Nag share ang dating broadcaster na si Jay Sonza ng screenshot ng isang mapanlinlang na post na umano’y nagpapakita ng mga celebrity na lumalabag sa mandatory safety protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic, habang nagpoprotesta bilang suporta sa ABS-CBN Corp.
Ginamit ng Facebook (FB) post ng litratong kuha noong February prayer rally at hindi kamakailan.
PAHAYAG
Noong Hulyo 22, dalawang linggo matapos bumoto ang House of Representatives para tanggihan ang bagong prangkisa para sa ABS-CBN, ibinahagi ni Sonza ang litrato ng aktor na si Gerald Anderson kasama ang mga tagasuporta ng media network. Ang litrato ay may kasamang caption na nagsasabing:
“This is very irresponsible. Without a mask, ABS-CBN network supporters take for granted Covid-19 and do not even wear masks. Pag nakakita ng artista, balewala ang social distancing at wearing a mask.”
(Napaka iresponsable nito. Walang mask, binabalewala ng mga tagasuporta ng ABS-CBN network ang Covid-19 at hindi man lang nagsusuot ng mask. Pag nakakita ng artista, balewala ang social distancing at pagsusuot ng mask.)
Pagkatapos ay kinantiyawan niya ang mga umano’y nagprotesta sa harap ng ABS-CBN compound sa Quezon City gamit ang kanyang sariling caption:
“Papaano hindi magkaka-Covid19 ang mga tinamaan ng buwenas na pinagra-rally sa Bohol gate ng Kapamilya Network
Pinagmulan: Jay Sonza, “Papaano hindi magkaka-Covid19…,” Hulyo 22, 2020.
Ang litratong na share ni Sonza ay lumalabas na isang screenshot ng isang post na inilathala noong Hulyo 21 ng FB page na True News Stories. Ang kanyang mapanlinlang na post ay nanlinlang sa mga netizen; ang ilan ay pumuna sa mga tagasuporta ng ABS-CBN sa pagiging “makasarili” at “mga mapagkunwari” at ang iba ay nanawagan na arestuhin ang mga nagpoprotesta dahil sa paglabag sa kasalukuyang patakaran ng gobyerno na magsuot ng face mask sa publiko.
KATOTOHANAN
Isang reverse image search ang nagpapakita na ang litrato ay kinuha mula sa isang artíkulo ng Rappler na inilathala noong Peb. 28. Ang artikulo ay nag-uulat sa pangalawang prayer rally na inorganisa ng mga empleyado at tagasuporta ng ABS-CBN, at dinaluhan ng mga celebrity mula sa network na humihiling ng panibagong prangkisa nito para sa isa pang 25 taon.
Naganap ang prayer rally dalawang linggo bago isinailalim sa state of calamity ang bansa para mapigil ang pagkalat ng novel coronavirus, at mahigit isang buwan bago naglabas ng memo ang Department of Interior and Local Government noong Abril 9 na nag-uutos ng pagsusuot ng face mask sa publiko sa lahat ng lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), na kinabibilangan ng Metro Manila.
Ang mapanlinlang na post ay lumitaw ilang araw pagkatapos ng isang linggong protesta sa buong bansa upang ipahayag ang galit at pagkadismaya sa desisyon ng House of Representatives noong Hulyo 10 na tanggihan ang franchise bid ng ABS-CBN.
Sinimulan na ng ABS-CBN ang malawakang proseso ng retrenchment ng mga empleyado nito. Ang ilan sa mga negosyo at subsidiary nito ay titigil din ang operasyon sa katapusan ng Agosto.
Nagtala ang social media monitoring tool na CrowdTangle ng 67 iba pang katulad na mga post ng iba’t ibang pampublikong FB pages at grupo, na nakakuha ng higit sa 16,000 interactions mula Hulyo 21 hanggang 22.
Ang FB page na True News Stories ay nilikha noong Hunyo 13, 2015.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
ANC 24/7, “Protests calling for ABS-CBN’s return to air enter second week,” July 20, 2020
CNN Philippines, “House panel denies ABS-CBN’s bid for fresh franchise,” July 10, 2020
Department of Health, “DOH BACKS 11TH IATF RESOLUTIONS; REPORTS 12 NEW COVID-19 CASES IN PH,” March 13, 2020
Inquirer.net, “House panel closes down ABS-CBN,” July 10, 2020
Jay Sonza, “Paano hindi magkaka-Covid19…,” July 22, 2020
House of Representatives, “Comm on Legislative Franchises Joint with Common Good Government and Public Accountability Day 14,” July 10, 2020
Manila Bulletin, “ABS-CBN franchise bid junked,” July 10, 2020
True News Stories, “This is very irresponsible.,” July 21, 2020
Philstar.com, “Groups to wage noise barrage, motorcade vs anti-terror law, ABS-CBN franchise denial,” July 18, 2020
Abs-cbn.com, “READ: ABS-CBN statement on layoff of workers,” July 15, 2020
Rappler, “Duterte issues statement on Philippines’ coronavirus situation,” March 12, 2020
Rappler, “IN PHOTOS: Filipinos make noise nationwide to protest ABS-CBN shutdown,” July 19, 2020
Rappler, “LOOK: Stars attend prayer rally for ABS-CBN franchise renewal,” Feb. 28, 2020
Rappler, “Senate hearing on ABS-CBN franchise,” Feb. 23, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)