Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Satire post na ibinahagi ng FB pages, dating PCOO consultant hindi nilagyan ng wastong label

Ang bise-presidente ay hindi kailanman gumawa ng ganoong mga pahayag kay Enrile sa alinman sa mga opisyal na press release, mga pahayag, o mga panayam sa media.

By VERA Files

May 4, 2022

-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ilang Facebook (FB) accounts, kabilang ang page ng isang abogado na dating Malacañang social media consultant, ang naglathala ng umano’y palitan ng sagot nina Vice President Leni Robredo at dating Senate President Juan Ponce Enrile. Kailangan nito ng konteksto.

Ang sinasabing pahayag ni Robredo bilang tugon sa mga tanong ni Enrile na inilathala sa isang hindi beripikadong FB account gamit ang kanyang pangalan ay mula sa isang Atty. Leni Robredo, isang satirical page na nagpapanggap bilang ang bise presidente.

PAHAYAG

Noong Abril 26, ang FB page na Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan, na pinamamahalaan ng dalawang abogado, ay nag-post ng mga screenshot nina Robredo at Enrile na umano’y nagpapalitan ng patutsada.

Makikita sa mga litrato ang tugon umano ni Robredo sa pagtatanong ni Enrile sa karanasan ng bise presidente bilang abogado at ang kasunod na tugon ng dating senador. Ang sinasabing pahayag ni Robredo ay ganito:

“I was a developmental lawyer engaged in public interest cases like defending the land rights of Sumilao farmers.”

 

(Ako ay isang developmental lawyer na humahawak ng mga kaso ng pampublikong interes tulad ng pagtatanggol sa karapatan sa lupa ng mga magsasaka ng Sumilao.)

 

If you don’t know what that means Mr. Juan Ponce Enrile, developmental lawyering is:

 

(Kung hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin nito Mr. Juan Ponce Enrile, ang developmental lawyering ay:)

 

‘The practice of law fundamentally for individuals, communities and sectors that have been historically, culturally and economically marginalized and disenfranchised.’

(See: cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/372)

 

(‘Ang praktis ng law ay pangunahing para sa mga indibidwal, komunidad at sektor na marginalized at disenfranchised sa kasaysayan, kultural at ekonomiya.’

(Tingnan: cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/372))

 

But you probably don’t know that because as evident from your post and examples, you only know big-ticket or money-making law practices.

 

(Ngunit malamang hindi mo alam iyon dahil sa nakikita sa iyong post at mga halimbawa, ang alam mo lang ay malalaking kaso o mga praktis ng law na kumikita ng pera.)

 

You defend the rich. I defend the poor. We are not the same.

(Ipinagtatanggol mo ang mayayaman. Ipinagtatanggol ko ang mahihirap. Hindi tayo pareho.)

 

xoxo,

Atty. Ma. Leonor G. Robredo

Roll No. 41533”

 

Pinagmulan: Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan, Oops, he did it again, Abril 26, 2022

Ang hindi naberipikang FB account na may pangalan ni Enrile ay tumugon sa sinasabing sagot ni Robredo at sinabi sa bise presidente na hindi siya abogado “sa tunay na kahulugan ng salita” dahil isang taon lang ang kanyang karanasan sa praktis ng law.

Ang mga komento ay nagpapahiwatig na hindi alam ng netizens na ang post ay satire. Sa ilalim ng third-party fact-checking program ng FB, ang satire ay isang uri ng content na “gumagamit ng irony, exaggeration, o absurdity para sa pagpuna o kamalayan, lalo na sa konteksto ng mga isyung pampulitika, relihiyon, o panlipunan, ngunit hindi agad maunawaan ng isang makatwirang user na satirical.”

Si Cruz-Angeles ay dating nagtrabaho bilang isang social media strategist para sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Nakakuha ng mahigit 9,500 reactions, 1,200 comments at 2,200 shares ang FB post ng Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan hanggang noong Mayo 4.

Ang pro-Robredo FB pages na Samasa Kontra Mandarambong and Makati for Leni Kiko 2022 ay nag post din ng teksto ng sinasabing sagot ni Robredo kay Enrile. Ang kanilang mga post ay sama-samang nakakuha ng higit sa 1,760 reactions, 150 comments at 590 shares hanggang noong Mayo 4.

ANG KATOTOHANAN

Ang pahayag ay inilathala ng satirical FB page na Atty. Leni Robredo noong Abril 25. Sa seksyong About nito, naglagay ang page ng disclaimer na nagsasabing ito ay “hindi ang tunay na Leni Robredo.”

VERAfied: Satire post shared by FB pages, former PCOO consultant not appropriately labeled

Ang bise-presidente ay hindi kailanman gumawa ng ganoong mga pahayag kay Enrile sa alinman sa mga opisyal na press release, mga pahayag, o mga panayam sa media.

Hindi nilinaw ni Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan na ang sagot sa tanong ni Enrile ay nagmula sa isang satirical post, na naging dahilan upang maniwala ang mga netizen na totoo ito.

Si Cruz-Angeles at ang kanyang FB page ay may kasaysayan ng pagkalat ng maling impormasyon. (Basahin ang VERA FILES FACT CHECK: PH hindi ‘namili’ ng buong panel sa South China Sea arbitration case;VERA FILES FACT CHECK: Litrato ni Isko Moreno na naka ‘dextrose’ binuhay ng dating PCOO social media consultant, mga netizen nangangailangan ng konteksto;VERA FILES FACT CHECK: Ex-PCOO consultant, netizens nag post ng NAKALILIGAW na Robredo quote tungkol sa ‘Biden, CIA’)

Ang post na nangangailangan ng konteksto ay lumitaw isang linggo matapos pormal na inendorso ni dating Miss Universe Catriona Gray si Robredo bilang pangulo, na binanggit ang karanasan ng bise presidente bilang isa sa kanyang mga dahilan ng kanyang pagsuporta.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan, Oops, he did it again, April 26, 2022

Atty. Leni Robredo, I was a developmental lawyer…, April 25, 2022

Catriona Gray, Pinuno: Para Sa Bayan , April 18, 2022

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.