VERA FILES FACT CHECK: Ang ebolusyon ng pagbabakuna ni Duterte laban sa COVID-19: Mula ‘una’ naging ‘huli’ hanggang ‘hindi pinapayagan’
Habang inilunsad ng bansa noong Marso 1 ang pinakahihintay nitong vaccination program laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), patuloy ang mga salasalabat na pahayag ng Palasyo kung kailan magpapabakuna ang 75-gulang na si Pangulong Rodrigo Duterte, at kung ito ay ipakikita sa publiko.

