Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Celebs, netizens nagkamali sa pag share ng mga 2019 litrato ng baha sa Cagayan sa mga ‘Ulysses’ post

Habang ang probinsya ng northern Luzon ay talagang nakaranas ng matinding pagbaha dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses, ilang mga social media user, kabilang ang mga celebrity at isang lokal na istasyon ng radyo, ang nagbahagi ng mga lumang litrato na hindi ipinapakita ang malawakang pagbaha kamakailan sa Cagayan.

By VERA Files

Nov 26, 2020

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

(UPDATED) Habang ang probinsya ng northern Luzon ay talagang nakaranas ng matinding pagbaha dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses, ilang mga social media user, kabilang ang mga celebrity at isang lokal na istasyon ng radyo, ang nagbahagi ng mga lumang litrato na hindi ipinapakita ang malawakang pagbaha kamakailan sa Cagayan.

PAHAYAG

Noong Nob. 13 at 14, ang singer na si Moira Dela Torre, pop folk band Ben & Ben, aktres na si Angel Locsin, at ang lokal na istasyon ng radyo na 9.27 Happy FM Cotabato ay magkakahiwalay na nag post sa Facebook (FB) ng panawagang tulong para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses sa Cagayan. Ang lahat ay sinamahan ng mga litrato umano na nagpapakita ng pagbaha sa lalawigan.

Sa opisyal na page nito, nag-post ang Ben & Ben ng aerial photo na nagpapakita ng kulay tsokolateng tubig na sumasakop sa kalawakan ng lugar. Nakasulat ang caption na:

#CagayanNeedsHelp
#IsabelaNeedsHelp
#TuguegaraoNeedsHelp

[The] whole province is experiencing [its] highest flood record in decades. Let’s amplify calls for rescue and immediate response. Pls (Please) use this post as a sounding board. [L]et’s help region 2.

([Ang] buong lalawigan ay nakakaranas [ng] pinakamataas na tala ng pagbaha ng mga dekada. Palakasin natin ang mga panawagan para sa rescue at agarang pagtugon. Pls (Mangyaring) gamitin ang post na ito bilang isang sounding board. Ating tulungan ang region 2.)”

Pinagmulan: Ben&Ben; official Facebook page, “#CagayanNeedsHelp #IsabelaNeedsHelp…”, Nob. 14, 2020

Sina Locsin, Dela Torre, 92.7 Happy FM Cotabato, at isang concerned FB user ang nagbahagi ng parehong aerial photo ngunit katabi ang isa pang imahe na nagpapakita umano ng mga berdeng bukid ng Cagayan, na nagbibigay ng “before and after” effect. Ang mga post ay may caption na may magkatulad na mga hashtag na humihingi ng tulong sa ngalan ng lalawigan at kalapit nito na Isabela.

ANG KATOTOHANAN

Ang aerial photo na ibinahagi nina Ben & Ben, Locsin, Dela Torre, 92.7 Happy FM Cotabato, at isang netizen, na sinasabing ipinakita ang Cagayan na lubog sa tubig-baha, ay kinunan noong 2019.

Note: I-click ang mga litrato upang mai-redirect sa kanilang pinakaunang makukuhang bersyon sa online

Nakita sa isang reverse image search na ang litratong nagpapakita sa Cagayan na halos lubog sa tubig ay mula sa Dis. 6, 2019 FB post ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO). Ito ay nai-kredito kay Allacapan Municipal Mayor Harry Florida na gumawa ng aerial survey ng malawakang pagbaha sa mga bayan ng Iguig, Amulung at Acala. Ang parehong larawan ay nai-post ni Florida sa kanyang personal na FB account maaga pa nang araw na iyon.

Samantala, ang orihinal na kopya ng litrato na ipinapakita umano ang aerial view “bago bumaha” ang lalawigan ay hindi ma-trace sa pamamagitan ng online search.

