VERA FILES FACT CHECK: Marcos nag-iba ng posisyon sa posibilidad ng muling pagsali ng PH sa ICC
Mula sa pagsasabi noong Agosto 2022 na ang Pilipinas ay "walang intensyon" na muling sumali sa International Criminal Court (ICC), sinabi ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbabalik ng Pilipinas sa Netherlands-based tribunal ay “pinag-aaralan.”