Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Mga ipinanukalang pagbabago sa Juvenile Justice Law

Sa CICL na mas bata pa sa kriminal na responsableng edad.

By VERA FILES

Jan 31, 2019

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Ipinasa ng House of Representatives noong Enero 28 ang House Bill 8858 na naglalayong ibaba ang pinakamababang edad ng kriminal na pananagutan sa bansa mula 15 hanggang 12 taong gulang. Ang susog na ito ng Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice Welfare Act of 2006 ay isang hayag na kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago pa siya nanalo sa panguluhan.

Sinabi ni Duterte na ang batas na ipinanukala ni Sen. Francis Pangilinan ay nagbunga ng “henerasyon ng mga kriminal.” Hindi sinusuportahan ng datos ng pamahalaan ang pahayag ng presidente. (Tingnan ang: VERA FILES FACT CHECK: Did Pangilinan law produce a generation of criminals?)

Isang survey na pampublikong pananaw na inilabas ng Commission on Human Rights at Social Weather Stations noong Enero 29 ay nagpakita na 15 taong gulang pa rin ang nais na pinakamababang edad ng kriminal na pananagutan. Ipinakikita rin nito na ang karamihan ay naniniwala na ang mga bata na gumawa ng mga krimen na kasuklam-suklam ay dapat ibilanggo, salungat sa itinatakda ng kasalukuyang batas. Ang CHR ay hindi sumasang-ayon sa mga panukalang ibaba ang edad ng kriminal na pananagutan.

Habang naghahanda ang Senado sa pagtalakay ng mga katuwang na panukala, narito ang ilang mga bagay na kailangan mong malaman tungkol sa Juvenile Justice Law at ang mga ipinanukalang mga pagbabago.

Ano ang mangyayari sa batang lumabag sa batas sa ilalim ng “Pangilinan law?”

Ang mga bata na wala pang 15 taong gulang na lumabag sa batas ay hindi saklaw ng kriminal, ngunit hindi sibil, na pananagutan. Kaagad pagkatapos mahuli, sila ay ibibigay sa kanilang mga magulang, tagapag-alaga o iba pang mga awtorisadong gobyerno at mga nongovernment na institusyon. Mapapailalim sila sa mga interbensyon na nakabatay sa komunidad o isasangguni sa Bahay Pag-Asa, isang youth detention home na pinatatakbo ng pamahalaan.

Ang mga menor de edad sa pagitan ng 15 hanggang 18 taong gulang na gagawa ng mga pagkakasala na hindi pinarurusahan ng habang-buhay na pagkabilanggo ay maaaring ilabas sa kanilang mga magulang o tagapag-alaga pagkatapos magbayad ng piyansa o recognizance – sa ilalim ng isang espesyal na kondisyon sa hukuman. Ngunit kung ang korte ay magpasiya na ang kasalanan ay nagawa nang may pag-intindi/pag-unawa, ang mga bata na lumabag sa batas/children in conflict with the law (CICL) ay kailangang sumailalim sa isa sa dalawang bagay:

  • Isang diversion program, sa halip ng isang pormal na paglilitis sa korte
  • Paglipat sa isang Bahay Pag Asa habang naglilitis sa korte

Ang pag-unawa ay tinukoy ng Korte Suprema bilang kakayahan ng isang bata na “maunawaan ang pagkakaiba ng tama at mali at ang mga kahihinatnan ng maling gawain.”

Kasama sa mga diversion program ang serbisyo sa komunidad, pangangalaga ng institusyon, pagdalo sa mga pagsasanay at seminar, at paggawa ng nakasulat o pasalita na paghingi ng tawad, bukod sa iba pa. Ang mga programa ay pangangasiwaan ng isang kapitan ng barangay o ng isang opisyal na nagpapatupad ng batas, at isang social welfare and development officer.

Ang isang kaso sa hukuman ay gagawin lamang kung ang CICL ay hindi kwalipikado para sa diversion — ang mga bata o ang kanilang mga magulang o tagapag-alaga ay hindi sumasang-ayon sa diversion, o ang isang tagausig ay hindi naniniwala na ang diversion ay hindi naaangkop na pagkilos.

Larawan mula sa UNICEF Philippines

Ano ang mga ipinanukalang pagbabago sa “Pangilinan law?”

Ang House Bill 8858 at Senate Bill 1603 at 2026 ay nagmumungkahi na babaan ang pinakamababa na edad ng kriminal na pananagutan – o ng “responsibilidad sa lipunan,” gaya sinasabi ng House — mula sa kasalukuyang 15 taong gulang hanggang sa 12.

