Sa simula pa lang ng giyera laban sa droga, nagpinta na si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang nakatatakot na larawan na nagpapakitang parami ng parami ang mga ahente ng estado na napapatay araw-araw.
Kabaligtaran ang istoryang inilalahad ng datos ng pamahalaan.
PAHAYAG:
Simula ng giyera laban sa droga noong Hulyo 2016, hindi bababa sa 13 beses na sinabi ni Duterte na ang mga tagapagpatupad ng batas ay napapatay araw-araw, nagbabago ang pangkaraniwang bilang mula sa “dalawa hanggang tatlo,” “tatlo hanggang apat,” at “apat hanggang lima.”
Kamakailan lamang, sa isang talumpati noong Dis. 7, sinabi niya na ang giyera laban sa droga ay naging masyadong “mapanganib at marahas” na “anim hanggang walong” mga sundalo at mga pulis ang napapatay araw-araw sa mga kaso na may kaugnayan sa droga:
“At masisigurado ko sa inyo ito. Ako ay nawawalan ng mga pangkaraniwang anim hanggang walong sundalo o pulis sa Mindanao sa mga kaso na may kaugnayan sa droga.”
Pinagmulan: Talumpati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pagdalo sa Kapampangan Food Festival, Dis. 7, panoorin mula 41:35 hanggang 41:46
Ang bilang ng mga pulis na napatay “sa petsa (ngayon)” ay 242, sinabi ni Duterte:
“Bakit, kung hindi ito ganoon kapanganib at marahas, bakit nga sa ngayon, nawalan ako ng 242 na pulis sa mga pagsalakay at pag-aresto na may kaugnayan sa droga?”
Pinagmulan: Talumpati ni Pangulong Duterte, panoorin mula 40:15 hanggang 40:30
FACT
Hindi dapat bababa sa 3,000 na law enforcers ang napatay simula Hulyo 2016 kung tama ang pangkaraniwang araw-araw na “anim hanggang walong” bilang ni Duterte. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: When did the anti-drugs campaign under Duterte officially begin?)
Ang “Real Numbers PH,” ang datos ng gobyerno sa giyera laban sa droga na inilalabas buwan-buwan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ay may mas mababang bilang: 86, hanggang sa Nob. 27.
Kasama sa kabuuan ang mga miyembro ng PDEA, Philippine National Police, National Bureau of Investigation at Armed Forces of the Philippines na napatay sa “operasyon laban sa droga.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte says 2-3 cops killed daily in war on drugs)
Hindi malinaw kung ano ibig sabihin ni Duterte sa mga tagapagpatupad ng batas na napatay “sa Mindanao.”
Gayunpaman, ang bilang sa pagtatapos ng krisis sa Marawi, 165 mga sundalo at pulis na napatay, ay hindi pa rin sumusuporta sa pahayag ni ni Duterte:
“Ang bilang ng mga sundalo at pulis na napatay sa aksyon ay 165.”
Source: CNN Philippines video of Col. Romeo Brawner in a press briefing after the announcement of the end of combat operations in Marawi, Oct. 23, watch from 8:21-8:22
Pinagmulan: Video ng CNN Philippines ni Col. Romeo Brawner sa isang press briefing matapos ang pag-anunsyo ng pagtatapos ng mga operasyong pangkombat sa Marawi, Okt. 23, panoorin mula 8: 21-8: 22
Sa isang talumpati noong Set. 26, sinabi ni Duterte na ang krisis sa Marawi ay nagsimula nang ang mga pwersang panseguridad ay nagsilbi ng isang warrant of arrest sa isang drug lord sa lokal:
“Ang digmaan sa Marawi ay nagsimula dahil sa pagsilbi ng summon at isang warrant of arrest ng isa sa mga drug lord doon. Nagkaroon ng labanan at nagsimula ang rebelyon. “
Pinagmulan: Talumpati ni Pangulong Duterte sa ika-56 na Anibersaryo ng Philippine Constitution Association, Set. 26, panoorin mula 20: 19-20: 37
Ipinakikita ng “Real Numbers PH” na walang tagapagpatupad ng batas na napatay mula Okt. 25 hanggang Nob. 27, ang eksaktong mga petsa na inilipat ni Duterte sa PDEA ang pamumuno ng operasyon laban sa droga.
Noong Dis. 5, inutusan inutusan niya ang PNP at iba pang ahensya na “ipagpatuloy ang pagbibigay ng aktibong suporta” sa PDEA.
Mga pinagkunan:
Philippine Information Agency, Real Numbers PH
Official Gazette, Memorandum from the President, Oct. 10, 2017
Official Gazette, Memorandum Order 17, Dec. 5, 2017
RTVM, Speech of President Rodrigo Duterte during the 56th Anniversary of the Philippine Constitution Association, Sept. 26, 2017
Share the Facts>