Skip to content
post thumbnail

VERA FILES YEARENDER: Pag fact-check ng mga ng may epekto

Si Vice President Leni Robredo, ang kontrobersyal na si Mocha Uson at dalawang iba pang opisyal ng gobyerno ay kabilang sa mga kilalang personalidad ng publiko na nagwasto sa kanilang mga pagkakamali pagkatapos na matutukan ng VERA Files ang kanilang maling pahayag.

By VERA FILES

Dec 20, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay at pinasisinungalingan ang mga maling pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad na may isang layunin: Papanagutin ang mga may kapangyarihan.

Ang aming trabaho sa 2018 ay nakakuha ng pinakamaraing reaksyon mula sa mga taong aming na fact-check. Binalikan namin ang ilan sa mga ito — negatibo man at positibo. Ang mga ito na-edit para sa maging maikli.

Si Vice President Leni Robredo, ang kontrobersyal na si Mocha Uson at dalawang iba pang opisyal ng gobyerno ay kabilang sa mga kilalang personalidad ng publiko na nagwasto sa kanilang mga pagkakamali pagkatapos na matutukan ng VERA Files ang kanilang maling pahayag.

Vice Presidente Leni Robredo

Noong Abril, si Vice President Leni Robredo ay sumulat sa London School of Economics para humingi ng tawad sa pagkakahhalo ng datos sa kahirapan at mga pampulitikang dynastiya sa kanyang talumpati:

“Nakalulungkot na nagkaroon ng isang hindi sinasadyang maling pakahulugan ng listahan na iniharap sa nasabing pag-aaral, na isinama sa talumpati… Mangyaring tanggapin ang aming mga taos-puso na paghingi ng paumahin tungkol sa kaguluhang ito. Mangyaring tinitiyak namin na sinimulan na ang kinakailangang pagwawasto upang maiwasan ang mga katulad na pangyayari sa hinaharap.”

Dating Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson

Ang dating Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson, na may matagal na kasaysayan ng pagwawalang-bahala sa katotohanan, ay naglabas ng erratum noong Agosto dahil sa pahayag na ang Pilipinas ay ang tanging bansa sa Southeast Asia na may unitary form ng pamahalaan:

“Sa muling sinusuri ng aking mga pinagkukunan ng kaalaman, sumasang-ayon ako na ang pahayag ay nagkamali at humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng mga mambabasa dahil sa pareho(ng pagkakamali).”

Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara

Si Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara, na nagsabi noong Nobyembre na ang kapwa senador na si Manny Pacquiao ang unang Pilipino na nagsalita sa Oxford Union, ay inamin ang kanyang pagkakamali sa isang tweet.

“Ako ay (nagkamali at ) samakatuwid ay kailangang itama. Salamat.”

Trixie Cruz-Angeles, dating social media consultant sa Presidential Communications Operations Office

Ang suspendidong abogado na si Trixie Cruz-Angeles, isang social media consultant ni Uson, ay iwinasto ang mga pagkakamali na ginawa niya noong Hunyo tungkol sa pagsisiyasat ng Senado sa dating Commission on Elections chief Andres Bautista:

“Narito ako upang maglabas ng erratum. Sila ay tama … Bagaman hindi ako sumasang-ayon sa marami sa kanilang mga miyembro at ilan sa kanilang mga manunulat, sumasang-ayon ako na dapat namin ifact-check ang bawat isa, tawagin ang pansin ng bawat isa.”

Jover Laurio, may-akda ng Pinoy Ako Blog

Ang anti-Duterte blogger na si Jover Laurio ay humingi ng paumanhin at binawi ang kanyang post noong Hulyo na nag-uugnay sa programang “Build, Build, Build” ng administrasyong Duterte sa isang flood control project sa Pampanga na bahagyang gumuho.

“Pasensya na po ng sinabi ko na parte eto ng “Build, Build, Build.” Ikalawa, yung ginawa niyo po na pag fact check sa akin ang nagpapatunay na patas po talaga kayo sa pag fact check ng nga [sic] blog sa Facebook . Anuman ang kulay pampulitika, pag mali dapat itama. Kudos po sa inyo at sa inyong kawani. Ikatlo, magsisilbing aral po ito sa akin bilang isang blogger na mas lalo pang mag-saliksik para sa mga datos na ilalagay sa aking blog. “

Sa kabilang banda, si presidential legal counsel at ngayon spokesperson Salvador Panelo ay kabilang sa mga pampublikong personalidad na nagreklamo sa aming mga fact check, inakusahan ang organisasyon ng “walang-halagang kritisismo” at “panliligaw sa katotohanan.”

Presidential spokesperson at legal counsel Salvador Panelo

Inakusahan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, legal counsel noon ni Duterte, ang VERA Files ng “kakuririan” noong pinasinungalingan nito ang kanyang pahayag noong Abril na ang Pilipinas ay nag-aambag ng 28 porsiyento ng pondo ng International Criminal Court.

“Maaaring kami ay hindi eksakto sa pagdating sa porsyento ng mga kontribusyon na ginawa ng Pilipinas, ngunit ang katunayan ay nananatili na ang bansa ay nagbigay ng isang malaking halaga sa ICC, na maaaring inilaan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga patakaran nito na direktang pakikinabangan ng mga Pilipino. Ang kontribusyong 23.7 milyong piso ng gobyerno ng Pilipinas sa ICC ay isang malaking halaga na maaaring magastos sa halip sa pagpapatayo ng mga pampublikong paaralan para sa mahihirap na bata.”

Sass Sasot, may-akda ng For the Motherland

Tinuligsa ng tagataguyod ni Duterte na si Sass Sasot ang VERA Files noong Mayo matapos nitong ifact-check ang kanyang pahayag na “ang China ay naging isang nuclear power mula pa noong 1950s.”

Ang kanyang sagot, “Ang VERA Files ay nag fact check ng isang napaka-walang-katuturang isyu para pagtakpan ang mas maraming may kinahihinatnan,” ay nagsabing:

“Ah ang Vera Files ay nag fact check sa akin matapos kong sabihin na ang China ay isang nuclear power mula pa noong 1950s. Kinontra ito ng Vera Files sa pamamagitan ng pagsabing nagsimula ang China na ‘tuklasin’ ang mga nukes sa 50’s ngunit nagtagumpay sa pagsubok noong 60’s. O diba, ‘pagtutuklas’ lang ang ginamit. Sinimulan ng China ang DEVELOPING noong 50s. Pero bakit kaya PAGTUTUKLAS ang ginamit na salita ng Vera Files?”

Dating representante ng Biliran na si Glenn Chong

Ang dating kinatawan ni Biliran na si Glenn Chong ay nagreklamo sa isang istorya ng VERA Files noong Agosto na tinawag na fake news ang isang ulat ng The Daily Sentry website. Ang isang malaking bahagi ng maling istorya ay nakuha mula sa post sa Facebook ni Chong na batbat ng opinyon.

“Ang bahaging ito ay walang kinalaman sa isyu o paksa ng iyong fact-check-coverage ng media. Pero isinama pa rin ninyo upang idawit ang aking isinulat sa Facebook sa inyong ulat tungkol sa Fake News. Iyon ay malinaw na pagliligaw ng katotohanan! … Tigilan na ang pagliligaw sa katotohanan bilang iyong negosyo! AKO AY HINDI MAGIGING MAPAGPARAYA SA SUSUNOD NA GAWIN NINYO ITO MULI. TANDAAN NINYO ANG SINABI KO. BAKA KAYO ANG AKING ISUSUNOD PAGKATAPOS KO SA FACEBOOK.”

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.