Skip to content
post thumbnail

Naniniwala Ba Si Cardinal David sa “Bloodless” Drug War ni Bongbong Marcos?

Hindi agad huminto ang patayan dahil lamang sa nagpalit ang administrasyon. Maaaring lingid sa kaalaman ni Cardinal David, pero ang pagtangan at pagsulong niya sa impormasyong ito ay pagpasakop sa bisa ng “bloodless” drug war propaganda ng administrasyong Marcos. Bagay na paulit-ulit na tinunggali, pinabulaanan, at tahasang nilantad na mali ng Dahas Project ng UP Third World Studies Center. Binubura ng “bloodless” drug war na propaganda ng administrasyong Marcos ang mismong mga pagpatay na gustong mabigyang-linaw at katarungan ng Cardinal.

By Joel F. Ariate Jr.

Nov 12, 2025

11-minute read

Share This Article

:

Natisod na agad sa isang kasinungalingan ang pangunahing nagpanukala ng isang National Truth and Reconciliation Commission on the Killings of the Drug War.

Nitong Nob. 7, pinangunahan ni Caloocan Bishop Cardinal Pablo Virgilio “Ambo” David ang isang pulong balitaan sa Archbishop’s Palace sa Villa San Miguel, Mandaluyong. Layunin ng pulong balitaan na ipanawagan kay Pangulong Ferdinand  “Bongbong” Marcos Jr., ang pagbuo ng nasabing komisyon para ganap na maungkat at maisiwalat ang katotohanan sa mga naging pagpatay sa giyera kontra droga, lalo na noong kasagsagan nito sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sa presscon, binasa ni Cardinal David ang isang sulat para kay Pangulong Marcos. Nilinaw niyang hindi siya naroon bilang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, kundi bilang bilang obispo ng Diyosesis ng Kalookan, na sumasakop sa Kalookan, Navotas, at Malabon—mga lugar na tigmak sa dugo dahil ang mga ito ang pinakamatitinding tinamaan ng patayan sa giyera kontra droga.

His Excellency

Ferdinand R. Marcos Jr.

President of the Republic of the Philippines

Malacañang Palace, Manila

November 07, 2025

Your Excellency,

Peace be with you.

We come together in solidarity with the countless families who still carry the grief and trauma caused by the extrajudicial killings during the previous administration’s anti-drug campaign, and out of profound concern for our nation’s healing and dignity.

In our parishes and communities, we continue to encounter mothers who were widowed and children who were orphaned, often overnight. These families did not only lose their loved ones—they lost their sense of security, their trust in public institutions, and, in many cases, their means of livelihood. Their grief is not abstract; it is carried daily in silent tears, empty chairs at the dinner table, and in the trauma that lingers in the hearts of young children who still ask, “Why did this happen to my father?”

Many of these families bravely stepped forward to testify before Congress during the Quad Committee hearings. Whistleblowers likewise risked their lives to describe, in painful detail, how the killings were allegedly incentivized and financed using public funds. If these allegations are proven true, they would reveal not only the corruption of public resources but also their tragic misuse in the taking of human lives—long before similar patterns of corruption surfaced in the alleged “ghost” flood-control schemes. Despite the courage shown by these witnesses, the investigations—by their nature—were in aid of legislation rather than prosecution. Thus, no meaningful legal resolution followed.

Meanwhile, thousands of cases remain labeled as “Deaths Under Investigation” (DUIs)—a classification that, in effect, allowed hired killers to hide behind anonymity and evade accountability while pursuing individuals whose names appeared on drug watch lists. The families of the victims, many of whom have lived in fear for years, have every right to demand that these cases be revisited and that answers be given. They deserve closure. Our institutions deserve restoration. Our nation needs healing.

For these reasons, we humbly appeal to Your Excellency to consider creating a National Truth and Reconciliation Commission, modeled after those established in other countries emerging from periods of systemic violence. Such a body would not exist to seek vengeance, but to establish truth, promote accountability, extend compassion to victims, and help our country move forward with honesty and moral clarity.

A Philippine Truth Commission could:

    • Provide a safe venue for victims, families, and witnesses to be heard
    • Encourage full disclosure from law enforcers and other actors, under proper legal safeguards
    • Review unresolved DUI cases and reopen files where warranted
    • Recommend reparations and psychosocial support for victims’ families
    • Propose institutional reforms to ensure such abuses never happen again

Truth-telling is not an act of reopening wounds—it is the only path by which wounds can finally heal. Silence breeds resentment and fear; truth restores dignity, trust, and moral coherence to our democracy.

We believe this is a moment of grace and historic opportunity. Your leadership in establishing such a commission would send a powerful message: that our nation chooses courage over fear, accountability over impunity, and reconciliation over silence. It would reaffirm a principle that lies at the heart of our democracy and our shared faith traditions: that every human life has dignity and worth.

With hope in God and confidence in your commitment to the common good, we respectfully submit this appeal.

