Sa isang media briefing noong Enero 30, binanggit ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang ideya ng paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, na sinabing ang mga lokal na pwersang pampulitika ay muling magsasama-sama sa Davao upang magtatag ng isang kilusan para sa kalayaan ng Mindanao.
“May proseso diyan, sa palagay ko sa UN (United Nations), kung saan kukuha ng mga prima mula sa lahat ng tao sa Mindanao— magpirma, kumpirmado, sinumpaan, sa harp ng maraming tao, magdesisyon na gusto natin para maghiwalay,” aniya.
Sa isang panayam kay dating presidential adviser Salvador Panelo, idinagdag ni Duterte na ang kilusan, na pamumunuan ni Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, ay naglalayong makamit ang secession nang mapayapa at legal tulad ng ginawa nang Timor Leste.
“May isang bagay tulad ng secession sa pamamagitan ng mapayapang paraan, na maaari kang humiwalay sa isang bansa batay lamang sa karapatan sa malayang pagpapasya, malayang pagpapasiya ng tao (ng mga tao),” paliwanag niya.
Ano ang sinasabi ng mga batas tungkol sa secession at self-determination? Narito ang kailangan mong malaman:
1. Legal ba ang secession sa Pilipinas?
Ang secession ay ang “unilateral withdrawal mula sa isang estado ng isang constituent part, kasama ang teritoryo at populasyon nito,” ayon sa Oxford Public International Law. Ang split na ito ay nagreresulta sa patuloy na pag-iral ng orihinal na estado at ang paglitaw ng isang bago.
Sa isang panayam sa TeleRadyo Serbisyo noong Peb. 1, sinabi ng abogadong si Domingo Cayosa, dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines, na ang secession ay “talagang imposible” na gawin sa Pilipinas dahil ang proteksyon ng integridad ng teritoryo o ang karapatan ng estado na ipagtanggol ang kanyang mga hangganan at teritoryo ay “malinaw” na nakasaad sa Konstitusyon.
“Kahit na, theoretically, itong sinasabi niya na magpapa-signature campaign sila. Kahit po ‘yung buong Mindanao ay mapapapirma nila… Sabihin natin ito ay lehitimong people’s initiative ‘yan, kailangan mo pa rin ang kooperasyon ng lahat ng iba pang probinsya at distrito ng bansang ito para magpatuloy ang pirma,” paliwanag ni Cayosa.
Binanggit din niya ang jurisprudence ng Korte Suprema na nagsasabing minor na pagbabago lamang ang pinapayagan sa pamamagitan ng people’s initiative, hindi malalaking rebisyon tulad ng pagbabago ng gobyerno.
Gayunpaman, nilinaw ni Cayosa na ang panukalang signature campaign na ito para sa kalayaan ng Mindanao ay hindi ganap na ilegal dahil ito ay manipestasyon ng karapatang magpahayag ng damdamin ng isang tao.
2. Ano ang sinasabi ng international law tungkol sa secession?
Sa parehong panayam, sinabi ni Cayosa na ang secession sa international law ay kasalukuyang usapin ng “domestic determination.”
“Sa international law, ‘yung secession… ni hindi malinaw ang depenisyon o pare-parehong kinikilalang karapatan. Kaya, kahit dudulog sila do’n, ‘yung sinasabi nila may proseso sa UN, wala ho. Self-determination medyo kinikilala na ngayon, hindi secession,” aniya.
Tunay na walang malinaw na international law sa secession. Bagama’t kinikilala ng international community ang pagpapasya sa sarili o ang karapatan ng mga tao na malayang matukoy ang kanilang katayuan sa pulitika at ituloy ang pag-unlad ng ekonomiya, panlipunan at kultura, kinikilala rin nito na ang mga estado ay may karapatan sa pangangalaga sa sarili.
Ipinaliwanag ni Antonello Tancredi, isang propesor ng international law sa University of Palermo, sa libro na pinamagatang “Secession: International Law Perspectives” na ang international law ay hindi nagbabawal o nagpapahintulot sa secession. Gayunpaman, ito ay “kinikilala ang resulta ng mga de facto na proseso na maaaring humantong sa pagsilang ng mga bagong estado.”
