Sa isang panayam noong Marso 17 sa CNN Philippines, sinabi ni Vergeire na apat sa mga subnational laboratories na ito, hindi kasama ang Lung Center of the Philippines, ay magsisimula na ng testing sa linggong ito (Marso 23 hanggang 28) pagkatapos matanggap ang reagents, o mga kemikal na ginamit upang maisagawa ang mga test, na maaaring magpadali sa turnaround time ng mga resulta. Sinabi niya na ang operating laboratories na ito kasama ang RITM ay gumagawa ng 950 hanggang 1,000 mga test bawat araw.

Ang University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) ay tumutulong sa RITM sa pamamagitan ng testing ng mga sobrang sample nito.

Inihayag ng DOH noong Marso 20 na ang mga karagdagang laboratoryo at Western Visayas Medical Center at Bicol Public Health Laboratory ay sasailalim sa proficiency testing sa loob ng isang linggo bago ito magsimula ng testing. Noong Marso 18, iniulat ng WHO na tutulong din ito sa RITM sa pagtatasa ng anim na karagdagang mga laboratoryo.

4. Gaano katagal bago malaman ng isang pasyente ang resulta ng kanyang rest?

Sinabi ng DOH na ang aktwal na haba ng bawat test ay tumatagal ng mga 3 hanggang 6 na oras, hindi kasama ang oras na ginugol sa pagdadala ng mga sample sa laboratoryo, paghahanda ng mga sample, at pagpapatunay ng mga resulta.

Ang pangkalahatang “turnaround time” ng isang test, o ang tagal ng pagkuha ng isang pasyente ng kanyang resulta, ay nasa 24 hanggang 48 na oras, sinabi ng DOH. Ngunit maaari pa rin itong magtagal, depende sa bilang ng mga test na isinasagawa.

5. Bakit limitado ang mga testing kit?

Sa isang press briefing noong Marso 16, iniugnay ni Duque ang kakulangan ng mga testing kit sa bansa sa mga limitasyon sa suplay, bunga ng pandaigdigang sitwasyon ng COVID-19 na tinukoy ng WHO bilang isang pandemic.

Ang mga awtoridad sa kalusugan ng bansa ay gumagamit ng mga test kit na bigay ng WHO. Naghahanap din sila ng iba pang mga mapagkukunan upang mapalawak ang kapasidad.

Sa parehong press briefing, inihayag ni Duque na ang bansa ay tumanggap ng 500 test kits mula sa South Korea at 2,000 yunit mula sa China. Inaasahan ng DOH na makabibili ng 40,000 dagdag na mga kit, kasunod ng pag-apruba ng budget para dito, sinabi ni Duque. Noong Marso 21, inihayag ni Vergeire na ang bansa ay tumanggap ng 100,000 pang mga kit mula sa China, Brunei at South Korea.

Ang negosyanteng Chinese na si Jack Ma ay nangakong magbibigay ng 50,000 COVID-19 detection kits sa bansa sa pamamagitan ng Manny Pacquiao Foundation, sinabi ni Sen. Manny Pacquiao sa kanyang Instagram post.

Sa gitna ng kakulangan ng suplay ng testing kits, mga siyentipiko mula sa UP-NIH at Philippine Genome Center ay nakagawa ng PCR-based COVID-19 detection kits na maaaring makakuha ng resulta sa loob lamang ng dalawang oras.

Habang ang Food and Drug Administration (FDA) ay inaprubahan na ang paggamit ng mga test kit, naghihintay pa rin ito ng validation mula sa WHO. Ang proseso ay maaaring tumagal ng dalawa hanggang tatlong buwan. Gayunpaman, sinimulan na ng gobyerno ang field testing ng testing kits noong Marso 18.

Inanunsyo din ng FDA noong Marso 20 na walong COVID-19 RT-PCR testing kits na gawa ng mga kumpanyang South Korean at Chinese, bukod sa iba pa, ang naaprubahan para sa komersyal na paggamit sa bansa.

Sinabi ni Vergeire sa isang pakikipanayam makalipas ang tatlong araw na ang mga kit na binuo ng UP, na maaaring makakapagproseso ng higit sa 1,000 tests sa loob ng isang linggo, ay maaari nang magamit “sa susunod na linggo o mas maaga pa sa susunod, na susunod na linggo.”

