Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Muli, binago ni Duterte ang pahayag tungkol sa kahalagahan ng PCA award

Sa isang virtual na talumpati sa harap ng mga world lider, iba na naman ang naging linya ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules, positibo sa pagkakataong ito, nang ideklara niyang walang bansa ang “makababawas” sa kahalagahan ng 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na pumabor sa Pilipinas laban sa China.

By VERA Files

Sep 24, 2021

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa isang virtual na talumpati sa harap ng mga world lider, iba na naman ang naging linya ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules, positibo sa pagkakataong ito, nang ideklara niyang walang bansa ang “makababawas” sa kahalagahan ng 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na pumabor sa Pilipinas laban sa China.

PAHAYAG

Sa pre-recorded speech sa 76th session ng United Nations General Assembly (UNGA) noong Set. 22 (Philippine time), pinagtibay ni Duterte ang pangako ng bansa sa Association of Southeast Asian Nations at iba pang stakeholders na pangangalagaan ang “kapayapaan, seguridad and kaunlaran” sa South China Sea. Sinabi niya:

The 1982 UNCLOS and the 2016 Arbitral award of the South China Sea provide a clear path towards a just, fair and win-win solution for all. The award must be seen for what it is — a benefit across the world to all who subscribe to the majesty of the law. No amount of willful disregard by any country, however big and powerful, can diminish the arbitral award’s importance.

(Ang 1982 UNCLOS at ang 2016 Arbitral award ng South China Sea ay nagbibigay ng malinaw na landas patungo sa isang makatarungan, patas at win-win solution para sa lahat. Ang award ay dapat tanggapin kung ano ang tunay na kahulugan nito — isang benepisyo sa buong mundo para sa lahat ng naniniwala sa kadakilaan ng batas. Walang sadyang pagwawalang-bahala ng alinmang bansa, gaano man kalaki at makapangyarihan, ang makakabawas sa kahalagahan ng arbitral award.)

Pinagmulan: RVMalacanang, Message for the 76th United Nations General Assembly (Speech) 9/22/2021, Set. 22, 2021, panoorin mula 12:41 hanggang 13:18 (transcript)

Nanawagan din si Duterte sa lahat ng bansa na pangalagaan ang “rule of law” para mapanatili ang pandaigdigang kaayusan.

ANG KATOTOHANAN

Ang talumpati ni Duterte sa UNGA ay isa na namang pag baligtad sa kung paano niya ginagamit ang desisyon ng PCA na pumapabor sa Pilipinas na minaliit niya sa ibang pagkakataon kapag nagsasalita nang walang paghahanda.

Sa isang ad lib sa kanyang ikaanim at huling State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo, binalikan ni Duterte ang kanyang talumpati sa UNGA noong nakaraang taon kung saan “mahigpit niyang tinanggihan” ang mga pagtatangka na “pahinain” ang arbitral award. Pagkatapos ay umatras siya, na kinikilala ang pagtanggi ng China na tanggapin ang desisyon:

“Ano pa ang gusto ninyo? What will I do with a document that [does] not bind China because they were never a part of that arbitration? There was really no arbitration at all because it was only the Philippine side [that] was heard.

(Ano pa ang gusto ninyo? Ano ang gagawin ko sa isang dokumento na hindi nagbubuklod sa China dahil hindi sila naging bahagi ng arbitrasyon na iyon? Wala talagang arbitration na nangyari dahil kampo lang ng Pilipinas ang narinig.)

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, State of the Nation Address of Rodrigo Roa Duterte, President of the Philippines to the Congress of the Philippines, Hulyo 26, 2021, panoorin mula 2:07:30 hanggang 2:08:02 (Archived Transcript)

(Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte is wrong; South China Sea arbitral award binds China, too)

Bago ang kanyang SONA, sinalungat ni Duterte ang kanyang talumpati sa UNGA noong Setyembre 2020 nang sabihin niya sa isang pampublikong address noong Mayo 5, 2021 na ang desisyon sa arbitration ay “isang pirasong papel” na itatapon niya sa basurahan.