Signed,

Pablo Virgilio S. Cardinal David

Bishop of Kalookan

 May this moment become a turning point when truth and mercy meet, and justice and peace embrace. (cf. Ps 85:10)

Sa binasa niyang sulat na pirmado rin ng mga indibidwal na kumakatawan sa iba’t ibang organisasyon, hiniling nila kay Pangulong Marcos ang pagbuo ng komisyon na mag-iimbestiga sa libo-libo pang mga kaso na klinasipika lamang ng kapulisan bilang mga DUI (death under investigation), na habang tumatagal nababaon na lamang sa limot, ang mga pumaslang nananatiling hindi natutukoy at napapanagot.

Ayon kay Cardinal David, “The families of the victims, many of whom have lived in fear for years, have every right to demand that these cases be revisited and that answers be given. They deserve closure. Our institutions deserve restoration. Our nation needs healing.”

Matapos basahin ng Cardinal ang panawagan, may apat ring mga kaanak ng mga pinatay sa drug war ang nagsalita. Umaasa silang kung matatatag ang komisyon, malalaman nila ang katotohanan sa pagkakapaslang sa kanilang mga mahal sa buhay at sa ganitong paraan makamit rin nila ang katarungan.

Nang mag-open forum na, humingi ng paglilinaw kay Cardinal David si UNTV reporter Asher Cadapan Jr. kung ang nais lamang nitong paimbestigahan ay ang mga patayang naganap sa ilalim ng dating administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sagot ni Cardinal David: “Well, ang nakatutok na pansin dito ‘yung killings in the context of the so-called war against illegal drugs. ‘Yun ‘yung focus ng attention. Because ah . . . ang pinagtataka lang namin, bakit so abruptly huminto siya nu’ng nagbago ‘yung administrasyon, ‘di ba? Of course, there were other cases of killings because ‘yung impunity remained, especially in our police institution. Pero almost abrupt ‘yung  pagbabago. Kaya magsimula tayo kung kailan siya talaga naging pinaka-rampant. ‘Yung mga panahon na ‘yun ng nakaraang administrasyon.”

Ang paglalarawan ni Cardinal David na “abruptly huminto” ang patayan sa giyera kontra droga sa pagpalit ng administrasyon ang muling nilinaw ng isa pang reporter. “Bakit suddenly po siya huminto?”

“‘Yung sinasabing nahinto o natigil,” paliwanag ng Cardinal, “ganun, meaning, ang sinasabi ko ang konteksto talaga n’ya was the direct order noong panahon ng so-called war or giyera kontra droga. Ngayon, parang biglang nagkaroon ng change of administration, biglang—Siguro wala nang incentive kaya nahinto. That’s what I’m wondering about. Kasi itong mga pumapatay, alam n’yo, I think, hindi ko na papatayin ang taong ito kung walang, you know, nag-utos o nagbayad sa kanya. Dati na nating alam ‘yung mga paid assassins. Noon, noon pa man merong mga paid assassins. Bayaran mo, papatay ‘yan. Pero ‘yung, that the government itself would allow that, ‘yun ang unconscionable—using government funds. That has to be established properly through an investigation.”

Sa mga lumabas na balita, walang nakapuna sa maling impormasyon na ito na sinabi ng Cardinal.

Hindi agad huminto ang patayan dahil lamang sa nagpalit ang administrasyon. Maaaring lingid sa kaalaman ni Cardinal David, pero ang pagtangan at pagsulong niya sa impormasyong ito ay pagpasakop sa bisa ng “bloodless” drug war propaganda ng administrasyong Marcos. Bagay na paulit-ulit na tinunggali, pinabulaanan, at tahasang nilantad na mali ng Dahas Project ng UP Third World Studies Center. Binubura ng “bloodless” drug war na propaganda ng administrasyong Marcos ang mismong mga pagpatay na gustong mabigyang-linaw at katarungan ng Cardinal.

Sa unang ulat ng Dahas Project na nilabas sa Vera Files noong Hunyo 14, 2023, malinaw nitong tinukoy na kahit isang taon nang lumipas ang administrasyon ni Duterte, “drug-related killings have not abated under Pres. Ferdinand Marcos, Jr. despite his pronouncement of a ‘more holistic’ approach to the problem of illegal drugs.”

Sa kumprehensibong report ng Dahas Project na sumasakop sa unang taon ng administrasyong Marcos, nilahad nitong “a year after Marcos was sworn into office, 342 have been killed in connection with illegal drugs. The number exceeds the 302 reported drug-related killings in the last year of the Duterte administration.”

Halos 50% (150 sa 302) sa mga pagpatay na may kaugnayan sa droga sa huling taon ng administrasyong Duterte ang gawa ng mga ahente ng estado, partikular ng mga pulis. Sa unang taon naman ng administrasyong Marcos, 47% (160 sa 342).

