Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Lacson kumambyo sa UP-DND accord termination

Mula sa nakikitang "katuturan" sa desisyon ng Department of National Defense (DND) na tapusin ang 1989 na kasunduan nito at ng University of the Philippines (UP), "balik sa drawing board” na lang ang dapat gawin ngayon ayon kay Sen. Panfilo "Ping" Lacson.

By VERA Files

Jan 29, 2021

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mula sa nakikitang “katuturan” sa desisyon ng Department of National Defense (DND) na tapusin ang 1989 na kasunduan nito at ng University of the Philippines (UP), “balik sa drawing board” na lang ang dapat gawin ngayon ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

PAHAYAG

Sa isang panayam noong Enero 19 sa Headstart ng ANC, sinabi ng senador na siya ay “hindi sigurado sa legalidad” ng hakbang ng DND na ipawalang-bisa ang kasunduan nang walang paunang koordinasyon. Sinabi ni Lacson:

There is sense in the … move taken by the president and [Defense] Secretary [Delfin] Lorenzana. Because during our red-tagging hearings in the Senate, it was established that, you know — not only UP in particular, other universities [as well] — talagang ‘yung recruitment nanggagaling doon sa mga estudyante … sila ‘yung masyadong na-radicalize to join the [New People’s Army (NPA)].”

(Mayroong katuturan sa … hakbang na ginawa ng pangulo at [Defense] Secretary [Delfin] Lorenzana. Dahil sa mga pagdinig sa red-tagging sa Senado, napatunayan na, alam mo — hindi lamang partikular na UP, iba pang mga unibersidad [na rin] — talagang ‘yung recruitment nanggagaling doon sa mga estudyante … sila’ yung masyadong na-radicalize para sumali sa [New People’s Army (NPA)].)”

Pinagmulan: ANC 24/7 official Youtube channel, ‘Hotbed of recruitment’: Lacson sees sense in abrogation of UP-DND accord, Enero 19, 2021, panoorin mula 2:37 hanggang 3:45

Sinabi niya dahil ang UP, bukod sa iba pang mga unibersidad, ay isang “hotbed ng recruitment” ng NPA — ang armadong grupo ng Communist Party of the Philippines (CPP) — sa palagay niya “pinag-aralan ng security sector ang lahat ng mga salik na sangkot bago kumilos sa bagay na ito.”

Si Lacson, na namumuno sa committee on national defense ng Senado, ay nanawagan pa sa security sector na “magkaroon ng isang kasunduan” kasama ang UP tungkol sa “mga hangganan na susundin” kasunod ng pagwawakas [ng kasunduan] upang “mapigilan ang pagkakaroon ng negatibong epekto sa kultura ng akademikong kalayaan sa state university.”

ANG KATOTOHANAN

Makalipas ang isang linggo, binago ng senador ang kanyang paninindigan matapos lumabas noong Enero 22 sa Facebook page ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang listahan ng ilang pinagbibintangang mga alumni ng UP na na-recruit ng NPA at “namatay o nadakip” ng militar. (Tingnan ang Red-tagged UP alumni eye cyber libel, contempt charges vs AFP)

Sa isang panayam noong Enero 25 sa CNN Philippines, sinabi ni Lacson na dahil sa mga pinakahuling pangyayari, mas “maigi” para kay Lorenzana na suspindihin ang pagpapawalang bisa (ng kasunduan):

I think, in the meantime (Sa palagay ko, pansamantala), mas maganda na i-suspend na muna ‘yung termination ng UP-DND accord and go back to the drawing board, hold a dialogue, and thresh out all the differences between the UP … and the DND establishment (at bumalik sa drawing board, magsagawa ng dayalogo, at pag-usapan ang lahat ng mga hindi pinagkakaunawaan sa pagitan ng UP … at ng DND).”

Pinagmulan: CNN Philippines official Facebook page, THE SOURCE: Pinky Webb speaks to Senator Ping Lacson, Enero 25, 2021, panoorin mula 10:49 hanggang 11:45

Ipinagbabawal ng 1989 UP-DND accord sa mga puwersa ng estado na pumasok at magsagawa ng mga operasyon sa loob ng mga campus ng UP sa buong bansa nang walang paunang abiso sa mga opisyal ng unibersidad, bukod sa iba pa. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Ano ang ibig sabihin ng unilateral termination ng UP-DND accord)

Upang bigyang katwiran ang pagwawakas ng kasunduan, sinabi ni Lorenzana na “ilang mga mag-aaral ng UP ang nakilala bilang mga miyembro ng [CPP-NPA] “at mayroon umanong “nagpapatuloy na palihim na recruitment” ng mga rebeldeng komunista sa mga kampus ng UP sa buong bansa.

