Sa isang press briefing noong Pebrero 22, si Presidential Spokesperson Harry Roque ay nagbitaw ng ilang mga maling pahayag tungkol sa mga kapangyarihan ng Ombudsman at pagsisiyasat nito sa mga reklamo ng nakatagong kayamanan na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
PAHAYAG
Sa isang press briefing sa Sara Municipal Hall sa Iloilo, mali ang sinabi ni Roque na ang Ombudsman ay may kapangyarihan sa ilalim ng Konstitusyon na buksan ang “anuman at lahat” na account sa bangko; na ginamit ang gayong kapangyarihan sa impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona; at “nabasura” ang mga reklamo ng nakatagong kayamanan na isinampa laban kay Duterte.
Sinabi ni Roque:
“Para sa Palasyo, ang Ombudsman ay may kapangyarihan na konstitusyunal na buksan at – anuman at lahat ng mga account sa bangko, na ginawa nito noong panahon ng impeachment ni Chief Justice Renato Corona.
“Nagpapatunay lang po na iyong pagbabasura sa uh- reklamo tungkol sa diumanong tagong yaman ni Presidente PRRD, ay wala pong basehan. Walang basehan sa batas o sa katotohanan.”Pinagmulan: Presidential Spokesperson Harry Roque, Press Briefing in Iloilo City, Feb. 22, 2018, watch from 13:26-13:55
FACT
Taliwas sa pahayag ni Roque, wala sa 1987 Konstitusyon na ang Office of the Ombudsman ay nabigyan ng kapangyarihan na buksan ang “anuman at lahat ng mga account sa bangko.”
Ang tanggapan, gayunpaman, ay maaaring:
“Humingi sa anumang ahensiya ng gobyerno ng tulong at impormasyon na kinakailangan sa pag ganap ng mga responsibilidad nito, at suriin, kung kinakailangan, ang may kinalaman na mga rekord at mga dokumento.”
Pinagmulan: 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, Official Gazette Pinagmulan: 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, Official Gazette
Ang mga pampublikong opisyal, upang sumunod sa mga probisyon ng pananagutan ng Saligang-Batas at batas na nagtatakda ng code of conduct and ethical standards, ay kinakailangang magsumite ng isang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) taun-taon.
Kasama sa form ng SALN ang isang waiver na nagpapahintulot sa Ombudsman na kumuha ng mga dokumento tungkol sa mga ari-arian, pananagutan, net worth, interes sa negosyo at mga koneksyon sa pananalapi ng mga opsiyal “mula sa lahat ng angkop na ahensya ng gobyerno.”
Sinasabi sa waiver:
“Pinahihintulutan ko ang Ombudsman o ang kanyang awtorisadong kinatawan na makuha at protektahan mula sa lahat ng angkop na ahensya ng gobyerno, kabilang ang Bureau of Internal Revenue tulad ng mga dokumento na maaaring magpakita ng aking mga ari-arian, pananagutan, net worth, mga interes sa negosyo at mga koneksyon sa pananalapi, kasama ang sa aking asawa at mga anak na walang asawa na wala pang 18 taong gulang na nakatira sa aking bahay na sumasaklaw sa mga nakaraang taon kasama ang taon na una akong naluklok sa opisina ng gobyerno.”
Pinagmulan: The basics: Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth, Official Gazette; SALN form, Civil Service Commission
Salungat din sa pahayag ni Roque, ang Ombudsman sa panahon ng impeachment trial ni Corona noong 2012 ay nakakuha ng impormasyon tungkol sa mga bank account ng dating Chief Justice sa pamamagitan ng Anti-Money Laundering Council.
Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Senate impeachment court:
“Tinukoy ko ang mga reklamo sa Anti-Money Laundering Council dahil naisip ko na ang mga paratang na kasama – ay na nasa loob ng hurisdiksyon ng AMLC.” (pahina 12) *** “Hindi ko kinuha ito mula sa bangko, Your Honor. Kinuha ko ito mula sa AMLC. “(pahina 26)
Pinagmulan: Record of the Senate Sitting as an Impeachment Court, May 14, 2012, Official Gazette
Ang Pilipinas ay may napakahigpit na bank secrecy laws, Republic Act Nos. 1405 at 4262, isa sa ilan lang na bansa sa mundo kung saan ang pagiging kompidensyal ng mga deposito ay legal na pinoprotektahan.
Ang mga transaksyon sa bangko na lampas sa P500,000 ay itinuturing na “sakop” na mga transaksyon at iniuulat sa AMLC.
Panghuli, nakaliligaw ang sinabi ni Roque na ibinasura ng Ombudsman ang reklamo laban kay Duterte.
Sa isang pahayag sa media noong Pebrero 15, kinumpirma ng Ombudsman na tinapos nito ang pagsisiyasat matapos “tumanggi na magbigay” ang AMLC ng impormasyon na kinakailangan sa imbestigasyon:
“Kinumpirma ng Office of the Ombudsman na ang fact-finding o field investigation sa mga reklamo na isinampa laban sa Pangulo ay isinara at tinapos noong 29 Nobyembre 2017 matapos tanggihan ng Anti-Money Laundering Council na magbigay ng isang ulat o kumpirmasyon sa hiniling na mahahalagang datos. ”
Pinagmulan: Statement from the Office of the Ombudsman, Pebrero 15, 2018
Sinabi nito na ang pag-terminate ay hindi nakakaapekto sa mga merito ng mga hinaharap na reklamo sakaling lumabas ang karagdagang ebidensiya:
Sa pamamagitan ng panuntunan, ang ‘sarado at tinapos na field investigation ay walang pagkiling sa muling pagsampa ng isang reklamo na may bago o karagdagang katibayan.’
Pinagmulan: Statement from the Office of the Ombudsman, Pebrero 15, 2018
Mga Pinagmulan:
Radio Television Malacanang, Presidential Spokesperson Harry Roque Press Briefing in Iloilo City
Official Gazette, 1987 Constitution of the Republic of the Philippines,
Official Gazette, The Corona Impeachment Trial
Official Gazette, The basics: Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth
Civil Service Commission, SALN form
Senate Committee on Banks, Senate Hearing: New Central Bank Act and Bank Secrecy Law
Statement from the Office of the Ombudsman, Feb. 15, 2018
2016 Revised Implementing Rules and Regulations of Anti-Money Laundering Act of 2001, as amended