Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: MALI-MALI ang ulat ng SMNI sa mga kaso laban sa KOJC manager

WHAT WAS CLAIMED

Ibinasura ng korte sa U.S. ang mga seryosong kaso ng human trafficking, forced labor, at money laundering matapos pumasok ang akusado na pinuno ng KOJC na si Marissa Dueñas sa isang plea bargaining agreement.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Walang mga kaso ng human trafficking, forced labor at money laundering laban kay Dueñas sa U.S. Siya ay kinasuhan ng conspiracy to commit an offense against the U.S., fraud and misuse of visas at marriage fraud.

By VERA Files

Oct 28, 2024

3-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Hindi totoo ang sinabi ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa ulat nito na ibinasura ng korte ng Estados Unidos ang mga kasong human trafficking, forced labor at money laundering laban kay Marissa Dueñas, ang human resources manager ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa U.S.

Wala sa mga kasong ito ang isinampa kay Dueñas, ayon sa isang 2021 superseding indictment laban kay KOJC founder Apollo Quiboloy at walong iba pang kasamahan. Kinasuhan siya ng conspiracy to commit an offense against the U.S., fraud and misuse of visas at marriage fraud.

PAHAYAG

Sinabi sa bahagi ng ulat na balita ng SMNI noong Okt. 10, ang broadcast arm ng KOJC:

Mabibigat na kasong human trafficking, forced labor, at money laundering ang ibinasura ng korte sa Amerika matapos pumasok sa isang plea bargaining agreement ang akusadong leader ng KOJC na si Marissa Dueñas…”

Ang pahayag ng SMNI ay batay sa isang sipi mula sa abogadong si Elvis Balayan, na kumakatawan sa mga abogado ni Dueñas. Bahagi ng pahayag ni Balayan ay nagsasabing:

“…sa pamamagitan po ng plea bargaining, pumayag ang mga abogado ng Estados Unidos na ibasura ‘yung mga napakabigat na krimen na isinampa laban sa kanya, kagaya ng forced labor, money laundering, human trafficking.”

Pinagmulan: SMNI News – DZAR Manila 1026 AM Radio website, Korte sa Amerika, ibinasura ang kasong human trafficking, forced labor, money laundering vs KOJC leader (archive), Okt. 10, 2024

The erroneous SMNI report and its AM radio web article version appeared three days after Dueñas pleaded guilty for conspiracy against the U.S. government on Oct. 7. Dueñas specifically admitted guilt in organizing sham marriages for KOJC to grant U.S. immigration status to its members.

Ang maling ulat ng SMNI at ang bersyon ng AM radio web article nito ay lumabas tatlong araw pagkatapos umamin ng guilty si Dueñas sa pagsasabwatan laban sa gobyerno ng U.S. noong Okt. 7. Partikular na inamin ni Dueñas ang pagkakasala sa pag-oorganisa ng sham marriages para sa KOJC na bigyan ng U.S. immigration status ang mga miyembro nito.

“Ang plea agreement ay hindi nagbabasura sa anumang mga kaso,” sinabi sa Ingles ni Benjamin D. Lichtman, isang assistant attorney ng U.S. na kabilang sa nag-uusig sa kaso laban kay Quiboloy at sa kanyang mga kasama, sinabi sa VERA Files Fact Check sa isang email noong Okt. 25.

ANG KATOTOHANAN

Walang kaso ng human trafficking, forced labor at money laundering laban kay Dueñas sa U.S.

VERA FILES FACT CHECK - ANG TOTOO: Mali ang report ng SMNI na ibinasura ng isang korte sa US ang mga kaso ng human trafficking, forced labor, at money laundering laban kay Marissa Duenas, human resources manager ng Kingdom of Jesus Christ sa US. Kinasuhan siya ng conspiracy to commit an offense against the US, fraud at maling paggamit ng visa, at marriage fraud

“Ang defendant na si Dueñas ay hindi kinasuhan ng anumang mabigat na kaso ng human trafficking, forced labor, o money laundering, bagama’t ang mga iyon ay nakalista sa akusasyon bilang mga object ng conspiracy count kung saan kinasuhan si Defendant Dueñas at lahat ng iba pang akusado,” sabi ni Lichtman.

Ayon kay Lichtman, sumang-ayon ang gobyerno ng U.S. na ibasura ang iba pang mga kaso laban kay Dueñas sa paghahatol sa kanya — kung hindi niya lalabagin ang plea agreement.

Noong Okt. 28, ang Facebook post ng umani SMNI ay umani ng kabuuang 3,240 reaksyon, 618 komento, at 76,000 plays, habang ang artikulo sa DZAR 1026 AM Radio website ng SMNI’ ay umani ng 1,700 views sa FB.

Check out these sources

 

U.S. District Court for the Central District of California – April 2021 Grand Jury, United States of America v. Quiboloy et al., No. CR 20-00079 (A)-TJH First Superseding Indictment, Nov. 10, 2021

U.S. Department of Justice, 923. 18 U.S.C. § 371—Conspiracy to Defraud the United States, accessed Oct. 15, 2024

U.S. Department of Justice, 1947. 18 U.S.C. 1546 — Fraud And Misuse Of Visas, Permits, And Related Documents, And False Personation, Accessed Oct. 15, 2024

United States Code, U.S. House of Representatives, 8 USC 1325: Improper entry by alien, Accessed Oct. 25, 2024

United States District Court for the Central District of California, United States of America v. Marissa Dueñas, No. CR 20-79(A)-TJH Plea Agreement for Defendant Marissa Dueñas, Oct. 7, 2024

Benjamin D. Lichtman, Personal communication (email), Oct. 25, 2024

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.