Statement of President Aquino on the conviction of Renato Corona
Kahapon po naging saksi tayo sa isang napakagandang patunay na umiiral ang ganap na demokrasya sa ating bansa. Dalawampung senador ang bumoto upang matanggal bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema si Ginoong Renato C. Corona. Mulat tayo sa kung saan nag-ugat ang lahat nang ito. Sa matagal na panahon, namayani ang agam-agam na ang piring