Sa parehong panayam noong Enero 25, sinabi ni Lacson — na naunang nagsabi na ang security sector ay “pinag-aralan ang lahat ng mga kadahilanan” bago kumilos — na ang DND ay “ibinatay ang [desisyon] nito… sa tila maling impormasyon.”

Tinutukoy ang natanggal nang maling post ng AFP, sinabi niya na maaaring “makapinsala” sa mga taong maling na-tag ng militar bilang mga rebeldeng NPA at “kahit para sa militar [mismo]” kung ang insidente ay hindi nalantad sa publiko. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Ang mga panganib ng red-tagging sa ilalim ng Anti-Terrorism Law; VERA FILES FACT SHEET: Bakit peligroso ang ‘red-tagging’)

Nauna nang humingi ng paumanhin ang AFP para sa tinawag ni Lorenzana na isang “hindi mapapatawad na pagkakamali.” Nang maglaon, inihayag ng kalihim noong Enero 28 na “tinanggal” niya si Maj. Gen. Alex Luna sa kanyang posisyon bilang deputy chief of staff for intelligence dahil sa insidente, kasunod ng isang internal investigation.

Dating chief ng Philippine National Police, si Lacson, sa parehong panayam ng CNN Philippines, ay binigyang papuri ang kalihim at “buong pamayanan ng militar sa bukas na pagtanggap sa pagkakamaling nagawa nila.”

Sinabi niya na babalikan ng kanyang komite ang draft na ulat sa dalawang araw na pagdinig na isinagawa tungkol sa red-tagging noong bandang huli ng nakaraang taon dahil sa mga kaganapan kamakailan:

Now that it appears na merong mga information and merong decision (termination of the UP-DND accord) that was made based on false information by the military to the DND, so I think that’s good reason enough for … the committee or for the Senate to take a second look, once again, at the presentations and testimonies made during the hearings.

(Ngayon na lumilitaw na merong mga impormasyon at merong desisyon (pagwawakas ng UP-DND accord) na ginawa batay sa maling impormasyon ng militar sa DND, kaya sa palagay ko magandang dahilan iyon, sapat na para sa … ang komite o para sa Senado na muling tingnan, ulit, ang mga presentation at testimonya na ginawa noong pagdinig.)”

Pinagmulan: CNN Philippines official Facebook page, THE SOURCE: Pinky Webb speaks to Senator Ping Lacson, Enero 25, 2021, panoorin mula 8:35 hanggang 8:57

Ang mga pagdinig sa red-tagging ay bunsod ng mga pahayag ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., chief ng AFP Southern Luzon Command at tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, noong Oktubre 2020, na mistulang nagre-red-tag sa ilang matapang na magsalita na mga celebrity na babae.

 

Mga Pinagmulan

ANC 24/7 official Youtube channel, ‘Hotbed of recruitment’: Lacson sees sense in abrogation of UP-DND accord, Jan. 19, 2021

Pinglacson.net, Lacson: Boundaries Should Be Observed After Ending 1989 UP Pact, Jan. 19, 2021

Armed Forces of the Philippines Information Exchange Facebook page, “Some of the UP students who became NPA (Died or Captured),” Jan. 22, 2021 (Archived)

CNN Philippines official Facebook page, THE SOURCE: Pinky Webb speaks to Senato Ping Lacson, Jan. 25, 2021

UP Office of the Student Regent official Twitter account, “ALERT: DND Secretary Delfin Lorenzana sent a letter to UP President Danilo Conception to notify its unilateral termination or abrogation of the UP-DND Accord…,” Jan. 18, 2021

Inquirer.net, AFP’s Civil-Military Office apologizes for list of UP alumni who ‘joined’ NPA, Jan. 24, 2021

CNN Philippines, AFP apologizes for red-tagging UP alumni, Jan. 24, 2021

Philstar.com, AFP apologizes for red-tagging UP alumni, Jan. 26, 2021

OneNews, ‘Unpardonable Gaffe’: UP Diliman Worries About Faulty Military Intel; AFP To Apologize After Red-Tagging Alumni, Jan. 25, 2021

Inquirer.net, Lacson to AFP: Censure those responsible for UP red-tagging gaffe, Jan. 25, 2021

Rappler, ‘Unpardonable gaffe’: Lorenzana says AFP to apologize for red-tagging UP alumni, Jan. 24, 2021

Delfin Lorenzana official Twitter account, “I am relieving MGen Alex Luna of his post as Deputy Chief of Staff for Intelligence, J2 effective today, 28 Jan 2021…,” Jan. 28, 2021

Senate.gov.ph, Senator Panfilo “Ping” M. Lacson, Accessed on Jan. 28, 2021

Pinglacson.net, Lacson: Prudent to Suspend UP-DND Accord Termination, Jan. 25, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.