Hinihimok ang pinatalsik na mayor ng Bamban na si Alice Guo na sagutin nang totoo ang mga tanong na ibinato sa kanya sa isang imbestigasyon sa Senado, sinabi ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na matagal na siyang laban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Ito ay hindi totoo.
PAHAYAG
Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality noong Set. 9, muling na-cite in contempt si Guo dahil sa pag-iwas sa pagtugon sa mga tanong tungkol sa kanyang pagkakakilanlan at ang kanyang mga koneksyon umano sa mga kriminal na aktibidad na may kaugnayan sa mga POGO.
Sa huling anim na minuto ng pagdinig, nagkomentaryo si Go tungkol sa pag-iwas ni Guo, at sinabing nagbunga ito ng mga conspiracy theory at tsismis. Kabilang dito ang mga alegasyon na nag-uugnay kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga ilegal na gawain, gayundin sa masamang epekto ng mga POGO sa kaayusan at kaligtasan ng publiko.
Sinabi ng senador:
“At ako po’y mismo, noon pa, against po ako sa POGO. ‘Pag apektado na po ang peace and order, for the record, ayaw ko [p]a rin ng POGO, lalong-lalo na po ‘pag naghahasik na po sila ng lagim […] ‘Pag compromised na po ang peace and order, ayaw ko mismo, ayaw ko po. I‘m against POGO. Matagal ko na pong sinasabi ‘yan.”
(“At ako po’y mismo, noon pa, kontra po ako sa POGO. ‘Pag apektado na po ang peace and order, para sa record, ayaw ko [p]a rin ng POGO, lalong-lalo na po ‘pag naghahasik na po sila ng lagim […] ‘Pag na kompromiso na po ang peace and order, ayaw ko mismo, ayaw ko po. Laban ako sa POGO. Matagal ko na pong sinasabi ‘yan.”)
Pinagmulan: Senate of the Philippines, Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality (Setyembre 9, 2024), Set. 9, 2024, panoorin mula 5:21:10 hanggang 5:21:42
ANG KATOTOHANAN
Isa si Go sa 17 senador na bumoto noong Hunyo 2, 2021 pabor sa Senate Bill No. 2232, na kinikilala ang pagiging lehitimo ng offshore online gaming, at pagpapataw ng buwis sa mga POGO. Nangyari ito dalawang araw pagkatapos na i-certify na urgent ng noo’y pangulong Duterte ang panukalang batas.
Noong Set. 22, 2021, nilagdaan ni Duterte ang panukala bilang batas, na kilala rin bilang Republic Act No. 11950 o ang Act Taxing Philippine Offshore Gaming Operations.
Tatlong senador lamang sa 18th Congress ang bumoto laban sa panukalang batas: sina Sens Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan at Franklin Drilon.
Noong 2023, hindi pumirma si Go sa joint report ng Senate Committees on Ways and Means and Public Order and Dangerous Drugs, kung saan napagpasyahan na ang social cost ng POGOs ay mas matindi kaysa sa economic benefits nito at inirekomenda ang unti-unting pag-phaseout ng POGOs.
“Ang pagdami ng mga kriminal na aktibidad noong 2022 tulad ng kidnapping, illegal detention, prostitution at money laundering na direktang tumutukoy sa mga POGO ay bumalik sa Kongreso bilang bahagi ng oversight function nito, na kailangan ngayon balansehin ang tulong nito sa ekonomiya at pinsala sa lipunan,” nakasaad sa isang bahagi ng ulat.
Dahil dito, sinabi ng ulat na ang Pilipinas ay naging “hindi gaanong kaakit-akit” na sentro para sa pamumuhunan at turismo bunga ng mga kriminal na aktibidad na may kaugnayan sa mga operasyon at aktibidad ng POGO. Ang ganitong uri ng “panganib sa reputasyon at integridad,” sinabi nito, ay sasaktan ang ekonomiya ng bansa sa katagalan.
Check out these sources
Senate Bill No. 2232 TAXING PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATIONS (Legislative History), Accessed Sept. 16, 2021
On Senate voting for Senate Bill No. 2232
- GMA News Online, Senate approves bill imposing 5% tax on POGO gross revenues | GMA News Online, June 2, 2021
- Inquirer.net, Senate OKs Pogo tax bill, June 2, 2021
- BusinessWorld Online, Senate approves new tax on POGOs – BusinessWorld Online, June 2, 2021
On certifying POGO bill as urgent
- Inquirer.net, Duterte certifies Pogo tax regime bill as urgent, May 31, 2021
- GMA News Online, Duterte certifies as urgent bills taxing POGOs, creating OFW department, May 31, 2021
- Business World Online, Duterte certifies POGO tax bill as urgent, May 31, 2021
Senate of the Philippines Library, Republic Act No. 11590, Sept. 22, 2021
Senate of the Philippines, COMMITTEE REPORT NO. 136, Sept. 19, 2023