Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Davao City Mayor ‘Baste’ Duterte bumaligtad sa pagsuporta kay Marcos

WHAT WAS CLAIMED

Dapat magbitiw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil siya ay “tamad” at “kung sa malasakit,” ayon kay Davao city Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

OUR VERDICT

Flip-flop:

Noong Enero 2022, inendorso ng noo’y kandidato para sa alkalde ng Davao City ang presidential bid ni Marcos kasabay ng kanyang kapatid na babae, si Vice President Sara Duterte na ngayon, at inihalintulad pa ang kanyang worth ethic sa kanyang ama, ang dating presidente na si Rodrigo Duterte.

By VERA Files

Jan 30, 2024

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Matapos iendorso ang presidential bid ni Ferdinand Marcos Jr. noong 2022, nananawagan ngayon si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na magbitiw sa pwesto ang pangulo.

PAHAYAG

Sa isang Hakbang ng Maisug Leaders Forum noong Enero 28, ikinalungkot ni Duterte na lumala ang illegal drug trade at insurgency sa ilalim ng administrasyong Marcos. Para sa kadahilanang ito, sinabi niya, na patungkol sa pangulo:

“You are lazy and you lack compassion. […] All of these things that he is causing is [sic] oppressing the people. Mao man gyud kay giuna nila ilahang politika. Ilahang self-preservation sa ilang politika. Wa nila giuna ang trabaho. […] Mr. President, kung wala kay gugma, kung wala kay aspirations sa imohang nasud, resign.”

(“Tamad ka at kulang sa malasakit. […] Ang lahat ng mga bagay na ito na kanyang idinudulot ay pang-aapi sa mga tao. Nangyayari ‘yan dahil inuuna nila ang sarili nila, ang ganansya nila sa politika. Hindi nila inuuna ang trabaho. Mr. President, kung wala kang pagmamahal at pangarap para sa iyong bayan, resign.”)

 

Pinagmulan: DZAR 1026 YouTube Channel, FULL SPEECH | Mayor Baste, may real talk kay PBBM sa “Hakbang ng Maisug Leaders Forum”, Enero 28, 2024, panoorin mula 18:36 hanggang 19:13 at 21:20 hanggang 21:33

ANG KATOTOHANAN

Dalawang taon na ang nakalilipas, nang si Marcos ay tumatakbo para maging pangulo kasama ang noo’y Davao City Mayor Sara Duterte bilang kanyang vice presidential running mate, inihalintulad ng nakababatang Duterte ang trabaho ni Marcos sa kanyang ama, ang dating pangulong Rodrigo Duterte.

Si Sebastian, na kumakandidato noon sa pagka-alkalde na binakante ng kanyang kapatid, ay nagsabi:

“If you want consistency na katulad nong ginawa ni PRRD, then I cannot see any other candidate kundi si Bongbong Marcos lang talaga. Ambitious, but not for the individual. It is for the collective whole good. ‘Yon naman talaga ang nakita natin, naputol lang.

(“Kung nais mo ng consistency na katulad nong ginawa ni PRRD, kung gayon wala kong nakikitang ibang kandidato kundi si Bongbong Marcos lang talaga. Ambisyoso, ngunit hindi para sa sarili. Ito ay para sa kabuuang kabutihan. Yon naman talaga ang nakita natin, naputol lang.”)

 

Pinagmulan: Ka Moment in Time Facebook Page, PANOORIN | Pakinggan ang Pahayag ni Sir BASTE DUTERTE sa iyong Adhikain…, Enero 29, 2022, panoorin mula 5:20 hanggang 5:53

Sa ilalim ng Section 8, Article VII ng Konstitusyon, ang bise presidente ang una sa linya ng paghalili sa pagkapangulo sakaling mamatay, magbitiw, magkaroon ng permanenteng kapansanan o matanggal sa pwesto (ang presidente). Sakaling magbitiw si Marcos, magsisilbing pangulo si Sara Duterte sa matitirang panahon sa anim na taong termino.

VERA FILES FACT CHECK: ANG TOTOO - Noong 2022, sa kasagsagan ng pangangampanya para sa Halalan 2022, nag-deklara si Sebastian "Baste" Duterte ng suporta para sa tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte sa pagka-presidente at bise-presidente. Inihalintulad pa ng nakababatang Duterte ang pagtatrabaho ni Marcos sa kanyang ama, si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Habang nalalapit ang araw ng halalan sa 2022, sinabi ni Sebastian sa isang rally ng UniTeam noong Marso 27 na itataas ni Marcos ang katayuan ng bansa nang mas mataas pa kaysa sa kung paano umalis ang administrasyong Duterte.

Kining tandem nila Inday Sara ug Bongbong Marcos kauban ang mga senador, usa ra akong ingnon sa inyuha. Kung kita, ni-a ta karon kung asa ta pagkahuman sa administrasyon ni PRRD (President Rodrigo Roa Duterte), si Bongbong Marcos isaka pa gyud na niya, ilupad pa ta padulong sa taas hantod sa dili na makab-ot.”

(“Isa lang ang masasabi ko tungkol sa tandem nina Inday Sara at Bongbong Marcos sa mga senador. Kung ngayon, nandito tayo sa pagtatapos ng administrasyong Duterte, itataas ni Bongbong Marcos ang [status] na iyon. Siya ang magbubuhat sa atin sa taas na hindi natin pinangarap na maabot.”)

 

Pinagmulan: UniTeam BBM-Sara Facebook Page, ‘We will fly, soar, fight, AND WIN!’, Marso 27, 2022

BACKSTORY

Sa isang prayer rally noong araw na iyon, si dating pangulong Duterte ay gumawa ng maraming alegasyon laban kay Marcos, tinawag pa niya ito na isang “adik sa droga.” Makalipas ang isang araw, tumugon si Marcos, na iniuugnay ang mga paninira ng kanyang hinalinhan sa umano’y paggamit niya ng fentanyl, isang opioid na itinuring na isang “umuusbong na problema” sa pagkagumon sa droga ng Philippine Drug Enforcement Agency.

(Basahin ang VERA FILES FACT CHECK: Rodrigo Duterte calling President Marcos a “drug addict” needs context)

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

 

Mga Pinagmulan

Ka Moment in Time Facebook Page, WATCH | Pakinggan ang Pahayag ni Sir BASTE DUTERTE sa kaniyang Adhikain…, Jan. 29, 2022

UniTeam BBM-Sara Facebook Page, ‘We will fly, soar, fight, AND WIN!‘, March 27, 2022

Rody Duterte Official Facebook Page, PRAYER RALLY, Jan. 28, 2024

Presidential Communications Office, Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. during his Departure for his State Visit to the Socialist Republic of Vietnam, Jan. 29, 2024

Inquirer.net, Marcos shoots back: Ex-president Duterte takes fentanyl | INQToday, Jan. 29, 2024

ABS-CBN News, Marcos on Duterte tirades: ‘I think it’s the fentanyl’, Jan. 29, 2024

GMA News Online, Fentanyl an ‘emerging drug problem’ in Philippines —PDEA, July 3, 2023

The Manila Times, Fentanyl use emerging drug problem, July 5, 2023

The Star Malaysia, Philippines raises alarm over illicit fentanyl imports from Laos, Myanmar and Thailand, July 8, 2023

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.