Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: HINDI nag-eendorso si Dr. Kilimanguru ng dried fruit cereal

Limang Facebook page ang gumagamit ng pangalan ng lisensiyadong manggagamot na si Kilimanjaro Tiwaquen (mas kilala sa social media bílang Dr. Kilimanguru), para mag-endorso ng dried fruit cereal. “Edited din ’yan,” sagot ni Dr. Kilimanguru sa nagtanong sa kanya sa Facebook.

By VERA Files

Jun 4, 2023

2-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

(Editor’s Note: Unang nilathala ang fact check na ito sa Ingles noong Mayo.)

Limang Facebook page ang gumagamit ng pangalan ng lisensiyadong manggagamot na si Kilimanjaro Tiwaquen (mas kilala sa social media bílang Dr. Kilimanguru), para mag-endorso ng dried fruit cereal.

“Edited din ’yan,” sagot ni Dr. Kilimanguru sa nagtanong sa kanya sa Facebook.

Wala ang Fresco Dried Fruits Cereal sa listahan ng mga produktong na-verify ng Food and Drug Administration.

Pinaalala ni Dr. Kilimanguru na peke ang mga unverified Facebook page na gumagamit ng pangalan niya.

ANO RAW: HINDI nag-eendorso si Dr. Kilimanguru ng dried fruit cereal

Ayon sa anim na post, ang Fresco Dried Fruits Cereal ay mayaman sa vitamins, fiber, antioxidants, at omega 3, 6, and 9. Lahat ng anim na post ay may mga link na nagdadala sa mga kaduda-dudang website na gumagamit din ng pekeng pag-eendorso (delmonte.top, japanesenutrionphl.online, japanpremium247.online, osakastore.click, salehunter68.online, sendaistore.click).

Apat na picture ni Dr. Kilimanguru ang inedit para magmukhang ineendorso niya ang Fresco Dried Fruits Cereal.

Na-post ang unang version ng pekeng pag-eendorso noong March 31, dalawang araw pagtapos ilunsad ng pamahalaang Marcos ang pambansang multisectoral na proyektong pangkalusugan.

Ang mga post na may pekeng pag-eendorso ay nagkaroon ng pinagsamang 15,567 interactions. Ang mga Facebook page na nag-post ng pekeng pag-eendorso ay nagpapanggap sa pamamagitan ng paggamit ng pangalang “Dr. Kilimanguru” (ginawa noong Sep. 19, 2022; Feb. 16, 2023; Mar. 22, 2023; at Apr. 10, 2023).

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

 

(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.