VERA FILES FACT CHECK: Imee Marcos mali sa pagsabing PH ang ‘pinakamaagang nag lockdown … sa mundo’ laban sa COVID-19
Hindi totoo ang sinabi ni Sen. Imee Marcos na Pilipinas ang nagpataw ng "pinakamaagang lockdown … sa buong mundo" upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.