Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Sen. Robinhood Padilla bumaligtad sa isyu ng political dynasties

WHAT WAS CLAIMED

Naghain si Sen. Robinhood Padilla ng Senate Bill 2730 na naglalayong ipagbawal ang mga political dynasty.

OUR VERDICT

Flip-flop:

Wala pang isang buwan ang nakaraan, sinabi ni Padilla na “magandang balita” ang pagtakbo nina dating pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang dalawang anak na lalaki, sina Davao City Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte, sa 2025 senatorial race.

By VERA Files

Jul 26, 2024

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Wala pang isang buwan matapos sabihin na ang pagkakaroon ng tatlong Duterte sa 2025 senatorial race ay “magandang balita,” naghain si Sen. Robinhood Padilla ng panukalang batas na nagbabawal sa political dynasties.

Ang panukalang anti-political dynasty ni Padilla ay nagbabawal sa mga miyembro ng pamilya o mga kamag-anak na tumakbo para sa anumang elective office sa parehong lungsod at/o probinsya, o anumang party list sa parehong halalan.

PAHAYAG

Bahagi ng panukala ni Padilla, na inihain noong Hulyo 15 at naka-log bilang Senate Bill 2730, ay nagsabi na:

“No spouse or person related within the fourth degree of consanguinity or affinity, whether legitimate or illegitimate, full or half blood, to an incumbent elective official seeking reelection, shall be allowed to hold or run for any elective office in the same city and/or province, or any party list in the same election.”

(“Walang asawa o taong may kaugnayan sa loob ng ikaapat na antas ng consanguinity o affinity, lehitimo man o hindi lehitimo, buo o kalahating dugo, sa isang nanunungkulan na ibinoto na opisyal na naghahangad na muling mahalal, ay dapat payagang humawak o tumakbo para sa alinmang elective office sa parehong lungsod at/ o probinsya, o anumang party list sa parehong halalan.”)

Pinagmulan: Sen. Robinhood Padilla, The Anti-Political Dynasty Law, Hulyo 15, 2024

Sa isang media release na inilabas matapos ihain ang panukalang batas, sinabi ng baguhang senador:

“Political dynasties, in effect, have exhausted resources to attain economic and political dominance while at the same time compromising political competition and undermining accountability.”

(“Ang political dynasties, sa katunayan, ay umuubos ng resources para makamit ang pang-ekonomiya at pampulitikang pangingibabaw habang kasabay nito ay nakompromiso ang kumpetisyon sa pulitika at pinapahina ang pananagutan.”)

Pinagmulan: Senate of the Philippines official website, Sen. Robin Files Anti-Political Dynasty Bill, Hulyo 15, 2024

Si Padilla ang namumuno sa Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, kung saan ang anti-dynasty bill ay malamang na i-refer.

ANG KATOTOHANAN

Ikinatuwa ni Padilla ang pahayag ni Vice President Sara Duterte noong Hunyo 25 na ang kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte, kasama ang kanyang mga kapatid na sina Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte, ay tatakbo para sa mga puwesto sa Senado sa 2025 midterm elections.

Sinabi niya:

Napakagandang balita noon. Para sa akin magkakaroon ako ng mga kakampi sa Senado bukod kay Sen. Bong Go, Sen. [Ronald] Bato [Dela Rosa] saka Sen. [Francis]Tolentino.”

Pinagmulan: Twitter account ni Jessica Ann Evangelista (Inquirer.net), WATCH: Sen. Robin Padilla reacts to three Dutertesplan to run for senator in the next elections, Hunyo 27, 2024

VERA Files Fact Check - Ang Totoo: Wala pang isang buwan matapos sabihin na "magandang balita" na magkaroon ng tatlong Duterte sa 2025 senatorial race, naghain si Sen. Robinhood Padilla ng panukalang batas na nagbabawal sa political dynasties.

BACKSTORY

Ipinagbabawal ng 1987 Constitution ang political dynasties, ngunit kailangan ng isang enabling law para maipatupad ito. Sinasabi ng Section 26, Article II:

“The State shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law.

(“Ginagarantiyahan ng Estado ang patas na access sa mga oportunidad para sa serbisyo publiko at ipinagbabawal ang political dynasties na itatakda ng batas.”)

Pinagmulan: Senate Electoral Tribunal official website, 1987 Constitution, Peb. 2, 1987

Mula nang magpulong ang 8th Congress noong 1987, may mga pagtatangkang magpasa ng panukalang anti-dynasty, ngunit hindi nagtagumpay ang mga iyon hanggang sa kasalukuyang 19th Congress dahil sa pananatili ng political dynasties sa lahat ng antas ng gobyerno.

Ilan sa mga kapansin-pansing panukala para wakasan ang political dynasties ay ang itinaguyod ng yumaong senador na si Miriam Defensor-Santiago noong 2011, Sen. Grace Poe noong 2016 at Sen. Panfilo Lacson noong 2019.

Sa kasalukuyan, ang lahat ng sangay ng gobyerno ay pinangungunahan ng mga miyembro ng pamilyang politikal, kung saan ang mga pamilyang Marcos at Duterte ang nangunguna sa dalawang nangungunang posisyon sa burukrasya. Sa Senado, higit sa kalahati ng mga puwesto ay inookupahan ng mga miyembro ng political families.

 

(Ang may-akda ay isang mag-aaral sa sining ng komunikasyon sa University of the Philippines Los Baños at ginagawa ang kanyang internship sa VERA Files.)

Check out these sources

 

Anti-political dynasty bills

Senate of the Philippines official website, Robin: Napakagandang Balita Kung May 3 Dutertessa Senado, June 27, 2024

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.