VERA FILES FACT CHECK: President-elect Marcos Jr. nagbago ng posisyon sa SCS arbitral ruling
Mula sa pagsasabi na ang arbitrasyon ay "hindi na isang opsyon" sa pagharap sa nagsasapawang pag-aangkin (ng teritoryo) sa West Philippine Sea, sinabi ngayon ni president-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na igigiit niya ang 2016 arbitral award, na inilalarawan niya bilang isang “napakaimportanteng desisyon na pabor sa atin.”