Ilang beses mula noong 2016, binago ni Duterte ang kanyang pahayag sa desisyon ng PCA. Noong Setyembre 2019, nagsimula siya sa “pag gamit” hanggang sa “pagwawalang-bahala” sa panalo sa arbitration upang ituloy ang mas maraming “pang-ekonomiyang” kasunduan sa China. (See VERA FILES FACT CHECK: Duterte nagbago ng isip – mula ‘gagamitin’ hanggang sa ‘huwag pansinin’ ang PCA ruling)

Noong Mayo 3, 2021, sinabi pa ni Duterte na “hindi niya binanggit” ang maritime dispute sa pagitan ng Pilipinas at China sa panahon ng kanyang kampanya para sa 2016 presidential elections. Hindi ito totoo. Makalipas naman ang pitong araw, tinawag niyang “bravado” o “pure campaign joke” lamang ang kanyang pangako sa noong kampanya na sumakay ng jet ski at itinaas ang bandila ng Pilipinas sa Spratly Island Group.

(Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte sinabi na hindi niya ‘binanggit kailanman’ ang PH-China maritime row noong 2016 campaign. Sinabi nga kaya)

Noong Hulyo 2016, halos 12 araw matapos maupo si Duterte sa panguluhan, inilabas ng PCA ang “pinal at nagbubuklod” nitong award na ang nine-dash line ng China ay “walang legal na batayan” para angkinin ang halos buong South China Sea, kung saan ang West Philippine Sea ay bahagi.

Idineklara rin ng Netherlands-based arbitral tribunal, bukod sa iba pang natuklasan, na ang ilang maritime features sa South China Sea — kabilang ang Panganiban (Mischief) Reef at Ayungin (Second Thomas) Shoal, na parehong bahagi ng Spratly Island Group — ay nasa loob ng 200 nautical miles exclusive economic zone ng Pilipinas.

Taliwas sa mga sinasabing walang bisa ang arbitral award, pinagtibay ng PCA na ang China ay kailangang sumunod sa mga desisyon nito bilang signatory mula noong Hunyo 1996 sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

[T]he non-participation of China does not bar this Tribunal from proceeding with the arbitration. China is still a party to the arbitration, and pursuant to the terms of Article 296(1) of the Convention and Article 11 of Annex VII, it shall be bound by any award the Tribunal issues.”

(Ang hindi paglahok ng China ay hindi humahadlang sa Tribunal na ito na magpatuloy sa arbitrasyon. Ang China ay partido pa rin sa arbitrasyon, at alinsunod sa mga tuntunin ng Article 296(1) ng Convention at Article 11 ng Annex VII, ito ay nakatali sa anumang award na iisyu ng Tribunal.)

Pinagmulan: Permanent Court of Arbitration, Award on Jurisdiction and Admissibility (p. 11), Okt. 29, 2016

Sa kabila ng sadyang hindi paglahok ng China sa tatlong taong arbitral na paglilitis, tiniyak ng tribunal na hindi nito “tinanggap lang” ang mga ebidensya at pahayag ng Pilipinas. Isinaalang-alang din nito ang position paper at mga pampublikong pahayag, bukod sa iba pang mga dokumento, mula sa Chinese foreign ministry at ambassador ng Beijing sa Netherlands tungkol sa kaso ng arbitrasyon. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: PH hindi ‘namili’ ng buong panel sa South China Sea arbitration case)

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

RTVMalacanang, Message for the 76th United Nations General Assembly (Speech) 9/22/2021, Sept. 22, 2021 (transcript)

Presidential Communications Operations Office, State of the Nation Address of Rodrigo Roa Duterte, President of the Philippines to the Congress of the Philippines, July 26, 2021 (Archived Transcript, Video)

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), May 3, 2021

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), May 5, 2021

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), May 10, 2021

Presidential Communications Operations Office, Statement of President Rodrigo Roa Duterte during the General Debate of the 75th Session of the United Nations General Assembly, Sept. 22, 2020

RTVMalacanang, Oath-Taking Ceremony of the Malacañang Press Corps (MPC), Presidential Photojournalists Association (PPA), and Malacañang Cameramen Association (MCA), Sept. 10, 2019

RTVMalacanang, Press Briefing, Aug. 6, 2019

United Nations, United Nations Convention on the Law of the Sea, Accessed July 29, 2021

United Nations, Status of the UNCLOS, Accessed on Sept. 23, 2021

Permanent Court of Arbitration, Award on the South China Sea Arbitration, July 12, 2016

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.