Sa tatlong panukala, mas marami pa — at mas bata — na mga bata ay maaaring ipasok sa mga youth detention center o mga Bahay Pag-Asa, o sumailalim sa mga diversion program.

Sa CICL na mas bata pa sa kriminal na responsableng edad

Nakasaad sa kasalukuyang batas na kahit ang CICL na hindi bababa sa 12 taong gulang ay maaari ring ipasok sa Bahay Pag-asa, kung ito ay para sa “pinakamahusay na interes ng bata.”

Pinapanatili ang kwalipikasyong na ito ng House, habang ang mga bersyon sa Senado ay nagpapanukala na ang pinakamababang edad para sa pagpapasok ay babaan sa 9 (na taong gulang).

Sa CICL ng kriminal na responsableng edad

Ang HB 8858 at SB 1603, na ipinanukala ni Sen. Frank Drilon, ay nagpapanatili na ang CICL ng kriminal na responsableng edad — sa pagitan ng 12 hanggang 18 – ay hindi kasali sa kriminal na pananagutan maliban kung napatunayan na sadyang ginawa nila ang pagkakasala.

Ang SB 2026 ni Senate President Vicente Sotto III, sa kabilang banda, ay nagmungkahi ng kabaligtaran: Ang CICL na may edad na 12 hanggang 18 ay may kriminal na pananagutan sa kanilang mga pagkakasala maliban kung napatunayan na kumilos sila nang walang pag-unawa.

Sa CICL na gumawa ng “malubhang krimen”

Para sa mga bata na nakagawa ng “malubhang krimen,” RA 10630 — isang susog sa RA 9433 — ay nagsasaad na ang mga nasa pagitan ng 12 hanggang 15 ay sapilitang ipapasok sa Bahay Pag-Asa ng hindi bababa sa isang taon.

Ang malulubhang krimen ay kinasasangkutan ng “parricide, murder, infanticide, kidnapping, at malubhang iligal na detensyon kung saan ang biktima ay pinatay o ginahasa, robbery na may homicide o panggagahasa, mapanirang panununog, panggagahasa, o carnapping kung saan ang driver o pasahero ay napatay o nagahasa sa ilalim ng RA 9165 ay mapaparusahan ng higit sa 12 taon na pagkabilanggo.”

Ang HB 8858 ay nagmumungkahi din para sa mga bata na wala pang 12 taong gulang; SB 1603 para sa mga batang may edad na 9 hanggang 12 taon. Nais ng SB 2026 na ang mga batang may edad na 9 hanggang 12 taong gulang na gumawa ng malubhang krimen ay ipasok din sa Bahay Pag Asa, ngunit hindi tinutukoy ang tagal ng panahon.

Sa tatlong panukala, ang bersyon ng House lamang ang nagmumungkahi ng probisyon para sa mababang sentensya para sa CICL na mapapatunayang nagkasala. Nakasaad sa probisyon:

SEK. 37-A. NAGBABABA NG SENTENSYA PARA SA MGA BATA NA LUMABAG SA BATAS. – Sa kabila ng lahat ng mga batas, at napapailalim sa iba pang mga probisyon sa Batas na ito na may kaugnayan sa pagsentensya sa mga bata na lumabag sa batas, ang hukuman ay dapat magpataw ng parusang dalawang grado na mas mababa kaysa sa itinakda sa batas para sa mga krimen na ginawa ng mga bata na lumabag sa batas. Sa mga kaso kung saan itinakda ng batas ang isang nakapirming panahon ng pagkabilanggo, ang panahon ay dapat mabawasan ng dalawang-ikatlo. Para sa mga krimen na pinarurusahan ng habang-buhay na pagkabilanggo, ang kaparusahan na ipapataw ay dapat na pagkabilanggo ng hanggang labindalawang (12) taon.

Pinagmulan: Section 9, House Bill 8858


Mga pinagmulan:

Act No. 3815, s. 1930 (Revised Penal Code)

Republic Act 9344: Juvenile Justice and Welfare Act of 2006

Republic Act 10630: Amendment to RA 9344

House Bill 8858

Senate Bill 1603

Senate Bill 2026

January 29, 2019. Commission on Human Rights Press Conference Facebook Live

Supreme Court Revised Rule on Children in Conflict with the Law A.M. 02-1-18 SC

Office of the Court Administrator Circular No. 204-2018

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling
salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at
personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami
ay ginagabayan ng mga
prinsipyo ng
International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan
bisitahin ang
pahinang
ito.



Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.