3. Maaari bang dalhin ang secession sa United Nations?
Ang UN ay dati nang nasangkot sa ilang pagkilos ng secessionist states para sa kalayaan at kinilala ang ilan bilang mga miyembrong estado. Gayunpaman, wala itong itinatag na proseso para sa secession dahil binibigyang-halaga din nito ang integridad ng teritoryo.
Ayon kay Ed Brown sa libro na pinamagatang “United Nations: Friend or Foe of Self-Determination,” ang mayroon ang UN ay mga deklarasyon at resolusyon sa self-determination na maaaring gamitin ng mga miyembrong estado sa pagkilala sa mga seceded states.
Nagtuturo si Brown sa University of Leicester at ang kanyang doctorate ay nakatuon sa secession mula sa mga nabigong estado at mga isyung nakapalibot dito. Sa kanyang pagsusuri, binanggit niya na mayroong kalabuan sa posisyon ng UN sa secession at anumang pagkilala sa isang seceded state na nagpapahintulot sa organisasyon na kumilos “pragmatically” sa mga kaso kung saan ang secession ay maaaring magpahupa ng kaguluhan ngunit hindi magtakda ng precedent na maaaring “magpahina sa internasyonal na sistema ng mga estado.”
Patuloy na binanggit ni Duterte at ng mga tagasuporta ang Mindanao secession sa pinagdaanan ng Timor Leste, Singapore at Kosovo tungo sa kalayaan. Gayunpaman, ang papel ng UN sa kanilang secession ay limitado sa peacekeeping at pagkilala sa mga bagong miyembrong estado.
Ang papel na ito ay naobserbahan din ni Brown sa dalawang secessionist na estado—South Sudan at Somaliland. Bagama’t magkapareho ang mga ito sa konteksto ng kanilang paghihiwalay sa kanilang mga parent state, iyon ay ang pagkabigo ng kanilang mga pamahalaan na magbigay sa kanila ng seguridad na nagreresulta sa direktang pang-aapi at pag-uusig, ang Somaliland ay hindi pa rin kinikilala ng UN.
Ipinaliwanag ni Brown na ito ay dahil ang kaso ng Somaliland ay maaaring hindi magdulot ng isang pangunahing international security concern na magbibigay-katuwiran sa UN mediation sa mga negosasyon, na maaaring humantong sa pagkilala at pagiging miyembro.
“Ito ay nagpapakita na kapag ang self-determination sa pamamagitan ng secession mula sa mga nabigong estado ay pinahintulutan sa UN, ito ay nakaugnay sa papel ng UN bilang isang peacemaker,” sabi ni Brown.
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
Mga Pinagmulan
Sonshine Media, LIVE: Former President Rodrigo Duterte speaks to the media in Davao City | January 30, 2024, Jan. 30, 2024
DZRJ 810 AM – Radyo Bandido, ?????? ?????? Hosted by Atty. Sal Panelo – February 07, 2024, Feb. 7, 2024
Oxford Public International Law, Secession, accessed Feb. 15, 2024
ABS-CBN News, Duterte’s ‘dream’ of Mindanao secession ‘practically impossible’: lawyer | TeleRadyo Serbisyo, Feb. 1, 2024
Cambridge University Press, 6 – A normative ‘due process’ in the creation of States through secession, 2006
E-Internal Relations, The United Nations, Self-Determination, State Failure and Secession, May 29, 2020
National Library Board Singapore, Singapore separates from Malaysia and becomes independent, accessed Feb. 19, 2024
Columbia University, The East Timor Crisis, December 1999
United Nations, Kosovo’s declaration of independence did not violate international law – UN court, July 22, 2010
United States Office of the Historian, A Guide to the United States’ History of Recognition, Diplomatic, and Consular Relations, by Country, since 1776: Kosovo, accessed Feb. 19, 2024
United Nations Security Council, Letter dated 26 March 2007 from the Secretary-General addressed to the President of the Security Council, March 26, 2007
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)