Ito ay naaayon sa talumpati noong Marso 16 ni WHO Director-General Tedros Ghebreyesus, na nawagan sa lahat ng mga bansa na mag “test, test, test” ng lahat ng mga pinaghihinalaang kaso ng COVID-19:

[T]he most effective way to prevent infections and save lives is breaking the chains of transmission. And to do that, you must test and isolate. You cannot fight a fire blindfolded. And we cannot stop this pandemic if we don’t know who is infected.

(Ang pinaka-epektibong paraan upang maiwasan ang mga impeksyon at sagipin ang buhay ay ang pagsira ng mga tanikala ng transmission. At para magawa iyon, kailangan mong mag test at humiwalay. Hindi mo maaaring labanan ang isang sunog ng nakapiring. At hindi namin mapigilan ang pandemic na ito kung hindi namin alam kung sino ang nahawaan.)”

Pinagmulan: World Health Organization, WHO Director-General’s opening remarks at the media briefing on COVID-19 – 16 March 2020, Marso 16, 2020

 

Mga Pinagmulan

Politicians tested for COVID-19

Presidential Communications Operations Office, On PRRD getting tested for COVID-19, March 11, 2020

Duterte family tested for COVID-19

Presidential Communications Operations Office,On PRRD’s COVID-19 test result, March 14, 2020

Cabinet Secretaries tested for COVID-19

Official Facebook account of Sen. Juan Miguel Zubiri, To my dear Filipinos…, March 16, 2020

Several senators tested for COVID-19

Sens. Risa Hontiveros and Francis Pangilinan refused COVID-19 tests

DOH explains testing of Duterte, among others

Department of Health, MORE COVID TEST KITS ARRIVING, 5 SUB-NATIONAL LABS NOW OPERATIONAL, March 20, 2020

Department of Health, NCOV Tracker, Accessed March 22, 2020

Department of Health, Algorithm for Health Care Providers – as of March 16, Accessed March 19, 2020

Radio Television Malacanang, Press Briefing 3/16/2020, March 16, 2020

Concerned Artists of the Philippines, Artista ng bayan…, March 22, 2020

Scientists United Against COVID-19, We are an alliance…, March 22, 2020

Rappler.com, WATCH: DOH issues updates on #COVID19PH | March 20, 2020, March 20, 2020,

Department of Health, Paano ginagawa ang pagsusuri na (sic) COVID-19?, March 16, 2020

Official Facebook account of Doctor Edsel Maurice Salvana, Please be careful…, March 17, 2020

Research Institute for Tropical Medicine, SNLs proficient at diagnosing COVID-19, March 11, 2020

Research Institute for Tropical Medicine, RITM strictly follows guidelines, March 17, 2020

Department of Health, Department Memorandum No, 200-0071, Accessed March 19, 2020

CNN Philippines,DOH spokesperson Marie Rosario Vergeire…, March 17, 2020

News5, ONE NEWS NOW…, March 21, 2020

World Health Organization, Coronavirus disease (COVID-19), March 18, 2020

Department of Health, Gaano katagal ang bawat test?, March 16, 2020

Department of Health, Gaano katagal nalalaman ang resulta?, March 16, 2020

Radio Television Malacanang, Press Briefing-Laging Handa 3/9/2020, March 9, 2020

ABS-CBN News, Philippines eyes using UP-developed coronavirus test kits in a week | DZMM, March 11, 2020

ABS-CBN News, Philippines verifying alleged second COVID-19 fatality, March 10, 2020

Embassy of China in the Philippines official Twitter account, Meanwhile, China is ready to provide…, March 65, 2020

Department of Finance, Gov’t economic team rolls out P27.1 B package vs COVID-19 pandemic, March

Official Instagram account of Sen. Manny Pacquiao, We’re excited to announce…, March 17, 2020

University of the Philippines, The Philippine Genome Center: Stockpiling for COVID-19, March 10, 2020

Food and Drug Administration, FDA CLARIFIES AVAILABILITY OF COVID-19 TEST KITS IN THE COUNTRY, March 15, 2020

Food and Drug Administration, as of 20MAR_4PM_Updated.pdf, March 20, 2020

Food and Drug Administration, WALA PANG APRUBADONG POINT-OF-CARE O INSTANT COVID 19 TEST KITS, March 22, 2020

People’s Television, PANOORIN: Alerto, March 19, 2020

World Health Organization, WHO Director-General’s opening remarks at the media briefing on COVID-19 – 16 March 2020, March 16, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.