Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Pahayag ni Roque sa ‘tinanggal’ na prangkisa ng SMNI nakapanliligaw, mga ‘nakakulong’ na anchor kulang sa konteksto

WHAT WAS CLAIMED

Kinansela ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang prangkisa ng Sonshine Media Network International.

OUR VERDICT

Nakapanliligaw:

Bagama’t naglabas ang National Telecommunications Commission ng cease and desist order laban sa mga operasyon ng radyo at telebisyon ng SMNI, nananatiling legal ang prangkisa nito.

By VERA Files

Jul 16, 2024

3-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Ang prangkisa ng news outlet na Sonshine Media Network International (SMNI) ay hindi tinanggal sa ilalim ng administrasyon ni Marcos Jr., taliwas sa pahayag ni dating presidential spokesperson Harry Roque.

Ang kanyang pahayag tungkol sa “detensyon” ng mga SMNI anchor ay kulang ng konteksto.

PAHAYAG

Sa isang pagtitipon kasama ang mga overseas Filipino worker sa Hong Kong noong Hulyo 7, sinabi ni Roque:

Mantakin ninyo, ang kaisa-isang istasyon na sumuporta sa kanya [Marcos Jr.] noong election — ang kaisa-isang istasyon na kanyang binigyan ng pagkakataon para sumali sa debate dahil ito ay patas — ang SMNI, tinanggalan ng prangkisa.”

Pinagmulan: Harry Roque Facebook page, Maisug Hong Kong, Hulyo 7, 2024, panoorin mula 6:52 hanggang 7:11

Sa parehong video, binanggit ni Roque ang pagkakakulong noong Disyembre ng SMNI program hosts na sina Eric Celiz at Lorraine Badoy sa House of Representatives ngunit hindi sinabi na ang katotohanan ay pareho silang na cite in contempt.

Hawak na nila ang traditional media and yet ayaw nilang nakakarinig ng kritiko. Anong ginawa sa mga nagtatanong kung paano ginastos ang kaban ng bayan gaya nila Ka Eric at Lorraine Badoy? Ipinakulong.

Pinagmulan: panoorin mula 7:22 hanggang 7:39

ANG KATOTOHANAN

Although the National Telecommunications Commission (NTC) had issued a cease and desist order against SMNI’s radio and television operations, its franchise remains legally valid.

Bagama’t naglabas ang National Telecommunications Commission (NTC) ng cease and desist order laban sa operasyon ng radyo at telebisyon ng SMNI, nananatiling legal ang prangkisa nito.

VERA FILES FACT CHECK - ANG TOTOO: Nakapanliligaw ang sinabi ni Harry Roque na "ipinatanggal" ng administrasyong Marcos ang prangkisa ng SMNI. Ang panukalang batas na naglalayong gawin ito ay naaprubahan pa lamang ng House of Representatives at hindi pa napagdedesisyunan ng Senado at ng pangulo.

Ang panukalang batas na magkakansela sa prangkisa ng SMNI ay inaprubahan lamang ng House of Representatives. Ang bersyon ng Senado ay nakabinbin sa Committee on Public Services.

Ang SMNI ay ang media arm ng Kingdom of Jesus Christ Church na itinatag ng kontrobersyal na pastor at nagpapakilalang “hinirang na anak ng Diyos” na si Apollo Quiboloy.

Noong 2019, ang prangkisa ng SMNI ay pinalawig ng isa pang 25 taon sa pamamagitan ng Republic Act No. 11422. Ito ay nakatakdang mag-expire sa 2044 pa, maliban kung ipapawalang-bisa ng ibang batas.

“Ang nararapat na paraan ng pagpapawalang bisa ay sa pamamagitan ng pagpapawalang-bisa sa batas ng prangkisa. Kaya, ang batas sa pagpapawalang-bisa ay dapat sumailalim sa parehong proseso ng pambatasan tulad ng kapag ang isang panukalang batas ay naipasa bilang batas,” sabi ni Sen. Grace Poe sa Ingles.

Ang panukalang batas ay inihain sa Kamara matapos sabihin ni Celiz noong Nob. 27 episode ng “Laban Kasama ng Bayan” na umabot sa P1.8 bilyon ang gastos ni Speaker Martin Romualdez sa mga biyahe sa loob ng isang taon, na itinanggi ng kanyang mga kaalyado.

Nang imbestigahan ng House Committee on Legislative Franchises ang isyu, si Celiz ay na cite in contempt dahil sa a pagtanggi na pangalanan ang pinagmulan ng kanyang impormasyon.

Samantala, si Badoy, isa ring SMNI host, ay pinatawan ng parehong kautusan dahil sa pagiging “hindi prangka tungkol sa kanilang kinikita sa co-produce ng kanilang palabas.”

Parehong nadetina ang dalawa sa House of Representatives sa loob ng isang linggo bago sila pinalaya bunga ng “humanitarian considerations” noong Dis. 12.

Ang SMNI ay patuloy na nagpapatakbo ng online at social media, dahil pinapayagan silang gawin ito sa kabila ng cease and desist order ng NTC.

Check out these sources

 

On NTCs cease and desist order on SMNI franchise

ABS-CBN, NTC orders SMNI to stop operations pending case resolution, Jan. 23, 2024

Inquirer.net, NTC orders SMNI to stop operations indefinitely, Jan. 23, 2024

Rappler, NTC orders stop to SMNI operations, Jan. 23, 2024

On the release of Badoy and Celiz

ABS-CBN, House panel lifts detention of SMNI hosts Badoy, Celiz, Dec. 12, 2023

GMA News, House releases SMNI program hosts Celiz, Badoy, Dec. 12, 2023

Rappler, Badoy, Celiz released from detention for ‘humanitarian considerations’, Dec. 12, 2023

PhilStar.com, Senate concurrence needed to revoke SMNI franchise, March 22, 2024

Inquirer.net, Poe says SMNI franchise recall bill a precedent for future legislation, March 21, 2024

Manila Bulletin, SMNI franchise revocation bill to undergo utmost study, scrutiny in Senate–Poe, March 21, 2024

Official Gazette of the Philippines, Republic Act No. 11422, Aug. 22, 2019

Senate of the Philippines, House Bill No. 9710 Legislative History, May 6, 2024

House of Representatives, House panel cites SMNI anchors in contempt, Dec. 5, 2023

House of Representatives, SMNI ANCHOR APOLOGIZES OVER FAKE NEWS ON SPEAKERS TRAVEL EXPENSE, Nov. 30, 2023

Atty. Mark Tolentino Facebook Page, Ang Kalayaan! Kasama si Ka Eric and Doc Loraine ng SMNI!, Dec. 12, 2023

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.