Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: PEKE ang mga post tungkol sa libreng pabahay ni Bongbong Marcos

WHAT WAS CLAIMED

Si Pangulong Bongbong Marcos ay namimigay ng libreng pabahay.

OUR VERDICT

Peke:

May bayad ang mga bahay ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino ng administrasyong Bongbong Marcos, pero ang gobyerno ay nagbibigay ng mga subsidy.

By VERA Files

Jun 19, 2024

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

May dalawang Facebook post ang nagsasabing si Pangulong Bongbong Marcos ay namimigay ng libreng pabahay. 

Ini-upload noong June 9, ang mga post ay may graphic na may nakasulat na:

“PBBM LIBRENG PABAHAY | walang babayaran kahit Piso | MAG MESSAGE SA AMIN”

Peke ang mga ito. May bayad ang mga bahay ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino ng administrasyong Bongbong Marcos, pero ang gobyerno ay nagbibigay ng mga subsidy. 

VERA FILES FACT CHECK - ANG TOTOO: Hindi nag-anunsyo ng libreng pabahay si Pangulong Bongbong Marcos. Ginagamit ng scammers ang pekeng ad upang dalhin ang mga tao sa scams na kaugnay ng GCash trading at cryptocurrency.

Walang announncement tungkol sa libreng pabahay ang official Facebook page ni Bongbong Marcos o kahit anong mga official website ng gobyerno, pero napaniniwala pa rin ng mga pekeng post ang mga netizen.

“Paano maka-avail ng pabahay?” comment ng isang netizen. “Ako po wala bahay umupa po ako,” comment din ng isa pa.

Ang nag-upload ng mga pekeng post ay sinasabihan ang mga nag-comment na mag-chat para sa impormasyon daw sa libreng pabahay. Pero pag-chat ng netizen ay pasasalihin lang siya sa Telegram group na nanghihingi ng pera sa Gcash at lolokohing palalaguin ito nang sampung beses.

May iba pang mga pekeng Facebook account na nanloloko rin tungkol naman sa cryptocurrency, at sinasabihan ang mga netizen na mag-send ng friend request sa partikular na tao na tumulong daw sa kanila na makabili ng mga bahay at makapagpatayo ng grocery.

Ang mga pekeng post tungkol sa libreng pabahay ay ipinakalat pagtapos mangako ni House Speaker Martin Romualdez ng sampung bilyong piso para sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino.

Ang mga pekeng post sa mga Facebook group na MEDICAL ASSISTANCE PILIPINAS at Pcso 6/58, 6/55, 6/49, 6/45, 6/42 Lotto Result Draw 9PM ay may kabuuang higit 920 reactions, 2,450 comments at 30 shares.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.