Sa kung sino-sino pa ang may kinalaman sa mga pagpatay, ito ang nilahad ng report: “Dubbed as ‘vigilante killings,’ victims that were killed by elements outside of the state’s hold during Duterte’s war on drugs held a stable and sizable share of the casualties all throughout his term, and has so become inextricably linked to his aggressive crackdown on illegal narcotics. These include those killed by non-state agents (identified private individuals and members of organized armed groups), unidentified assailants, and unknown assailants (incidents without any witness accounts). In Duterte’s last term in office, they collectively held 152 or about 50% of the total number of casualties broken down as follows: unidentified assailants – 98; non-state agents – 27; and, unknown assailants, also 27. In Marcos’ first year, this particular category of assailants held a comparably consistent share in the killings—53% or 182 out of 342. Unidentified assailants comprise 105 of these, non-state agents 42, and unknown assailants 35.

Marahil nakuha ni Cardinal David ang impresyon na “abruptly huminto” ang patayan sa giyera kontra droga nang palitan ni Marcos si Duterte dahil ang mga pagpatay na ito bahagyang bumaba sa Metro Manila at nalipat sa katimugan ng bansa. Ang mga balita ng pagpatay sa mga lugar na ito hindi halos umaabot sa atensyon ng national media. At sa hindi inaasahang kabalintunaan, sa ilalim ng isang Marcos, ang Davao City,  ang balwarte ng mga Duterte, ang naging sentro ng patayan na may kinalaman sa droga.

“In Duterte’s last year in office only one drug-related killing was recorded in Davao del Sur. In stark contrast, from July 1, 2022 to June 30, 2023, a dramatic increase in drug-related killings occurred in the province. The figure is currently at 53 or 15% of the total fatalities, a rate of around 1 every week. Almost a perfect streak, 52 out of 53 were killed by state agents with 40 deaths occurring in planned anti-narcotics operations and twelve in unplanned operations. One victim was killed by an unidentified assailant.”

Natigil lamang ang pamamayagpag ng Davao City bilang sentro ng patayan sa giyera kontra droga nang magkasira ang mga Duterte at mga Marcos. Sa isang ulat na nilabas ng Dahas Project sa panahong iyon, naobserbahan na ang marahas na giyera kontra droga na pinapatakbo ni Sebastian Duterte, mayor ng Davao City, ay natigil lamang nang manghimasok ang gobyernong Marcos.

“The head of the Davao City police was replaced several times over, cops suspected of being involved in the killings were taken out of their posts (at first 8, then eventually 35), and the Commission on Human Rights launched an investigation.” Pinatutunayan lamang nito na kung talagang gugustuhin ng gobyernong Marcos na pahintuin ang mga patayang may kinalaman sa ilegal na droga, magagawa nito, kahit pa (o siguro dahil sa) balwarte ito ng pinakakaribal nilang angkang pulitikal.

Sa ikalawa at ikatlong taon ni Marcos bilang presidente, nang mahinto ang patayan dahil sa ilegal na droga sa Davao City, sa Cebu namukadkad ang pinakamatingkad na kulay dugo sa mapa ng Dahas Project. Ito ang naging, at nagpapatuloy, na sentro ng mga patayan na may kinalaman sa ilegal na droga. Ang pangunahing kaibahan nga lamang ng mga pagpatay sa Cebu ay ang limitadong pagkakasangkot ng kapulisan. Ang mga naging pagpatay halo-halong gawa ng ‘di kilalang salarin at ng mga mismong kakilala ng mga pinaslang dahil sa awayan sa bentahan ng droga. Talamak rin sa Cebu ang paggamit ng mga bayarang mamatay-tao para tablahin ang mga tulak na hindi nagreremit ng benta sa amo nila o ng tulak na asin o tawas ang binibenta sa halip na shabu.

Sa unang taon ng administrasyong Marcos, mula Hulyo 2022 hanggang Hunyo 2023, 342 ang naiulat na pinaslang dahil sa ilegal na droga. Sa pangalawang taon, mula Hulyo 2023 hanggang Hunyo 2024, 360. At sa pangatlong taon, mula Hulyo 2024 hanggang Hunyo ngayong taon, 304. Kailan man hindi ito “abruptly huminto” dahil lamang pinalitan ni Marcos si Duterte.

Sa pinakahuling bilang ng Dahas Project para sa unang linggo ng Nobyembre. may pito na namang patay.

(Ang pananaw sa kolum na ito ay sa may-akda at hindi kinakailangang sumasalamin sa mga pananaw ng VERA Files.)

 [Si Joel F. Ariate Jr. ay university researcher ng Third World Studies Center, College of Social Sciences and Philosophy, University of the Philippines Diliman. Pinangungunahan niya ang Dahas Project. Isa rin siya sa mga lumagda sa sulat kay Pangulong Marcos na nananawagan sa pagtatag ng isang National Truth and Reconciliation Commission on the Killings of the Drug War. Kung gustong masundan ang lingguhan at buwanang bilang na nilalabas ng Dahas Project, sundan ito sa X (dating Twitter), sa Instagram, sa Threads, at sa Bluesky. Nilalabas rin ang mga bilang na ito sa official Facebook Page ng UP Third World Studies Center. Para sa mga pagsusuring ginawa ng Dahas Project, pumunta sa website nito.]

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.