VERA FILES FACT CHECK YEARENDER: Anim pinaka-paulit-ulit na kasinungalingan na pumapasok sa pampublikong diskurso sa 2022
Nagbabalik-tanaw ang VERA Files Fact Check sa mga paulit-ulit na kasinungalingan na kumalat ngayong taon: mula sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa giyera ng Pilipinas laban sa droga hanggang sa red-tagging kay dating bise presidente Leni Robredo hanggang sa nakaw na yaman ng pamilya Marcos.