Skip to content
post thumbnail

​VERA FILES FACT CHECK: Limang ang pangako ni Duterte noong kampanya at apat na ang natupad, sabi ni Andanar: parehas mali

Ang pahayag ni Andanar na nagawa na ng presidente ang apat na pangako ay hindi tumpak din.

By VERA Files

Jan 23, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Sabi ni Palace Communications Secretary Martin Andanar lima ang ipinangako ni Presidente Rodrigo Duterte noon kampanya. Mali.

Sinabi rin niya na lahat, pwera lang ang isa ay natupad na. Mali rin.

PAHAYAG

Sa kanyang lingguhang Cabinet report/ulat tungkol sa Gabinete na umere noong Enero 5 sa radyo DZRB ng gobyerno, sinabi ni Andanar:

Apat na po sa mga pangako ng pangulo ay naipatupad niya. Isa na lang ang hindi. Iyon na lang… Pederalismo.”

Pinagmulan: Radyo Pilipinas, Cabinet Report sa Teleradyo kasama si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar at Bisitang Cabinet Secretaries ni Leo Palo, Enero 5, 2018, panoorin mula 46:06 hanggang 48:09

Sinabi ni Andanar na natupad na ni Duterte and apat sa limang pangako ng kampanya: pagtugon sa kriminalidad at droga, pakikipaglaban sa katiwalian, pagpapababa ng kahirapan at pag-aayos ng kalagayan ng kapayapaan at kaayusan ng bansa.

FACT

Higit lima ang binitawang pangako ng kandidatong si Duterte noong kampanya.

Enero 8, 2016, si Duterte at running mate niyang si Alan Peter Cayetano “ay nagpalabas ng kanilang plataporma ng pamahalaan” sa harap ng 5,000 katao sa Cebu City, ayon sa isang press release ng Senado.

Ang kanilang mga pangako:

1. Umpisahan ang 24/7 na giyera laban sa krimen, katiwalian at droga

2. Taasan ang sahod ng mga pulis

3. Muling ipataw ang parusang kamatayan para sa trafficking sa droga at iba pang mga kasuklam-suklam na krimen/heinous crime.

4. Itaguyod ang pederalismo bilang uri/klase ng pamahalaan at palakasin ang pag-unlad ng rehiyon

5. Ilipat ang Department of Tourism sa Cebu

6. Lumikha ng higit pang mga lugar na pang turismo

7. Magtayo ng espesyalidad na ospital sa Visayas at Mindanao, “katulad ng Heart Center, Lung Center, Kidney Center, Orthopedic Center, Children’s Hospital, at Cancer Research and Treatment Center, na lahat ay nakabase sa Metro Manila.”

8. Tanggalin ang kontraktwalisasyon ng manggagawa

9. Doblehin ang sahod ng mga guro ng pampublikong paaralan/public school

10. Magbigay ng sahod na sasapat sa ikabubuhay ng mga manggagawa

11. Palawakin ang mga scholarship grant sa mga kabataan sa pamamagitan ng programa na Iskolar ng Bayan

Gumawa din si Duterte ng maraming iba pang mga pangako sa kanyang iba’t ibang mga talumpati sa kampanya at sa tatlong debate bago mag eleksyong pang panguluhan.

Kabilang dito ang paglikha ng isang bangko partikular para sa mga overseas Filipino workers, pamamahagi ng coco levy funds sa mga magsasaka, nagpapaunlad sa pagpaplano ng pamilya upang maiwasan ang sobrang populasyon, pagluwag ng trapiko sa Metro Manila, pagbibigay ng libreng irigasyon sa mga magsasaka, at paggawa ng mga bagong riles ng tren.

Ang mga pangakong ito noong kampanya ay malawakang iniulat sa media: humigit kumulang 30 ang naipon ng Inquirer.net, 13 ang tinukoy ng Rappler, at 10 pangako ang nilista ng CNN Philippines.

Sinundan ng SONA Promise Tracker ng VERA Files kung paano pinamamahalaan ni Duterte ang kanyang mga pangako.

Ang pahayag ni Andanar na nagawa na ng presidente ang apat na pangako ay hindi tumpak din.

Sa pagtugon sa droga at kriminalidad

Sa ilang mga pagkakataon, sinabi ni Duterte na ang kanyang giyera laban sa droga at kriminalidad ay magpapatuloy hanggang sa huling araw ng kanyang termino, na sumisira sa kanyang pangako noong kampanya na tatapusin ito sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: In his own words: Duterte’s drug war, so far)

Sa pakikipaglaban sa korapsyon

Sinibak ng presidente kamakailan ang ilang mga miyembro ng kanyang Gabinete dahil sa mga “hindi kinakailangang junket.” Ngunit ang mga miyembro ng komisyon laban sa korapsyon na kanyang madaliang nilikha noong Oktubre 2017 ay hinirang lamang noong Enero 12. Pinangunahan ito ng Volunteers Against Crime and Corruption Chair na si Dante Jimenez. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Anti-graft body not in operation five months since Duterte’s urgent vow)

Sa pagpapababa sa antas ng kahirapan

Sinabi ni Andanar na ang presidente ay nakapangako na babaan ang antas ng kahirapan “mula 24 porsiyento hanggang 14 porsyento.”

“Nakita natin, 21 porsiyento na iyong antas ng kahirapan ng ating bansa,” sabi niya.

Ang 21 porsiyento ng insidente ng kahirapan para sa mga pangunahing sektor ay naitala ng Philippine Statistics Authority sa 2015, isang taon bago naging pangulo si Duterte.

Sa pag-aayos sa sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan ng bansa

Ipinagkaloob ng Kongreso noong Disyembre ang kahilingan ng pangulo na palawigin ang batas militar sa Mindanao. Sinabi ng pangulo na ang extension/paglalawig ay makakatulong sa mga ahensya na nagpapatupad ng batas na “ganap na wasakin at tapusin ang patuloy na rebelyon sa Mindanao at pigilin ang mga ito mula sa pagkalat sa ibang mga bahagi ng bansa.”

Noong Nobyembre, tinapos niya ang mga usapang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front at noong Disyembre ay idineklara ang grupo na teroristang organisasyon.

Mga pinagkunan:

Senate of the Philippines, Duterte-Cayetano launch platform and nationwide listening tour, January 8, 2016

CNN Philippines, Did Duterte keep or break his promises?,. March 29, 2017

Rappler, SONA 2016: The Duterte promise tracker, July 24, 2016

Inquirer.net, DU30’s 30 promises, 2016

Inquirer.net, Duterte appoints Dante Jimenez as Anti-Corruption Commission chairman, January 15, 2018

Philstar.com, VACC’s Dante Jimenez named chair of anti-graft commission, January 15, 2018

ABS-CBNNews.com, Duterte appoints VACC’s Dante Jimenez to anti-corruption body, January 15, 2018

Philippine Statistics Authority, Farmers, Fishermen and Children consistently posted the highest poverty incidence among basic sectors – PSA, June 30, 2017

Official Gazette, Proclamation No. 374

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.