Walang inaamin si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria “Joma” Sison na “pinapayuhan” niya si Vice President Leni Robredo sa kanyang presidential bid, taliwas sa mga sinasabing kumakalat sa social media.
PAHAYAG
Binabanggit ang isang “pahayag na inilathala sa Ang Bayan,” ang opisyal na publikasyon ng CPP-NPA, sinulat ng reporter na si Lee Ann P. Ducusin ang isang artikulo na may pamagat na “Joma Sison admits advising Leni,” na inilathala ng Journal News Online na na-upload sa website nito, journalnews.com.ph.
Nakasaad sa artikulo:
“COMMUNIST Party of the Philippines (CPP) founder Jose Ma. Sison on Monday admitted that the party is a key contributor to the campaign of Leni Robredo and he is acting as adviser to her and her spokesperson Barry Gutierrez.”
(Inamin ng tagapagtatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Ma. Sison noong Lunes na ang partido ay isang pangunahing contributor sa kampanya ni Leni Robredo at siya ay gumaganap na adviser sa kanya at sa kanyang tagapagsalita na si Barry Gutierrez.)
Pinagmulan: Journal News Online, Joma admits advising Leni, Abril 21, 2022
Idinagdag nito na “inamin ni Sison na nagkaroon siya ng ilang mga pag-uusap sa telepono kay Gutierrez kung saan inilatag niya ang ilang mga punto kung paano simulan ang pag-atake ng media sa iba pang mga kandidato sa pagkapangulo, partikular sina Isko Moreno at Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.”
Ang Journal News Online ay isang repositoryo ng mga istorya mula sa People’s Journal, People’s Tonight, at Women’s Journal.
Ang People’s Journal Tonight at journalnews.com.ph ay kabilang sa Journal Group of Publications (PJI) na pag-aari ng pamilya ng yumaong Benjamin “Kokoy” Romualdez, tiyuhin ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ipinapakita ng social media monitoring tool CrowdTangle na maaaring umabot sa 5.77 milyong users ang maling artikulo. Ibinahagi ito nang hindi bababa sa 184 beses at nakakuha ng 22,962 interactions hanggang noong Abril 25.
Natagpuan ng VERA Files Fact Check ang isang katulad na artikulo na may petsang Abril 21 sa website ng Maharlika TV. Ang Maharlika TV ay nauugnay sa website ng Maharlika News, na binuo ni pro-Marcos blogger Maharlika.
Ang pagkakakilanlan ng tao o mga tao sa likod ni Maharlika ay hindi available sa publiko.
ANG KATOTOHANAN
Sa isang email sa VERA Files Fact Check, sinabi ni Sison na hindi niya pinapayuhan si Robredo at hindi rin kumunsulta sa kanya ang tagapagsalita nito na si Barry Gutierrez.
Pinabulaanan din ni Robredo, sa isang pahayag na may petsang Abril 23, ang ulat. “Hindi ko pa siya (Sison) nakakausap kahit minsan, personal man o sa anumang paraan,” sinabi niya.
Sinabi ng bise presidente na paulit-ulit niyang sinabi na hindi siya kailanman makikipag-ugnayan sa sinumang indibidwal o grupo na sumusuporta sa karahasan bilang paraan para isulong ang interes nito.
Si Sison, sa kanyang bahagi, ay nagsabi na “hindi pa siya nilapitan o nakapanayam ng nabanggit na Ducusin.”
Itinanggi rin ni Gutierrez ang artikulo sa isang tweet, na nagsasabing:
“Absolute lie (Ganap na kasinungalingan). Nabaliw na yata yung writer. Desperate much (Sobrang desperado)?”
Pinagmulan: Twitter, Barry Gutierrez, Abril 22, 2022
Sa isang mensahe sa VERA Files Fact Check, sinabi ni Gutierrez na “ang buong artikulo ay isang kathang isip na walang katotohanan.”
Nilinaw niya na wala pang humiling sa kanya na magkomento sa sinasabing “rebelasyon” ni Sison sa artikulo.
Sinabi ni Robredo na pinag-aaralan ng kanyang mga abogado ang naaangkop na mga kasong isasampa laban sa mga responsable sa paglalathala ng kasinungalingan at para panagutin sila.
Isang search sa opisyal na website ng CPP ay hindi nagpapakita ng pahayag na si Sison ay nag-ambag o nagpayo sa kampanya ni Robredo sa pagkapangulo.
Si Robredo ay sumusunod (24%) sa likod ni Marcos (56%), anak ng yumaong diktador, sa survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Marso 17 hanggang 21.
Noong Easter Sunday, hiniling ni presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso kay Robredo na umatras sa presidential race. Si Moreno ay pangatlo sa pangkalahatan na may 8% sa parehong survey ng Pulse Asia.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
Joma Sison, Personal communication (email), April 22, 2022
Barry Gutierrez, Personal communication (email), April 22, 2022
Twitter, Barry Gutierrez, April 22, 2022
Communist Party of the Philippines, Ang Bayan Daily News & Analysis
Robredo asked to withdraw her presidential candidacy
- Manila Bulletin, Mayor Isko asks VP Leni to withdraw from presidential race and instead — ‘come and join us’, April 17, 2022
- Inquirer.net, Moreno calls on Robredo to withdraw from presidential race, April 17, 2022
- GMA News Online, Isko Moreno calls on VP Leni to withdraw from Eleksyon 2022 presidential race, April 17, 2022
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)