Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Andanar minasahe ang datos ng inflation, pinaratangan ang media ng pagpinta ng ‘negatibong larawan’ ng ekonomiya

Habang minamasahe ang datos kaugnay ng inflation kamakailan, pinaghalo-halo ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang kanyang mga datos at sinisi ang media.

By VERA Files

Sep 17, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Habang minamasahe ang datos kaugnay ng inflation kamakailan, pinaghalo-halo ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang kanyang mga datos at sinisi ang media.

PAHAYAG

Sa isang panayam sa radyo noong Septiyembre 8, si Andanar ay hiningian ng komento tungkol sa 6.4 porsyentong inflation rate — pinakamataas sa nakaraang siyam na taon — na naitala noong Agosto..

Sinabi niya:

“Marami kasi ang lumalabas sa mga pahayagan, sa media na iyon nga 6.4, tapos iyong epekto na parang 6.4 iyong buong Enero hanggang Agosto. Pero kung talagang uh, kukwentahin mo ito ay 4.8.”

Pinagmulan: Radyo Pilipinas, Cabinet Report sa Teleradyo, Setyembre 8, 2018, panoorin mula 1:18:33 hanggang 1:18:55

Idinagdag niya:

“Nagko-conclude kaagad yung marami na 6.4 para magpinta ng negatibong larawan, isang negatibong larawan ng ekonomiya natin.”

Pinagmulan: Radyo Pilipinas, Cabinet Report sa Teleradyo, Setyembre 8, 2018, panoorin mula 1:19:07 hanggang 1:19:18

FACT

Mali ang pahayag ni Andanar; ang dalawang datos na kanyang binanggit ay kumakatawan sa magka-ibang mga bagay, parehong itinuturing na mataas, at hindi ginawang mali sa mga ulat ng media.

Ang 6.4 porsyento na year-on-year na datos ay nagkukumpara sa pagtaas ng mga presyo sa Agosto 2017 at Agosto 2018, habang ang 4.8 porsyento na year-to-date na datos ay sumusukat sa inflation mula sasimula ng 2018 hanggang sa kasalukuyan, sa kasong ito Enero hanggang Agosto.

Ang parehong datos ay itinuturing na mataas dahil sila ay lumampas sa mga inaasahan ng pamahalaan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas:

“Ang aktwal na inflation print para sa Agosto 2018 ay lumampas sa mataas na dulo ng forecast ng BSP.”

Pinagmulan: Bangko Sentral ng Pilipinas, Inflation rises to 6.4 percent in August, Setyembre 5, 2018.

Sinabi mismo ng mga tagapangasiwa ng ekonomiya ng bansa/economic managers na ang year-to-date na 4.8 na porsiyento na inflation rate na iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay lumampas sa “bandang itaas” ng target ng gobyerno:

“Nagdulot ito ng year-to-date na inflation rate na 4.8 porsyento, lampas sa bandang itaas na target na inflation ng gobyerno na 2 hanggang 4 na porsiyento, at bahagyang mas mababa sa binagong forecast ng BSP para sa buong taon na inflation na 4.9 porsyento.”

Pinagmulan: Department of Finance, Joint Statement on August 2018 Inflation, Septiyembre 5, 2018

Mali rin si Andara sa pagsasabing nagkamali ang media sa pag-uulat ng mga datos kaugnay ng inflation.

Ang mga ulat na inilathala ng tatlong diyaryo na may pinakamalawak na mambabasa sa bansa ay inihayag lang ang datos ng PSA at pahayag ng mga economic manager tungkol sa inflation:

Pinagmumulan: Philippine Daily Inquirer, Consumers groan as food prices surge, Septiyembre 6, 2018; Philippine Star, Inflation surges to 6.4%, Setyembre 6, 2018; Manila Bulletin, August inflation hits 6.4%, Septiyembre 6, 2018

Ang mga ulat mula sa mga pinakapopular na mga website ng balita sa internet na inilathala noong Setyembre 5, nang araw ding iyon lumabas ang ulat ng PSA, ay malinaw din sa pagmarka ng mga year-on-year at year-to-date na mga datos:

Mga Pinagmumulan: ABS-CBN News, Inflation zooms past forecasts as underemployment rises, Setyembre 5, 2018; GMA News Online, Inflation hits 6.4% in August, a nine-year high, Setyembre 5, 2018; Inquirer.net, Inflation hits new 9-year high of 6.4% in August, Septiyembre 5, 2018.

Sa kanyang pahayag, si Andanar ang ikalawang opisyal ng Malacañang na bumaluktot sa datos ng inflation, pagkatapos ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na pinaghalo ang mga rate ng inflation at isinisi ito sa “maling mga headline.”

Mga pinagkunan ng impormasyon:

ABS-CBN News, Inflation zooms past forecasts as underemployment rises, Sept. 5, 2018

Bangko Sentral ng Pilipinas, Inflation rises to 6.4 percent in August, Sept. 5, 2018.

Department of Finance, Joint Statement on August 2018 Inflation, Sept. 5, 2018

GMA News Online, Inflation hits 6.4% in August, a nine-year high, Sept. 5, 2018

Inquirer.net, Inflation hits new 9-year high of 6.4% in August, Sept. 5, 2018.

Manila Bulletin, August inflation hits 6.4%, Sept. 6, 2018

Media Ownership Monitor Philippines

Philippine Daily Inquirer, Consumers groan as food prices surge, Sept. 6, 2018

The Philippine Star, Inflation surges to 6.4%, Sept. 6, 2018.

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.