Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Bato mali sa pahayag na siya ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa Metro Manila

Pang anim si De la Rosa sa Metro Manila.

By VERA FILES

Jun 24, 2019

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Hindi totoo ang pahayag ni Senator-elect Ronald “Bato” Dela Rosa na siya ang nanguna sa National Capital Region (NCR), o Metro Manila sa mga tumakbo pagka-senador noong Mayo 13, na tinatawag niyang pagpapatunay ng suporta ng publiko sa anti-drug campaign ng gobyerno .

 

PAHAYAG

Sinabi ni De la Rosa, dating hepe ng Philippine National Police, sa isang pakikipanayam sa CNN Philippines noong Mayo 26 na hindi siya makapaniwala sa kanyang nakamit: isang “probinsyano” na nakakuha ng pinakamaraming boto sa Metro Manila sa mga kandidatong senador.

Sinabi niya:

I can’t just imagine (Hindi ko maisip) ha, ako ay isang probinsyano pero bakit ako naging number one (una) dito sa Metro Manila? Among all the senators (Sa lahat ng mga senador), ako ang number one (una) na nanalo dito. And to think (Kung iisipin) na Metro Manila is badly hit by the war on drugs (ay napinsala sa giyera laban sa droga), ang daming namatay dito, ang daming nahuli dito, ang daming nag-surrender (sumuko) dito.”

Idinagdag ni Dela Rosa:

“Pero ginawa nila akong number one (una), ibig sabihin, nagustuhan nila yung ating Oplan Tokhang. So that’s a confirmation (Kaya iyan ang kumpirmasyon) na ‘yung ginagawa natin ay maganda, hindi masama.”

Pinagmulan: CNN Philippines Youtube, ‘The Source’ speaks to Bato dela Rosa, Mayo 27, 2019, panoorin mula 3:47 hanggang 4:48

 

ANG KATOTOHANAN

Pang anim si De la Rosa sa Metro Manila.

Si Sen. Cynthia Villar, na mula sa Las Piñas – isa sa mga lungsod sa Metro Manila – at ang pangkalahatang topnotcher sa mga tumakbong senador, ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa Metro Manila na may 3,128,910 na boto, batay sa mga election return na ipinakita sa mga transparency server ng ABS-CBN News, GMA News at Inquirer.net noong Mayo 22.

Si Villar ay sinundan ng reelectionist na si Grace Poe, dating House Deputy Speaker Pia Cayetano, dating special assistant to the president Christopher “Bong” Go, reelectionist Sonny Angara at si De la Rosa.

 

Si Bato ay inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga nanalong senador na sina Villar, Go, Cayetano, dating Ilocos Norte Governor Imee Marcos, dating presidential political adviser Francis Tolentino at mga reelectionist na sina Angara at Koko Pimentel.

 

Mga pinagmulan

CNN Philippines Youtube,The Source’ speaks to Bato dela Rosa, May 27, 2019

ABS-CBN News website, Halalan 2019: Bato Dela Rosa

ABS-CBN News website, Halalan 2019: Cynthia Villar

ABS-CBN News website, Halalan 2019: Grace Poe

ABS-CBN News website, Halalan 2019: Pia Cayetano

ABS-CBN News website, Halalan 2019: Bong Go

ABS-CBN News website, Halalan 2019: Sonny Angara

GMA News Online, Eleksyon 2019: National Capital Region – Manila

GMA News Online, Eleksyon 2019: National Capital Region – Second District

GMA News Online, Eleksyon 2019: National Capital Region – Third District

GMA News Online, Eleksyon 2019: National Capital Region – Fourth District

GMA News Online, Eleksyon 2019: National Capital Region – Taguig-Pateros

Inquirer.net, 2019 Philippine Elections: Local Results, National Capital Region

 

(Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.