Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Pahayag ni Jay Sonza sa Marcos drug test nakapanliligaw

WHAT WAS CLAIMED

Hiniling ng Iglesia ni Cristo at NET25 kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa isang hair follicle drug test.

OUR VERDICT

Nakapanliligaw:

Walang inilabas ang INC o NET25 na anumang uri ng pahayag na nananawagan kay Marcos na sumailalim sa isang hair follicle drug test. Gayunpaman, si SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta, isang kilalang miyembro ng INC, ang gumawa nito.

By VERA Files

Aug 4, 2024

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Sinabi ng dating broadcaster na si Jay Sonza na hinimok ng Iglesia ni Cristo (INC) at ng television network nito na NET25 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa isang hair follicle drug test kasunod ng kumakalat na online ng umano’y gawa-gawang video ng pagsinghot niya ng puting pulbos.

Ito ay nakapanliligaw. Hindi naglabas ng anumang pahayag ang INC o ang NET25 tungkol sa umano’y paggamit ng droga ni Marcos, ngunit ginawa ito ni SAGIP Party-List Rep. Rodante Marcoleta, isang kilalang miyembro ng INC.

PAHAYAG

Sinabi ni Sonza sa isang post sa Facebook noong Hulyo 29:

Balita ko pati ang IGLESIA ay nanawagan na rin na sumailalim sa hair strand drug test si Pres. Ferdinand R. Marcos Jr.

Nadinig ko rin na maging ang NET25 ay humihiling na rin kay PBBM na sumailalim sa hair follicle drug testing para magkaroon ng linaw ang nasabing usapin.

IT’S ABOUT TIME. (ITO AY NAPAPANAHON NA.)

 

Pinagmulan: Jay Sonza Facebook page, Balita ko pati ang IGLESIA…, Hulyo 29, 2024

ANG KATOTOHANAN

Maging ang INC o ang mga pinuno nito ay hindi naglabas ng anumang uri ng pahayag na nananawagan kay Marcos na sumailalim sa isang hair follicle drug test. Ang namamahala ng NET25 ay hindi rin gumawa ng anumang ganoong panawagan.

Gayunpaman, nanawagan si Rep. Marcoleta para sa drug test ni Marcos sa July 26 episode ng kanyang NET25 show na pinamagatang Sa Ganang Mamamayan.

VERA FILES FACT CHECK-ANG TOTOO: Nakapanliligaw ang sinabi ni Jay Sonza na nanawagan ang Iglesia ni Cristo at ang network nito na NET25 na sumailalim sa hair follicle drug test si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dulot ng paglaganap ng pekeng video.

“Kung drug test ang kinakailangan, palagay ko kailangan ay sumailalim ang ating pangulo sa drug test,” sinabi niya.

Sinabi rin ng co-host ni Marcoleta, si Genycil Subardiaga na: “Ang sagot na lang talaga diyan, walang iba kundi drug test, para mapabulaanan mo” para mapatunayan ng pangulo na hindi totoo ang chismis tungkol sa kanyang pag gamit umano ng droga.

Ilang oras bago ang ikatlong State of the Nation Address ng pangulo noong Hulyo 22, isang video ng isang lalaking kahawig ni Marcos na suminghot ng parang pulbos na nasa plastik ang ipinakita sa Hakbang ng Maisug rally sa Los Angeles, California.

Ang video ay pinabulaanan ng National Bureau of Investigation at ng Philippine National Police. Isang Rappler fact-check ang nagpahayag din na ang video ay namanipula ng generative AI tools.

Ang dating pangulong Rodrigo Duterte, na nauugnay sa mga organizer ng Maisug rally at ilang beses na lumabas dito, ay nagsabi na ang pambansang pamunuan ng grupo ay walang kinalaman sa pagpapalabas ng footage.

Gayunpaman, nanawagan si Duterte kay Marcos na sumailalim sa hair follicle drug test upang mapasinungalingan ang napabalitang paggamit niya umano ng ilegal na droga.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.