Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Andanar mali sa human rights

Mali ang pahayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ang mga mobile phone ay "isang basic human right."

By VERA FILES

Aug 23, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Mali ang pahayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ang mga mobile phone ay “isang basic human right.”

PAHAYAG

Co-host ng programa sa radyo ng gobyerno na Cabinet Report sa Teleradyo, si Andanar ay nagsabi noong Agosto 18 na:

“Napagtanto ko lang kasi sa mga sinasabi ni Secretary Rio na ang isang cellphone o isang smartphone ay isang basic human right na ayon sa United Nations.”

Pinagmulan: Radyo Pilipinas, Cabinet Report sa Teleradyo, Agosto 18, 2018, panoorin mula 33:36 hanggang 33:46

Si Anadanar ay nagkokomento sa pahayag ni Information and Communications Technology Acting Secretary Eliseo Rio Jr. na “ang komunikasyon ngayon ay isang basic human right.”

FACT

Pinasinungalingan ng United Nations ang pahayag ni Andanar, sinabing hindi nito itinuturing na basic human right ang mga mobile phone.

Ang Office of the UN High Commissioner on Human Rights (OHCHR) sa isang email sa VERA Files Fact Check ay nagsabi:

“Ang mga cell phone at smartphone bilang mga aparatong teknolohikal ay hindi basic human rights sa ilalim ng international human rights law, at hindi inuri na ganoon ng United Nations.

Gayunpaman, ang karapatan sa malayang pagpapahayag, kabilang ang pagkuha ng impormasyon, na naging posible sa pamamagitan ng gayong mga aparato, ay basic human right.

Pinoprotektahan ng international human rights law ang komunikasyon / pagpapahayag / impormasyon – sa anyo ng karapatang maghanap, tumanggap at magbigay ng lahat ng uri ng impormasyon, at sa anumang paraan.”

Pinagmulan: UN OHCHR email sa VERA Files Fact Check

Idinagdag ng UN OHCHR na ang pariralang “sa anumang paraan” ay sumasakop sa impormasyon na hinahangad, natanggap at ibinahagi sa pamamagitan ng paggamit ng mga mobile phone at smartphone.

“Ang panghihimasok sa komunikasyon na nagaganap sa pamamagitan ng mga telepono, bilang isang pangkalahatang tuntunin, ay hindi maaaring maganap maliban kung ang panghihimasok ay ayon sa mga kondisyon ng international human rights law,” sinabi nito.

Ang Artikulo 19 ng Universal Declaration of Human Rights, na nagtatakda ng mga pangunahing at unibersal na karapatang pantao, ay nagsasaad:

“Ang bawat tao’y may karapatan sa kalayaan ng opinyon at pagpapahayag; kasama sa karapatang ito ang kalayaan na magkaroon ng mga opinyon na walang nanghihimasok at humingi, tumanggap at magbigay ng impormasyon at mga ideya sa pamamagitan ng anumang media at anuman ang mga hangganan.”

Pinagmulan: United Nations, Universal Declaration on Human Rights

Mga pinagkunan ng impormasyon:

Office of the High Commissioner on Human Rights, Personal Communication, Aug. 22, 2018.

United Nations, Universal Declaration on Human Rights

United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights, International Covenant on Civil and Political Rights


Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling
salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at
personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami
ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng
International Fact-Checking Network
sa Poynter
. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.