Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Komento ng Justice Secretary sa hurisdiksyon ng ICC nangangailangan ng konteksto

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sa isang press conference noong Ago 3 na hindi maaaring magpataw ng parusa ang International Criminal Court (ICC) sa mga aktibidad sa Pilipinas dahil hindi na state party ang bansa sa Rome Statute noong 2019.

By VERA Files

Aug 22, 2022

2-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sa isang press conference noong Agosto 3 na hindi maaaring magpataw ng parusa ang International Criminal Court (ICC) sa mga aktibidad sa Pilipinas dahil hindi na state party ang bansa sa Rome Statute noong 2019.

Binitawan ni Remulla ang komento ilang araw matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang intensyon ang Pilipinas na muling sumali sa ICC. (Basahin: VERA FILES FACT CHECK: Marcos bumaligtad sa isyu ng Philippine membership sa ICC)

Panoorin ang video na ito:

Sa ilalim ng Article 127 paragraph 2 ng Rome Statute, na nagtatag ng ICC, ang isang bansang kumalas sa kasunduan ay hindi absuwelto sa mga obligasyon nito noong ito ay isang state party pa. Ang Pilipinas ay sumang-ayon sa Rome Statute noong Nobyembre 2011, kaya nakatali ang bansa sa mga probisyon mula sa petsang iyon hanggang sa maging epektibo ang pagkalas nito.

Ito ay ipinagtibay ng Korte Suprema noong 2021 sa desisyon nito sa kasong Pangilinan v. Cayetano:

“Hanggang sa magkabisa ang pagkalas noong Marso 17, 2019, ang Pilipinas ay nakatakdang tuparin ang mga obligasyon nito sa ilalim ng Rome Statute. Anuman at lahat ng kilos ng pamahalaan hanggang Marso 17, 2019 ay maaaring kilalanin ng International Criminal Court.”

 

Pinagmulan: Supreme Court E-Library, G.R. No. 238875/G.R. No. 239483/G.R. No. 240954, Hulyo 21, 2021

Kumalas ang Pilipinas sa ICC noong Marso 14, 2018, halos isang buwan pagkatapos inihayag ni ICC prosecutor Fatou Bensouda ang paglulunsad ng isang paunang pagsusuri. Nagkabisa ang pagkalas noong Marso 17, 2019.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Department of Justice official Facebook page, 1st Press Conference of the Secretary of Justice Jesus Crispin “Boying” Remulla, Agosto 3, 2022

International Criminal Court, Rome Statute, Na-access noong Agosto 4, 2022

Interview with Ruben Carranza, Agosto 11, 2022

International Criminal Court, Al Bashir, Na-access noong Agosto 16, 2022

International Criminal Court, Prosecution’s request to resume the investigation into the situation in the Philippines pursuant to article 18(2), Hunyo 24, 2022

Supreme Court of the Philippines, G.R. No. 238875/G.R. No. 239483/G.R. No. 240954, Hulyo 21, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.