Ang mga post nina Ben & Ben, Dela Torre, Locsin, 92.7 Happy FM Cotabato, at isang netizen ay pawang dumating matapos ang mga panawagang iligtas ang mga residente sa Cagayan at Isabela ay nag-trending sa social media, partikular sa FB at Twitter. Lumabas din ang mga ito kasunod ng napakalaking rescue efforts para sa mga binahaang pamayanan sa Marikina City at maraming bayan sa Rizal matapos umapaw ang Marikina River at Wawa Dam sa gitna ng pananalasa ng Ulysses.

Nang pinagsama, ang mga post ay nakakuha ng humigit-kumulang 468,607 shares, na may higit sa 642,704 likes at reactions, at 18,037 na mga komento hanggang Nob. 23. Ang post ni Ben & Ben pa lamang, na higit na pinalakas ni collegiate basketball player Kobe Paras at ng opisyal FB page ng Sony Music Philippines, maaaring umabot sa 28.63 milyong users, batay sa datos mula sa social media monitoring tool na CrowdTangle.

In December 2019, many towns in Cagayan experienced massive flooding after the Cagayan River and some nearby tributaries overflowed due to monsoon rains and Typhoon Tisoy.

Noong Disyembre 2019, maraming bayan sa Cagayan ang nakaranas ng matinding pagbaha matapos ang umapaw ang Cagayan River at ilang mga kalapit na tributaries dahil sa monsoon rains at Bagyong Tisoy.

Nitong Nobyembre, naranasan ng lalawigan ang “pinakamatinding pagbaha mula pa noong 1975,” na iniugnay ni Cagayan Governor Manuel Mamba na umaagos sa tubig-ulan mula sa kalapit na mga lalawigan na naiipon sa kanilang lugar, pati na rin ang pagpapalabas ng labis na tubig mula sa Magat Dam na nakadagdag sa pamamaga ng Cagayan River.

Batay sa ulat ng sitwasyon noong Nob. 25 ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hindi bababa sa 18 sa 28 na mga munisipalidad ng Cagayan ang nakaranas ng iba’t ibang antas ng pagbaha.

Nagtala rin ang ahensya ng 73 na namatay, 82 sugatan at 19 na nawawala sa mga apektadong rehiyon. Tinatayang nagkakahalaga ng higit sa P4.368 bilyon ang pinsala sa agrikultura at P8.735 bilyon naman sa imprastraktura.

UPDATE: Ang opisyal na media team ni Angel Locsin, sa pamamagitan ng Instagram account nito na @teamangelph, ay nakipag-ugnayan sa VERA Files Fact Check noong Nob. 26 at sinabi na hindi ang aktres ang nag post na may Disyembre 2019 na litrato ng (pagbaha sa) Cagayan.

“Kami ang team na humahawak sa facebook page ni Angel 🙂 Nais lang naming linawin na hindi si Angel ang nag-post ng litrato ngunit isa sa mga admin. Ngunit salamat sa inyo tungkol dito:) mas mag-iingat kami sa susunod,” anila sa Ingles.

Mga Pinagmulan

Archived FB posts

Cagayan Provincial Information Office, LOOK: AERIAL PHOTOS OF THE MASSIVE FLOODING IN CAGAYAN ALONG IGUIG, AMULUNG AND ALCALA THRU THE LENS OF ALLACAPAN MAYOR HARRY FLORIDA., Dec. 6, 2019

Cagayan Provincial Information Office, PANOORIN: Actual video ng aerial survey ng grupo ni Allacapan Mayor Harry Florida sa malawakang pagbaha sa Cagayan., Dec. 6, 2019

Allacapan Mayor Harry Florida Facebook account, (aerial photo), Dec. 6, 2019

National Disaster Risk Reduction and Management Council, Situation Report No. 3 (Typhoon Ulysses), Nov. 13, 2020

National Disaster Risk Reduction and Management Council, Situation Report No. 15 (Typhoon Ulysses), Nov. 25, 2020

Flooding in Cagayan in December 2019

Recent flooding in Cagayan

Cagayan Provincial Information Office, Build Back Better, Nov. 23, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.