Nailatag na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sambayanan ang landas na tatahakin ng bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon sa kaniyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, Hulyo 25.
(Tingnan: Marcos lays down plans, skips key issues in first SONA)
Naging makatotohanan ba ang paglalahad niya ng estado ng bansa? At matutugunan ba ng kanyang mga inilahad ang mga isyu na inaasahan ng mga mamamayan na bigyang kasagutan?
Sa ika-walong episode ng #WhatTheF?! podcast, hihimayin ng mga batikang mamamahayag ng VERA Files ang mga isyung tinalakay at hindi sa SONA ng pangulo:
Maari din pakinggan sa Spotify, Apple Podcasts, Google Podcasts, Anchor.fm