Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Tulfo na tahimik ang media sa Bongbong-Sara Nueva Ecija rally HINDI TOTOO

Mali ang pahayag ng TV at radio show host na si Erwin Tulfo na ang Nueva Ecija caravan ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay hindi sinundan ng broadcast at online news media.

By VERA Files

Dec 7, 2021

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mali ang pahayag ng TV at radio show host na si Erwin Tulfo na ang Nueva Ecija caravan ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay hindi sinundan ng broadcast at online news media.

Ilang mga organisasyon ng media ang nag cover at, sa katunayan, ay nag-ulat tungkol sa kaganapan, na pinuntahan ng maraming tao. Nagpahayag ng pangamba ang Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG) at ang Commission on Elections (Comelec) sa mga siksikan sa rally ng mga kandidato sa eleksyon dahil sa banta ng COVID-19.

PAHAYAG

Noong Dis. 5, naglabas si Tulfo ng video ng caravan sa kanyang opisyal na Facebook (FB) page na may caption na:

“SAMANTALA… ITO ANG KAGANAPAN SA SAN JOSE CITY, NUEVA ECIJA KANINA NA HINDI LUMABAS SA MGA BIAS (sic) TV STATIONS AT ONLINE NEWS (as usual [gaya ng dati]).”

Pinagmulan: Erwin Tulfo official Facebook page, SAMANTALA…, Dis. 5, 2021

Ang video, na nagpapakita ng maraming tao ng mga naka pula na pumapalakpak kay Marcos habang pinasalamatan niya ang mga ito sa pagtanggap sa kanya, ay nakakuha ng humigit-kumulang 885,000 views at umani ng higit sa 98,000 reactions, 7,300 comments at 23,000 shares hanggang 7:04 p.m., Dis. 7.

ANG KATOTOHANAN

Hindi sinabi ni Tulfo kung aling mga media outlet ang kanyang tinutukoy. Ngunit ilang mga organisasyon ng news media, parehong broadcast at online, ang nagpunta sa kaganapan para mag cover, kabilang ang:

Ang DOH, DILG at Comelec ay nagpahayag ng kanilang mga pangamba sa “sikip” na mga pampulitikang kaganapan sa gitna ng paglitaw ng bagong Omicron coronavirus disease 2019 (COVID-19) virus variant, na nagbabala sa mga nais kumandidato na “hindi pinapayagan” ang mga political rally bago magsimula ang campaign period.

Nauna nang pinabulaanan ng VERA Files Fact Check ang isang katulad na maling pahayag na nag-aakusa sa lokal na media na hindi nag-uulat tungkol sa isang kaganapan na pinuntahan ni Marcos. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Online posts FALSE, media DID report on Marcos Jr. at SAF44 event)

Nahaharap si Marcos sa anim na petisyon na kinukuwestiyon ang kanyang kandidatura sa 2022 elections na na-raffle sa 1st at 2nd divisions ng Comelec. (Tingnan ang Marcos has not paid tax deficiencies and fine on 1997 evasion case, says court)

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

ABS-CBN News, TV Patrol Weekend livestream, Dec. 5, 2021

ABS-CBN News, Sakto | Teleradyo, Dec. 6, 2021

CNN Philippines, Comelec 1st division to handle 2 more disqualification cases vs. Bongbong Marcos, Dec. 6, 2021

CNN Philippines, LOOK: Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos…, Dec. 5, 2021

Department of Interior and Local Government, DILG: Political rallies not allowed; let’s wait for the campaign period, Dec. 2, 2021

GMA News, 24 Oras Weekend Express, Dec. 5, 2021

GMA News, Comelec First Division to hear petition to disqualify Bongbong Marcos, Dec. 6, 2021

Manila Bulletin, Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos…, Dec. 5, 2021

News5, Dinagsa at mainit na sinalubong…, Dec. 5, 2021

Philstar News, DOH to candidates: Don’t hold over crowded gatherings, Dec. 6, 2021

Rappler, 2 more DQ cases vs Marcos assigned to Comelec’s 1st division, Dec. 6, 2021

Rappler, LOOK: Novo Ecijanos welcomes…, Dec. 5, 2021

UNTV Radyo La Verdad, TINGNAN: Presidential Aspirant Bongbong Marcos…, Dec. 5, 2021

World Health Organization, Classification of Omicron (B.1.1.529): SARS-COV-2 Variant of Concer, Nov. 26, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.