Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Mga kakatwang katwiran nina Duterte at Panelo sa deklarasyon ng martial law

Bahagi na ng bokabularyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law mula nang maluklok sa Malacanang noong 2016, at mukhang pati si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ay nabighani sa batas militar.

By VERA Files

May 19, 2020

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Bahagi na ng bokabularyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law mula nang maluklok sa Malacanang noong 2016, at mukhang pati si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ay nabighani sa batas militar.

Mula sa pagbanggit ng problema sa iligal na droga ng bansa, ang dating tagapagsalita ay itinuturo naman ngayon ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic — na, aniya, ngayon ay masasabing kasama sa “bagong, pang-internasyonal na kahulugan ng invasion o pagsalakay” – na maaari ring magamit na batayan para bigyang-katwiran ang anumang potensyal na pagpapahayag ng martial rule. Hindi naman tinukoy ni Panelo kung saan niya nakuha ang pakahulugan na ito.

Ito, habang nagbabanta si Duterte na mag deklara ng martial law kung patuloy na “hadlangan” ng mga rebeldeng komunista ang mga pagsisikap ng gobyerno na tugunan ang COVID-19. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Paano lumalala ang bantang martial law ni Duterte sa gitna ng krisis ng COVID-19)

Panoorin ang video na ito:

VERA FILES FACT CHECK: Panelo, Duterte’s outlandish martial law justifications from VERA Files on Vimeo.

Noong tinatalakay ang probisyon sa pagsuspinde sa writ of habeas corpus sa ilalim ng Bill of Rights, tinukoy ng mga miyembro ng 1986 Constitutional Commission ang invasion bilang “anumang pagpasok o aktwal na pagsalakay ng isang dayuhang kapangyarihan.”

Ang yumaong Brig. Gen. Crispino de Castro, sa kanyang interpellation sa probisyon ng martial law, ay nagsabing ang “aktwal na pagsalakay” ay kapag ang “mga kaaway ng bansa ay talagang lumapag sa mga dalampasigan ng ating baybay-dagat.” Sa ganoong kaso, sinabi niya, “iyon ay isang state of war.”

Habang ang kapangyarihang na mag deklara ng martial law ay ibinibigay lamang sa chief executive, ang Kongreso ay maaari pa ring bumoto upang bawiin ang proklamasyon, na hindi dapat “isantabi” ng pangulo, ayon sa Sec. 18, Art. VII ng 1987 Constitution. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Explaining martial law)

Ang “sapat na tunay na batayan” ng proklamasyon ng pangulo ay maaari ding suriin ng Supreme Court, kung may humiling ng angkop na paglilitis.

Ipinasailalim ni Duterte ang Mindanao sa martial law noong Mayo 2017 bilang tugon sa Marawi Siege, na sinang-ayunan ng Kongreso. (Tingnan Martial law in Mindanao: A timeline)

Ang panukala, unang tumagal ng 60 araw na ipinag-utos ng Constitution, ay pinalawig hanggang katapusan ng 2019.

Noong Oktubre ng taong iyon, inulit ni Duterte ang kanyang maling pahayag na ang limang buwang pagkubkob sa pagitan ng mga pwersa ng gobyerno at grupong Maute na may kaugnayan sa ISIS ay nag-umpisa sa isang anti-drug operation na pumalpak. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte, Locsin repeat claim Marawi siege caused by anti-drug ops, VERA FILES FACT CHECK: Duterte binago ang istorya ng Marawi, sinasalungat ang pagbibigay-katarungan sa martial law)

 

Mga Pinagmulan

RTVMalacanang, Counterpoint with Secretary Salvador Panelo, May 4, 2020

Official Gazette, 1987 Constitution

RTVMalacanang, IATF-EID Meeting and Talk to the People, April 23, 2020

RTVMalacanang, Talk To Troops speech, Aug. 9, 2016

Philstar.com, Panelo says drug problem can make martial law ‘valid’, Aug. 10, 2016

Rappler, Drilon hits Panelo on marital law: Review some more, Aug. 11, 2016

SunStar Philippines, Panelo: Duterte has right to declare Martial Law, Aug. 10, 2016

RTVMalacanang, 49th Annual Installation of Officers and Board of Trustees of DCCII (Speech), Jan. 14, 2016

Record of the Constitutional Commission Volume I, p. 710

Record of the Constitutional Commission Volume II, p. 394

RTVMalacanang, Press Briefing by Presidential Spokesperson Harry Roque, May 5, 2020

Presidential Communication Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Dec. 10, 2019

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.