Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Panelo sinalungat si Duterte sa ‘takeover’ ng militar sa customs

Sa pagtatanggol sa mungkahi ng Malacañang na "takeover" ng militar sa customs bureau, kinontra ni spokesperson Salvador Panelo ang naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

By VERA FILES

Nov 6, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Sa pagtatanggol sa mungkahi ng Malacañang na “takeover” ng militar sa customs bureau, kinontra ni spokesperson Salvador Panelo ang naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

PAHAYAG

Sa isang press briefing Okt. 30, sinabi ni Panelo sa mga reporter na hindi nagtalaga si Duterte ng mga miyembro ng militar sa Bureau of Customs:

“Ang pangulo ay hindi nagtatalaga o naghihirang ng anumang partikular na miyembro ng hukbong sandatahan.”

Pinagmulan: Press Briefing ni Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo,, Okt. 30, 2018, Malacanang, panoorin mula 35:19 hanggang 35:25

KATOTOHANAN

Ang pahayag ni Panelo ay salungat sa sinabi ni Duterte nung mga naunang araw. Ang Pangulo, noong Okt. 28, ay tahasang sinabi na ang lahat ng mga opisyal ng customs ay papalitan ng mga miyembro ng militar:

“Papalitan sila, lahat, lahat sila, ng mga sundalo. Ito ay magiging isang takeover ng hukbong sandatahan sa usapin ng operasyon pansamantala habang inaayos namin kung paano epektibong matugunan ang mga hamon ng katiwalian sa bansang ito.”

Pinagmulan: Talumpati ni President Rodrigo Roa Duterte sa Thanksgiving party ni dating SFA Alan Peter Cayetano, Okt. 28, 2018, Davao City, panoorin mula 16:28 hanggang 16:58

BACKSTORY

Ginawa ni Duterte ang anunsyo ng pag “takeover” ng militar matapos lumutang ang mga ulat na P11-bilyong halaga ng methamphetamine, na kilala bilang shabu, ay nakalusot sa mga port ng bansa.

Tinukoy ng presidente ang kanyang deklarasyon ng kawalan ng batas noong 2016 sa Davao City:

“Tandaan (nyo) na ako ay nag isyu sa unang mga araw ng aking termino, ito ang deklarasyon ng kawalan ng batas. Bahagi ng mga elemento na kawalan ng batas ang nasa loob ng Bureau of Customs.”

Pinagmulan: Talumpati ni President Rodrigo Roa Duterte sa Thanksgiving party ni dating SFA Alan Peter Cayetano, Okt. 28, 2018, Davao City, panoorin mula 17:50 hanggang 18:10

Ang Proclamation No. 55 ni Duterte, na ipinatupad mula noong Setyembre 2016, ay nagdeklara ng “state of emergency dahil sa kaguluhan bunsod ng kawalan ng batas sa Mindanao.”

Ang proklamasyon, kahit na bunga ng mga pangyayari sa Mindanao, ay nagpahayag na mayroong “iba pang katulad na mga karahasan ng mga elemento na hindi sumusunod sa batas sa ibang mga bahagi ng bansa, kabilang ang mga lugar ng siyudad.”

Mga pinagkunan ng impormasyon:

Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the Birthday/Thanksgiving party of Former SFA Alan Peter Cayetano, Oct. 28, 2018

Official Gazette, 1987 Constitution of the Republic of the Philippines

Official Gazette, Proclamation No. 55, s. 2016

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.