VERA FILES FACT CHECK: Pagtatama sa mga maling pahayag ni Palace spox Roque tungkol sa pagsisiyasat ng Ombudsman sa kayamanan ni Duterte
Sa isang press briefing noong Pebrero 22, si Presidential Spokesperson Harry Roque ay nagbitaw ng ilang mga maling pahayag tungkol sa mga kapangyarihan ng Ombudsman at pagsisiyasat nito sa mga reklamo ng nakatagong kayamanan na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.