Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Paano lumalala ang bantang martial law ni Duterte sa gitna ng krisis ng COVID-19

Muling itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta ng martial law, ngayon bilang reaksyon sa pahayag ng militar na hinarang ng mga rebeldeng komunista ang paghahatid ng tulong sa ilang bahagi ng bansa sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

By VERA Files

Apr 30, 2020

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Muling itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta ng martial law, ngayon bilang reaksyon sa pahayag ng militar na hinarang ng mga rebeldeng komunista ang paghahatid ng tulong sa ilang bahagi ng bansa sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa isang public address noong Abril 24, sinabi ni Duterte na “maaaring” magdeklara siya ng martial law kung ang “paglabag ng batas” ng New People’s Army (NPA), ang armadong hukbo ng Communist Party of the Philippines (CPP), ay magpapatuloy sa buong bansa.

Ngunit halos pitong linggo bago nito, nilinaw ng pangulo na ang community quarantine — idineklara noong Marso 12 sa Metro Manila at kalaunan ay pinalawak sa isang enhanced community quarantine para sa buong Luzon — ay “hindi martial law.”

Panoorin ang video na ito upang makita kung paano nagbago ang mga pahayag ng pangulo.

VERA FILES FACT CHECK: How Duterte’s threat to declare martial law escalated amid the COVID-19 crisis from VERA Files on Vimeo.

Ang pinakahuling pahayag ng martial law ni Duterte ay binitawan pagkatapos ng mga insidente na naging viral sa social media na kinasasangkutan ng mga pulis na nagpapatupad ng mga protocol ng quarantine.

Noong Abril 22, ang retiradong sundalo na si Winston Ragos, na sinasabing may post-traumatic stress disorder, ay binaril at napatay ng pulis kasunod ng isang mainit na pagtatalo sa umano’s paglabag sa mga protocol ng quarantine. Ilang araw bago nito, may mga armadong pulis na pumasok sa isang pribadong condominium sa Taguig na walang warrant at sinita ang mga residente sa umano’y hindi pagsunod sa ipinatutupad na physical distancing.

Binatikos ng mga kritiko at human rights group ang paggamit umano ng gobyerno sa COVID-19 na krisis upang pairalin ang martial rule. Ang mga grupo, kabilang ang Amnesty International Philippines at Karapatan, ay nagbabala na ang isang “militaristang diskarte” ay hindi epektibo sa pagharap sa kasalukuyang krisis sa kalusugan at ang mga karagdagang kapangyarihan na naibigay sa pulisya at militar ay dapat na sumunod sa mga internasyonal na batas sa karapatang pantao.

 

Mga Pinagmulan

RTVMalacanang, Public Address on the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) 3/12/2020, March 12, 2020

RTVMalacanang, Message / Meeting with the IATF-EID (Speech) 3/16/2020, March 16, 2020

RTVMalacanang, Talk to the People on COVID-19 4/16/2020, April 16, 2020

Philippine Information Officer, Police apprehends 2,602 quarantine violators in Tarlac, April 23, 2020

People’s Television WATCH: IATF Virtual Presser | April 17, 2020

RTVMalacanang, Press Briefing by Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque Jr. 4/20/2020, April 20, 2020

RTVMALACAÑANG, Spox Roque Press Briefing New Executive Building, MALACAÑANG, Manila April 24, 2020, April 24, 2020

ABS-CBN News, No more warnings: PNP to make arrests in ‘martial law-type’ lockdown – chief | DZMM , April 20, 2020

RTVMalacanang, IATF-EID Meeting and Talk to the People 4/23/2020, April 23, 2020

Winston Ragos shooting

Taguig police raid

Martial law critics

Alleged NPA attacks

 

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.