VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Quiboloy na ipapapatay siya at $2-milyong patong sa ulo walang basehan
Matapos hindi sumipot sa hearing sa kongreso tungkol sa mga alegasyon ng sex trafficking at mga paglabag sa prangkisa ng Sonshine Media Network International (SMNI), sinabi ni Apollo Quiboloy na nagtago siya dahil nasa panganib ang kanyang buhay. Sinabi niya na ang gobyerno ng Pilipinas at United States (U.S.) ay naglagay ng $2-milyong pabuya kapalit […]