Sa kampanya sa Eastern Visayas noong Marso 22, si Hugpong ng Pagbabago chairperson at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay nagpahayag ng suporta sa pagbaba ng minimum age of criminal responsibility (MACR).
Nagbigay ng komento ang anak na babae ng pangulo habang sinisiyasat ng mga awtoridad ang pagpatay sa isang 16-taong-gulang na batang babae sa Cebu City, na ang luray luray na katawan ay natagpuan noong Marso 11. Ang pangunahing suspek ay ang 17-anyos na umano’y dating kasintahan ng biktima.
Ang pagpapababa ng MACR ay naglalayong matugunan ang krimen ng ginagawa ng mga kabataan. Sa maraming mga talumpati bago at mula nang mapanalunan ang halalan noong 2016, sinabi ni Pangulong Duterte na ang Republic Act 9344, na isinulat ni Sen. Francis Pangilinan, ay nagbunga ng isang “henerasyon ng mga kriminal” na lumaki na “walang kamalayan sa pananagutan” dahil sa hindi mahigpit na juvenile justice law.
Partikular na hilig ni Duterte na ilarawan ang nakababatang henerasyon bilang mga nagsasakatuparan ng mga kasuklam-suklam na krimen: “mga mamamatay-tao,” “mga rapist,” “mga magnanakaw,” at “mga courier ng droga” ng mga sindikato ng krimen.
Ang House of Representatives ay nagpasa ng isang panukalang-batas noong Enero 28 na pananagutin ang mga bata mula edad na 12 taong gulang sa krimen na kanilang kasasangkutan – mas bata ng tatlong taon kaysa sa kasalukuyang edad ng 15.
Gayunpaman, tunay bang kasuklam-suklam tulad ng sinasabi ni Duterte ang mga krimen na nagawa ng mga bata sa bansa? Narito ang tatlong bagay na kailangan mong malaman.
Ang bilang ng mga bata na in conflict with the law (CICL) ay bumaba kamakailan
Ayon sa datos ng Philippine National Police, ang naiulat na ang mga kaso ng CICL ay nabawasan ng halos ikalima mula 2016 hanggang 2018. Sa ilalim ng RA 9344, ang CICL ay tumutukoy sa mga bata na “pinaghihinalaan, inakusahan, o nahatulan na lumabag ng batas ng Pilipinas.”
Mula 14,389 mga kaso sa 2016 at 14,409 sa 2017, ang PNP ay nakapagtala lamang ng 11,324 insidente ng CICL noong nakaraang taon, isang pagbawas ng 21 porsiyento.
Ang mga krimen ng menor de edad ay 2% lamang ng kabuuang krimen sa buong bansa
Ang mga krimen na ginawa ng mga menor de edad sa 2018 ay 2.3 porsiyento lamang ng kabuuang 473,068 na krimen na naitala ng PNP sa taong iyon, tulad ng iniulat ng ilang mga organisasyon ng tagahatid ng balita.
Ang bilang ay halos pareho noong 2016 at 2017, nang ang mga pagkakasalang ng mga menor de edad ay 2.46 porsiyento lamang ng 583,774 krimen na naitala noong 2016 at 2.77 porsiyento ng kabuuang 520,641 na krimen noong 2017.
Mga nangungunang pagkakasala ng mga bata ay hindi kasuklam-suklam na mga krimen
Ang datos ng PNP sa CICL na nakuha ng VERA Files ay nagpapakita na ang unang tatlong pagkakasala ng mga menor de edad mula 2016 hanggang 2018 ay physical injury, pagnanakaw, at malicious mischief na nagreresulta sa pinsala sa ari-arian.
Ang tatlong ito ay nasa 40 porsiyento ng kabuuang mga kaso ng CICL para sa bawat taon.
Ang mga naunang ulat ng balita na nagbabanggit din ng datos ng PNP ay naglagay sa rape, isang kasuklam-suklam na krimen, sa unang tatlong krimen ng mga menor de edad sa 2017 at ikalawa pangkalahatang mula 2016 hanggang 2018.
Gayunpaman, iba ang kuwento ng datos ng CICL ng VERA Files mula sa PNP. Hinati-hati ayon sa rehiyon upang ipakita ang bilang ng mga menor de edad sa bawat isa sa 100 krimen na naitala sa 2016, 101 sa 2017 at 116 sa 2018, ang datos ay nagpapakita ng rape ay ang ikaanim na pinaka-karaniwang pagkakasala sa 2017, at ika-anim na pangkalahatang sa nakaraan tatlong taon.
Higit pa, habang si Duterte ay tama sa pagsasabi na ang pagnanakaw ay isang pangkaraniwang krimen ng mga menor de edad, ang mga kaso ng pagnanakaw ay pababa na mula pa noong 2015.
Ang pagpatay ay patuloy na nasa ika-15 ranggo sa nakaraang tatlong taon, na wala pang 150 mga kaso bawat taon.
Mga pinagmulan
GMA News Online, PHL embassy protests Washington Post story on killings, Feb. 26, 2019
Inquirer.net, Duterte, Cayetano want minimum age of criminal liability lowered to 12, Feb. 2, 2016
Manila Standard, PH-US defense pact likely item in Pompeo visit, Feb. 27, 2019
Philstar.com, PNP: Total crime volume down in 2018, Feb. 26, 2019
Philippine National Police, Data on Reported Children in Conflict with the Law Incident (CIRAS) 2016 to 2018.
Philippine National Police website, Form A PNP Performance Accomplishments FY 2016, n.d.
Philippine National Police website, Form A PNP Performance Targets and Accomplishments FY 2017, n.d.
Presidential Communication Operations Office, Media interview of President Rodrigo Roa Duterte following the groundbreaking ceremony of the new site of the San Lorenzo Ruiz General Hospital, Jan. 29, 2019
Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the 35th founding anniversary of Army Reserve Command (ARESCOM), Nov. 22, 2018
Radio Television Malacanang, Speech of President Rodrigo Duterte During the 7th Anniversary of Buhay OFW and Anti-Trafficking OFW Movement (ATOM) Launch, Oct. 18, 2017
Sun Star Davao, Duterte-Cayetano tandem vow to amend Juvenile Justice Law, Feb. 2, 2016
The Freeman, Duterte-Cayetano tandem eyes revision to Juvenile law, Feb. 4, 2016