VERA FILES FACT CHECK: Bong Go inuulit ang kwestyonableng pahayag ni Duterte tungkol sa laban sa korapsyon
Patuloy na idinideklara ng baguhang senador na si Christopher Lawrence "Bong" Go ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na sugpuin ang katiwalian sa gobyerno ngunit lagi niyang hindi binabanggit ang mga pagkakasalungatan sa kampanya ng administrasyon laban sa graft and corruption.