Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Isko Moreno mali ang pahayag na walang ICC signatories na iginigiit ang arbitral win ng Pilipinas

Iginiit ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na tumatakbong presidente sa May 2022 elections, na walang member state ng International Criminal Court (ICC) ang nanindigan para sa 2016 arbitral award sa South China Sea dispute na nagpawalang-bisa ng malawakang pag-aangkin ng China sa maritime area. Hindi ito totoo.

By VERA Files

Dec 6, 2021

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Iginiit ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na tumatakbong presidente sa May 2022 elections, na walang member state ng International Criminal Court (ICC) ang nanindigan para sa 2016 arbitral award sa South China Sea dispute na nagpawalang-bisa ng malawakang pag-aangkin ng China sa maritime area. Hindi ito totoo.

Panoorin ang video na ito:

Sa mga bansa sa Southeast Asia, ang Indonesia — isa rin signatory sa Rome Statute, ang kasunduan na nagtatag ng ICC — ay nagbanggit ng 2016 ruling sa isang diplomatic letter sa UN noong Mayo 2020 sa pagtanggi sa nine-dash-line claim ng China sa South China Sea batay sa “mga makasaysayang karapatan.” (Tingnan ang Indonesia’s new diplomatic bombshell against Chinese expansionism in the South China Sea)

Bagama’t hindi miyembro ng ICC katulad ng mga natitirang miyembro ng G7, ang US ay nagpahayag din ng suporta sa desisyon. Sa isang pahayag noong Hulyo, nanawagan si U.S. State Secretary Anthony Blinken sa China na sumunod sa international law, “itigil ang nakagagalit na pag-uugali nito,” at bigyang-katiyakan ang international community sa pangako nito sa “mga tuntuning nakabatay sa maritime order.”

Muling iginiit ni Blinken na ang armadong pag-atake sa mga sasakyang pandagat o sasakyang panghimpapawid ng Pilipinas sa South China Sea ay mag-uudyok sa 70-taong-gulang na Mutual Defense Treaty sa pagitan ng U.S. at Pilipinas.

Ang South China Sea arbitral award, na inisyu noong Hulyo 2016, ay nagsabi na ang nine-dash-line claim ng China ay “walang legal na batayan” at idineklara ang ilang partikular na maritime features, tulad ng Ayungin (Second Thomas) Shoal, na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Pro-Duterte blogger mali-mali ang pahayag tungkol sa West Philippine Sea, arbitral ruling)

Ang China, na tumangging lumahok sa mga paglilitis sa arbitrasyon na ginanap sa Permanent Court of Arbitration na nakabase sa The Hague, ay naninindigan na hinding-hindi nito kikilalanin ang desisyon, na inilalarawan nito bilang isang “piraso ng basurang papel.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: PH hindi ‘namili’ ng buong panel sa South China Sea arbitration case)

Ang ICC, na nakabase din sa The Hague, Netherlands, ay naging operational noong 2002 at itinatag upang imbestigahan at litisin ang mga indibidwal na “sinampahan ng gravest crimes of concern sa international community;” kabilang ang, genocide, war crimes, mga krimen laban sa sangkatauhan at aggression. Hindi nito pinamamahalaan ang arbitration ng mga maritime o territorial disputes sa pagitan ng mga estado, at wala rin itong mandato para ipinag-uutos na ipatupad ang mga arbitral ruling.

Ang Pilipinas ay kumalas mula sa ICC noong Marso 2018 matapos maglunsad ang noo’y ICC prosecutor na si Fatou Bensouda ng isang paunang pagsusuri sa libu-libong pagkamatay sa giyera laban sa droga ni Duterte. Opisyal na nagkabisa ang withdrawal noong Marso 2019. (Tignan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte, Panelo nagpakawala ng tatlong maling pahayag tungkol sa ICC)

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Isko Moreno Domagoso official Facebook page, Results of drug test: NEGATIVE!, Nov. 24, 2021

Assembly of States Parties to the Rome Statute official website, The States Parties to the Rome Statute, Accessed Dec. 3, 2021

Australian Minister for Foreign Affairs official website, Marking the 5th Anniversary of the South China Sea Arbitral Award, July 12, 2021

Ministry of Foreign Affairs of Japan official website, Five years since the issuance of the Arbitral Tribunal’s award as to the disputes between the Republic of the Philippines and the People’s Republic of China regarding the South China Sea(Statement by Foreign Minister MOTEGI Toshimitsu), July 12, 2021

United Nations Treaty Collection, Rome Statute of the International Court, Accessed Dec. 3, 2021

France Ministry for Europe and Foreign Affairs official website, G7 Foreign and Development Ministers’ Meeting Communiqué (London, 5 May 2021), May 5, 2021

United Nations, Note Verbale UK NV No. 162/20 New York, 16 September 2020 The Permanent Mission of the United Kingdom of Great Britain and North, Sept. 16, 2020

United States State Department official website, Fifth Anniversary of the Arbitral Tribunal Ruling on the South China Sea – United States Department of State, July 11, 2021

Official Gazette, Mutual Defense Treaty between the Republic of the Philippines and the United States of America, August 30, 1951

Permanent Court of Arbitration, South China Sea ruling, July 12, 2016

Ministry of Foreign Affairs of the People’s Republic of China official website, Vice Foreign Minister Liu Zhenmin at the Press Conference on the White Paper Titled China Adheres to the Position of Settling Through Negotiation the Relevant Disputes Between China and the Philippines in the South China Sea, July 13, 2016

Ministry of Foreign Affairs of the People’s Republic of China official website, Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian’s Regular Press Conference on July 12, 2021, July 12, 2021

International Criminal Court, Joining the International Criminal Court, Accessed Dec. 3, 2021

International Criminal Court, About the ICC, Accessed Dec. 3, 2021

International Criminal Court, The Philippines, Accessed Dec. 3, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.