Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Enrile nagbago ng posisyon sa same-sex union

Mula sa pagsasabing ang mga pagsasama ng parehong kasarian ay "hindi natural," si dating Senate President Juan Ponce Enrile, na naglunsad ng pagbabalik Senado sa edad na 94, ay nagsabi ngayon na siya ay hindi laban sa kanila.

By VERA FILES

Dec 10, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Mula sa pagsasabing ang mga pagsasama ng parehong kasarian ay “hindi natural,” si dating Senate President Juan Ponce Enrile, na naglunsad ng pagbabalik Senado sa edad na 94, ay nagsabi ngayon na siya ay hindi laban sa kanila.

PAHAYAG

Sa Dis. 2 senatorial forum ng CNN Philippines, si Enrile at iba pang mga kandidato ay sinabihan na itaas ang karatulang “yes” o “no” para ipakita ang kanilang paninindigan sa mga pangunahing isyu.

Sila ay tinanong:

“Pabor ba kayo sa pagbibigay sa mag-asawang pareho ang kasarian ng mga legal na karapatan at katayuan sa ilalim ng kasalukuyang civil union bill?”

Pinagmulan: CNN Philippines, The Filipino Votes: How do the senatorial candidates stand on key issues?, Dis. 2, 2018, panoorin mula 1:44:57 hanggang 1:45:15

Ang sagot ni Enrile: “Oo.”

ANG KATOTOHAN

Tinanggihan ni Enrile noong 2016 ang ideya ng pagsasama ng parehong kasarian.

Sinusuportahan ang komento ng noo’y kandidato sa pagkasenador na si Manny Pacquiao na ang mga nasa relasyon na parehong kasarian ay “mas masahol pa kaysa sa mga hayop,” si Enrile ay nabanggit sa ilang mga ulat ng balita na nagsabing:

“Hindi ko gagawing ganoon katindi, ngunit iyon ay hindi natural.”

Mga pinagmulan: GMA News Online, Manila Bulletin, Manila Standard

Sinabi rin niya sa mga sumusuporta sa pag-aasawa ng parehong kasarian na pumunta sa Mars:

“Tama si Pacquiao. Kung ipipilit ng mga grupo ng LGBT ang pag-aasawa ng parehong kasarian, mainam pa na pumunta sila sa planetang Mars.”

Mga pinagmulan: ABS-CBN News, Interaksyon, GMA News Online

Si Enrile, na inakusahan ng pandarambong dahil sa kanya umanong kaugnayan sa multibillion-peso Priority Development Assistance Fund o pork barrel scam, ay pinalaya matapos mag piyansa noong 2015 dahil sa kanyang edad.

Mga pinagkunan ng impormasyon:

ABS-CBN News, Enrile: Same-sex marriage backers should go to Mars, Feb. 17, 2016

GMA News Online, Enrile to Pacquiao’s LGBT critics: Better go to Mars, Feb. 17, 2016

Interaksyon, Kakampi ni Pacman | Enrile backs Pacquiao, says those who want same-sex marriage can go to Mars, Feb. 17, 2016

Manila Standard, Pacquiao defended over same sex gaffe, Feb. 18, 2016

Manila Bulletin, ‘Go to Mars,’ Enrile tells those in same-sex relationship, Feb. 18, 2016

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.