Isang pahayag na ginawa noong Agosto ng broadcaster na si Erwin Tulfo sa kanyang programa sa radyo na “Tutok Erwin Tulfo” ang nagpapahiwatig na limang senador ang nagsabi na dapat kumuha ng “neuro-psychiatric test” si Sen. Antonio Trillanes IV ay walang katibayan.
inutukoy sina Senate President Vicente Sotto III at senador Richard Gordon, Panfilo Lacson Sr., Juan Miguel Zubiri at Manny Pacquiao, sinabi ni Tulfo sa broadcast, sa pamamagitan ng Radyo Pilipinas 1 (DZRB 738), na ang limang mambabatas ay ayaw patulan si Trillanes.
STATEMENT
Sa episode ng Agosto 17, na tumakbo nang halos 90 minuto, sinabi ni Tulfo:
“Hindi lang po ako ang nakakapansin, hindi lang po yung mga kasamahan niyang senador ang nakakapansin, na may deperensya sa pag-iisip si Senator Trillanes. Pati ang Malacanang, sinasabi na magpaneuro-psychiatric na si Senator Trillanes dahil duda ang Malacanang na nasa tamang wisyo pa ang senador na ito.
So ilan yan, si Sotto, Senator Gordon, Ping Lacson, Migs Zubiri, Pacman… lima sila. Limang senador na ang nagsasabi na hindi nila pinapatulan. Pang-anim tayo kahapon. Gusto kong dalhin sa national mental. O, pangpito ang Malacanang. So dumadami ho. Hindi ho fake news ito. Totoo ho ito, totohanan na ito.
Pinagmulan: Erwin Tulfo opisyal Youtube channel, ALING LENI SINIGURO NA DI MANANALO SA RECOUNT SI BBM (ECHOSERANG FROG), Agosto 17, 2018, Panoorin mula 4:05 hanggang 4:53
FACT
Ang pahayag ni Tulfo tungkol sa mga mambabatas ay walang batayan.
Sa katunayan, pinabulaanan ang pahayag ng apat sa limang mga tanggapan ng senador.
“Si [S] en. Lacson ay hindi kailanman gumawa ng gayong pahayag na nasa online post na inyong sinabi.”
Pinagmulan: Opisina ni Senador Lacson, email sa VERA Files, Agosto 29, 2018
“Wala kaming matandaan na (may) sinabi na ganun si Senator Gordon.”
Pinagmulan: Opisina ni Senador Gordon, tawag sa telepono sa VERA Files, Septiyembre 3, 2018
“Nais naming tahasang sabihin na ang mahusay na senador ay hindi kailanman nagbigay ng pahayag na nananawagan kay Sen. Trillanes na sumailalim sa neuro-psychiatric test.”
Pinagmulan: Opisina ni Senador Pacquiao, text message sa VERA Files, Septiyembre 5, 2018.
“Wala kaming narinig sa kaniya na ganoon.”
Pinagmulan: Opisina ni Senador Zubiri, tawag sa telepono sa VERA Files, Setyembre 10, 2018
Ang tanggapan ni Senate President Sotto ay hindi pa nagkokomento tungkol sa pahayag ni Tulfo.
Hindi bababa sa isang website – pinoythinking.net – ang naglabas ng istorya batay sa pahayag ni Tulfo, kasama ang tatlong minutong clip ng episode ng Tutok at ang headline, “5 Senators Advised Trillanes To Take Neuro-Psychiatric Test.” Walang ulat ang mainstream media tungkol sa umano’y payo ng limang mambabatas kay Trillanes na sumailalim sa psychiatric evaluation.
Sinabi ni Tulfo ang walang basehand pahayag dalawang araw matapos sabihin ni Trillanes na magsasampa siya ng kasong plunder laban sa kay Tulfo, angkapatid nitong si Benjamin (Ben) at kapatid na babae, si dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo. Ang magkakapatid na Tulfo ay sangkot sa kontrobersyal na P60-milyong advertising deal sa pagitan ng Department of Tourism sa ilalim ni Tulfo-Teo at production company ni Ben Tulfo, ang Bitag Media Unlimited Inc. Ang kontra ay iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ang pahayag ni Erwin Tulfo ay maaaring umabot ng higit sa 6.2 milyong tao sa pamamagitan ng kuwento ng pinoythinking.net at kopya ng episode na na-upload sa kanyang Youtube channel.
Ang trapiko ng social media sa kuwento ay nagmula sa mga pahina ng Duterte Kami, Pinoy Thinking, Rodrigo Duterte 16th President.
Ang Pinoythinking.net ay nilikha noong Marso 2017.
Mga pinagkunan ng impormasyon:
Office of Senator Gordon, phone call to VERA Files, Sept. 3, 2018
Office of Senator Lacson, email to VERA Files, Aug. 29, 2018
Office of Senator Pacquiao, text message to VERA Files, Sept. 5, 2018
Office of Senator Zubiri, phone call to VERA Files, Sept. 10, 2018