Skip to content
post thumbnail

Taklobo mining sa WPS: Winawasak na yaman sa inaangking pangisdaan

Dahil sa patuloy na pagsira ng China sa coral reefs sa West Philippine Sea, nangangamba ang mga mangingisda at eksperto sa masamang epekto nito sa kabuhayan at food security ng bansa. Pakinggan sila dito sa special episode ng #WhatTheF?! Podcast.

By Rhoanne De Guzman and Rhenzel Raymond Caling

Dec 29, 2023

1-minute read

Share This Article

:

Kasabay ng panganib na sinusuong sa West Philippine Sea dahil sa umiigting na presensya ng China, isa pang problema ang hinaharap ng mga mangingisda doon.

Dahil sa patuloy na pagsira ng China sa coral reefs na tirahan ng mga isda para magmina ng giant clams, natatakot silang tuluyang mawalan ng huli at kabuhayan. Nangangamba rin ang mga eksperto sa magiging epekto nito sa seguridad sa pagkain ng bansa.

Pakinggan sila dito sa Special Episode ng What The F?! Podcast:

Ang mga mamamahayag na gumawa ng ulat na ito ay lumahok sa tatlong araw na seminar-workshop ng VERA Files na naglayong paunlarin ang kakayahan ng midya na palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa sitwasyon sa South China Sea.

Isinagawa ang programa sa pamamagitan ng Canada Fund for Local Initiatives ng Pamahalaan ng Canada.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.