Mula sa pagmamalaking “hindi kailangan” ng Pilipinas ang United States para “mabuhay bilang isang bansa,” si Pangulong Rodrigo Duterte, sa pamamagitan ng kanyang secretary of foreign affairs, ay nagdesisyon na ipagpaliban muna ng hindi bababa sa anim na buwan ang pagwawakas ng Visiting Forces Agreement (VFA) dahil sa mga “pampulitika at iba pang mga kaganapan sa rehiyon” sa kasalukuyan.
Panoorin ang video na ito:
Sa isang naunang pakikipanayam sa radyo, tahasang sinagot ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, na nagsisilbi ring tagapagsalita ng pangulo noon, ng “hindi” ang tanong kung bukas si Duterte sakaling pag-usapan muli ang kasunduan. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Palasyo kinontra ang AFP chief, sinabing PH ‘hindi bukas’ sa mga bagong military agreement)
Nakasaad sa DFA note na magsisimula ang suspensyon sa Hunyo 1 at magpapatuloy sa loob ng anim na buwan. Maaari itong palawakin ng Pilipinas ng isa pang anim na buwan, “pagkatapos nito ang paunang panahon sa Note Verbale No. 20-0463 na may petsang Pebrero 11, 2020 (pagtatapos ng VFA) ay magpapatuloy.” (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Visiting Forces Agreement, ipinapaliwanag)
Sa isang press briefing noong Hunyo 2, sinabi ni Locsin na pagbabago ng posisyon ni Duterte ay bunga ng “malawak at mabilis na pagbabago ng mga kaganapan sa mundo sa panahon ng pandemic at maigting na tensiyon sa pagitan ng mga superpower.” Sa kabilang dako, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaaring naisip pangulo ng na “hindi napapanahon” na wakasan ang kasunduan dahil “kailangan nating makipagtulungan sa ibang mga bansa upang labanan ang pandemic.”
Mga Pinagmulan
Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, “I issued a diplomatic note to the US ambassador…,” June 2, 2020
Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, “The Deputy Chief of Mission of the Embassy of the United States has received the notice of termination of the Visiting Forces Agreement…,” Feb. 11, 2020
RTVMalacanang, Oath-Taking of the NCCA Officials and Presentation of the 12th Ani ng Dangal Awardees (Speech), Feb. 26, 2020
ABS-CBN News, Duterte may also scrap EDCA, says Panelo: ‘Mukhang ayaw niya na rin’ | DZMM, Feb. 12, 2020
Senate of the Philippines, Senators ask SC to rule on the constitutionality of treaty abrogation, March 9, 2020
Presidential Communications Operations Office, Press Conference of President Rodrigo Duterte following the Inter-Agency Task Force Briefing on COVID-19, March 9, 2020
Department of Foreign Affairs official Facebook page, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. announces the suspension of the VFA termination, June 3, 2020
Department of Foreign Affairs, Statement: On the Suspension of the Pending Termination of the PH-US Visiting Forces Agreement, June 3, 2020
CNN Philippines, The Source: Delfin Lorenzana, June 3, 2020
RTVMalacanang, Press Briefing, Jan. 27, 2020
Official Gazette, Agreement Between the Government of the Republic of the Philippines and the Government of the United States of America Regarding the Treatment of United States Armed Forces Visiting the Philippines, Feb. 10, 1998
RTVMalacanang, Ceremonial Distribution of Benefits to Former Rebels (Speech), Jan. 23, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)