Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Willie Revillame mali sa pagsabi na 94% hanggang 97% ng mga Pilipino mahirap

WHAT WAS CLAIMED

Television host at senatorial aspirant Willie Revillame sinabi na 94% hanggang 97% ng mga Filipino ay mahirap.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

May 17.54 million o 15.5% ng mga Filipino ang mahihirap noong 2023, batay sa pinakahuling datos ng kahirapan ng Philippine Statistics Authority (PSA). Nilalagay nito ang pambansang poverty incidence ng mga pamilya sa 10.9%, na katumbas ng 2.99 milyong pamilyang Filipino na walang sapat na kita income para matugunan ang pangunahing pangangailangan sa pagkain at hindi pagan.

By VERA Files

Oct 24, 2024

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Sa pagbibigay-katwiran sa kanyang pagtakbo para sa isang puwesto sa Senado sa 2025 elections, sinabi ng television host na si Willie Revillame na 94% hanggang 97% ng mga Pilipino ay mahirap. Ito ay hindi totoo.

PAHAYAG

Sa isang panayam sa The Big Story ng One News noong sa Okt. 8, tinanong ng anchor na si Shawn Yao si Revillame tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng pulitika sa Pilipinas at ang pinatutunguhan nito.

Sumagot ang kandidato sa pagkasenador, na nag-file ng kanyang certificate of candidacy noong araw na iyon:

Walang unity, eh; kanya-kanya, eh. Personal ang interest. If you’re a good public servant, dapat hindi ‘yan pang-personal na ano ang gusto mo. How many percent ang mahihirap sa Pilipinas? It’s about 97%, 94%, di ba?

(“Walang pagkakaisa, eh; kanya-kanya, eh. Personal ang interes. Kung magaling kang lingkod-bayan, dapat hindi ‘yan pang-personal na ano ang gusto mo. Ilang porsiyento ang mahihirap sa Pilipinas? Mga 97%, 94%, ‘di ba?”)

Pinagmulan: One PH, TBS | What made Willie Revillame decide to run for senator in the 2025 election?, Okt. 8, 2024, panoorin mula 06:04 hanggang 06:23

ANG KATOTOHANAN

Nasa 17.54 milyon o 15.5% ng mga Pilipino ang mahihirap noong 2023, batay sa pinakahuling datos ng kahirapan ng Philippine Statistics Authority (PSA). Dahil dito, nasa 10.9% ang pambansang poverty incidence sa mga pamilya, na katumbas ng 2.99 milyong pamilyang Pilipino na walang sapat na kita para matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan sa pagkain at hindi pagkain.

FACT CHECK: Willie Revillame mali sa pagsabi na 94% hanggang 97% ng mga Pilipino mahirap

Ang poverty incidence ay ang proporsyon ng mga pamilyang Pilipino na ang kita ay hindi sapat upang matugunan ang pinakamababang pangunahing pangangailangan sa pagkain at hindi pagkain.

Upang matugunan ang mga pangangailangang ito, ang isang pamilyang Pilipino ay kailangang kumita ng hindi bababa sa P13,873 bawat buwan.

BACKSTORY

Noong Hulyo, pinag-isipan ni Revillame ang pagpasok sa pulitika, at binanggit ang “kakulangan ng pagkakaisa” sa gobyerno na nakadidismaya sa kanya. Pagkalipas ng dalawang buwan, sinabi ng TV host na “handa” na siyang pumasok sa pulitika at tumakbong senador sa 2025 midterm elections.

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.