Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Panelo pinaghalu-halo ang mga datos ng inflation

Pinaghalu-halo ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang kanyang mga datos kaugnay ng inflation sa isang panayam sa telebisyon.

By VERA Files

Sep 9, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Pinaghalu-halo ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang kanyang mga datos kaugnay ng inflation sa isang panayam sa telebisyon.

PAHAYAG

Nang tanungin tungkol sa 6.4 porsyento na inflation rate noong Agosto, sinabi ni Panelo noong Setyembre 7 kay Cherie Mercado ng CNN Philippines na mali ang datos at bahagyang sinisi ang media. Sinabi niya:

Alam mo iyong inflation rate, baka nagkakamali iyong mga headline diyan eh… Baka nagkamali lang sila ng basa.

Pinagmulan: CNN Philippines, Panayam kay Panelo tungkol sa inflation, Sept. 7, 2018, panoorin mula 0:09-0:31

Binabanggit ang mga economic manager ng gobyerno, sinabi niya na ang inflation rate ay 4.6 porsiyento:

“Panelo: Ang nabasa ko mula sa chat ng grupo ng ano- ng mga cabinet manager… Ang sabi nila ay 4.6 lang daw ang- ang inflation rate.

Mercado: Hindi 6.4?

Panelo: Hindi, hindi 6.4. ”

Pinagmulan: CNN Philippines, Panayam kay Panelo tungkol sa inflation, Sept. 7, 2018, panoorin mula 0:50-1:03

Sa sumunod na tanong ni Mercado, binasa ni Panelo mula sa group chat ng mga economic manager na naunang niyang tinukoy, at sinabi:

“Ito, ito, nakita ko na. Ito ha. ‘Ang angkop na figure ng inflation sa table sa itaas ay 4.8. Rate para sa Enero-Agosto 2018.'”

Pinagmulan: CNN Philippines, Panayam kay Panelo tungkol sa inflation, Sept. 9, 2018, panoorin mula 2:20-2:23

Idinagdag niya:

“‘Ang dating administrasyon (sic) ay may mas mataas pa na inflation.'”

Pinagmulan: CNN Philippines, Panayam kay Panelo tungkol sa inflation, Sept. 9, 2018, panoorin mula 2:24-2:25

FACT

Napagkamalian ni Panelo ang year-on-year inflation rate na totoong lumaki ng 6.4 porsiyento noong Agosto, sa 4.8 na porsiyentong year-to-date inflation rate.

Ang year-on-year rate ay nagkukumpara ng datos sa Agosto 2018 sa Agosto 2017; ang year-to-date mula sa simula ng taon hanggang sa kasalukuyan, o Enero 2018 hanggang Agosto 2018.

Ang pinagsamang pahayag ng mga economic manager mismo ng bansa ay nagsabing:

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang headline inflation rate ay tumaas sa 6.4 porsyento year-on-year (YOY) noong Agosto 2018, mas mabilis kaysa sa nakaraang buwan na 5.7 porsyento at 2.6 porsiyento sa parehong panahon noong nakaraang taon. Ito ay nagdadala ng year-to-date inflation rate sa 4.8 porsiyento, lampas sa upper-band ng target na inflation ng gobyerno na 2 hanggang 4 na porsiyento, at bahagyang mababa sa nabagong forecast ng BSP para buong taon na 4.9 porsyento.

Pinagmulan: Department of Finance, Joint Statement on August 2018 Inflation, Sept. 5, 2018

Pinabulaan mismo ni Panelo ang sarili niyang pahayag tungkol sa mga nakaraang administrasyon na may mas mataas na inflation rate nang sinabi niya kay Mercado:

Sabi nga ni (Economic Planning) Secretary Ernie Pernia doon sa chat ng grupo, ‘Obserbahan, iba’t ibang mga base year sa pagdaan ng panahon pa rin ang mga rate ay hindi direkta maihahambing.’

Pinagmulan: CNN Philippines, Panayam kay Panelo tungkol sa inflation, Sept. 9, 2018, panoorin mula 3:03-3:06

Ang tungkol sa mga base year ay may kaugnayan pero ibang isyu ito.

Ini-update ng Philippine Statistics Authority noong Pebrero ang base year para sa Consumer Price Index, isang tagapagpahiwatig na ginagamit sa pagkalkula ng inflation rate, mula 2006 hanggang 2012.

“Kailangan ng rebasing kapag ang basket ng sangguniang taon ay hindi na kumakatawan sa karaniwang binibili ng mga sambahayan,” sabi ng PSA.

Mga pinagmulan:

CNN Philippines, Interview with Salvador Panelo, Sept. 7, 2018.

Department of Finance, Joint Statement on August 2018 Inflation, Sept. 5, 2018.

Philippine Statistics Authority, PSA Updates the Base Year for Consumer Price Index for All Income Households to 2012 from 2006, Feb. 22, 2018.

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.