Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: PANANAKOT lang ang mga hula tungkol sa pinakamalakas na lindol sa Metro Manila

WHAT WAS CLAIMED

Malapit nang mangyari ang “Big One” o ang lindol na wawasak daw sa buong Luzon

OUR VERDICT

Peke:

Ang mga hula kung kailan mangyayari ang Big One ay hindi na bago at ilang beses nang napasinungalingan.

Wala pang teknolohiya sa buong mundo na kayang hulaan ang eksaktong araw, oras, at lugar ng mga lindol, ayon sa PHIVOLCS.

By VERA FILES

Jun 11, 2025

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

May kumakalat na Facebook picture na hinuhulaang malapit nang mangyari ang “Big One” o ang lindol na wawasak daw sa buong Luzon. Peke ang hula at pananakot lang.

Ang mga hula kung kailan mangyayari ang Big One ay hindi na bago at ilang beses nang napasinungalingan.

Wala pang teknolohiya sa buong mundo na kayang hulaan ang eksaktong araw, oras, at lugar ng mga lindol, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) noong April 4.

Ang pananakot na hula ay napansin ulit mula noong May 29 kung kailan maraming religious Facebook pages at groups ang nagpakalat ng picture na may nakasulat na:

“Opisyal na babala! Tatama na ang ‘The Big One’ at wawasakin ang buong isla ng Luzon! Isang lindol na may lakas na 8.2 magnitude ay malapit nang mangyari! Huwag kang magpanggap na parang hindi mo ito nakita. Ang kamatayan ay tumatama sa lahat ng pamilya. Kung sa tingin mo ay pinoprotektahan ka ng Diyos, bigyan Siya ng papuri.”

Ilan sa mga nag-post ng pekeng hula ay God is good (130k reactions at 7.1k shares), The Last Days, Age of the Kingdom (256 reactions), at Ang pagtubos ni Jesus (64 reactions).

Ano ang “Big One”?

“Big One” ang tawag ng media sa pinakamalakas na lindol na puwedeng mangyanig sa Metro Manila at katabi nitong mga probinsya.

Nilinaw ni PHIVOLCS geologist Jeffrey Perez na puwedeng may iba pang “Big One”, hindi lang sa Metro Manila, dahil ang pinakamalakas na lindol ay puwede ring mangyanig sa ibang parte ng Pilipinas.

Metro Manila Big One ang pinakamalakas na lindol na puwedeng mangyanig kapag gumalaw ang West Valley Fault o ang isang daang kilometrong biyak sa ilalim ng Bulacan, Rizal, Metro Manila, Cavite, at Laguna. Ayon sa PHIVOLCS, puwede itong mangyanig nang 7.2 magnitude. At ayon sa kasaysayan, puwede itong mangyari ngayong henerasyon o sa susunod.

Ang West Valley Fault ay gumagalaw kada 400 hanggang 600 taon. Ang huling paggalaw nito ay 367 taon na ang nakalipas.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.