Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Sonza mali ang paliwanag sa DOH data ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa NCR

Mali ang interpretasyon ni dating broadcaster Jay Sonza sa pang-araw-araw na bulletin ng gobyerno tungkol sa coronavirus disease (COVID-19) nang sinabi niyang nakaranas ang Metro Manila ng matinding pagtaas ng mga kumpirmadong kaso sa loob lamang ng 24 na oras.

By VERA Files

May 19, 2020

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mali ang interpretasyon ni dating broadcaster Jay Sonza sa pang-araw-araw na bulletin ng gobyerno tungkol sa coronavirus disease (COVID-19) nang sinabi niyang nakaranas ang Metro Manila ng matinding pagtaas ng mga kumpirmadong kaso sa loob lamang ng 24 na oras.

Ito ang ika-apat na beses na na-flag ng VERA Files Fact Check si Sonza dahil sa pagkakalat ng disinformation sa social media.

PAHAYAG

Sa isang post sa Facebook na na-upload noong Mayo 17, isang araw matapos luwagan ng gobyerno ang mga paghihigpit sa lockdown sa rehiyon mula sa enhanced community quarantine (ECQ) tungo sa modified ECQ, sinabi ni Sonza:

“24 Hours lang tumaas ng 83% ang Covid19 cases (ang mga kaso) sa Metro Manila says (sabi ng) DOH. expectedly (inaasahan)!”

Pinagmulan: Jay Sonza official Facebook account, 24 hours lang…, Mayo 17, 2020

Sa comment section, sinabi niya na ang “data ay mula sa araw-araw na [COVID-19] positive report,” ng DOH, na nagpakita ng pagtaas ng mga kaso sa National Capital Region (NCR) “araw-araw,” nai-post noong Mayo 16.

Ginawa niya ang parehong pahayag sa kanyang Twitter account.

ANG KATOTOHANAN

Mali si Sonza; ang rate ng pagtaas sa kabuuang bilang ng mga nakumpirma na kaso sa NCR mula Mayo 16 hanggang Mayo 17 ay mas mababa sa 2.20 porsyento, malayo sa kanyang pahayag na 83 porsyento, pinapakita ng datos mula sa DOH COVID-19 tracker.

Ang “83 porsiyento” na sinasabi ni Sonza na hango sa DOH bulletin noong Mayo 17 ay hindi ang rate ng pagtaas ng kaso sa Metro Manila, kundi ang bahagi ng mga bagong nakumpirang kaso sa rehiyon, na 174, na kaugnay ng kabuuang 208 na kaso sa bansa noong panahon na iyon.

Ang pang-araw-araw na bulletins ng DOH na naka-post sa opisyal na Facebook account nito ay nagpapakita ng mga percentage ng mga bagong naitala na kaso sa bawat rehiyon. Hanggang Mayo 19, ang NCR ay mayroong 78 porsyento, o 174, sa 224 na bagong nakumpirma na kaso sa Pilipinas.

Ang post sa Facebook ni Sonza ay naibahagi ng hindi bababa sa 8,000 beses at nakakuha ng higit sa 8,300 na likes at mga reaksyon noong Mayo 19.

Ang pagpapatupad ng modified ECQ ay tanda ng bahagyang pagbubukas ng ilang mga industriya at mga establisimiyento, tulad ng mga mall, na napapailalim sa safety protocol, at bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na “muling buhayin” ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng krisis ng COVID-19. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Pag-unawa sa mga patakaran ng ‘community quarantine’ at ‘social distancing’)

Gayunpaman, mga ulat ng umano’y paglabag sa physical distancing at iba pang safety measures sa mga pampublikong lugar, partikular sa mga mall, ang nagtulak sa Palasyo para manawagan sa publiko na sumunod sa mga panuntunan upang maiwasan ang bagong mga impeksyon.

Ayon sa World Health Organization, ang oras sa pagitan ng exposure sa COVID-19 at simula ng mga sintomas ay “karaniwang tumatagal ng lima hanggang anim na araw ngunit maaaring saklaw mula sa isa hanggang 14 araw.”

Hanggang Mayo 19, 12,942 katao sa bansa ang nakumpirma na nahawahan ng new coronavirus, na may 837 na pagkamatay at 2,843 na naka-recover. Hanggang Mayo 18, mahigit sa 4.6 milyong tao ang nahawahan mula noong nagsimula ang COVID-19 pandemic sa Wuhan City, China.

Tala ng editor: Ang artikulong ito ay na-update upang ipakita ang tila isang pagwawasto sa DOH COVID-19 tracker, na nagpapakita ngayon na may 8,095 na kabuuang kumpirmadong kaso sa Metro Manila hanggang Mayo 17. Ang naunang bersyon ng artikulong ito ay nagsabing mayroong 8,096 kaso.

 

Mga Pinagmulan

Jay Sonza official Facebook account, 24 hours lang…, May 17, 2020

Jay Sonza official facebook account, Untitled, May 17, 2020

Jay Sonza Twitter account, 24 hours lang…, May 17, 2020

Department of Health, COVID-19 Tracker, Detailed Case Information, NCR, Total Cases, Accessed May 19, 2020

Department of Health, COVID-19 Daily Bulletin 64, May 17, 2020

Department of Health, COVID-19 Daily Bulletin 63, May 16, 2020

Department of Health, COVID-19 Daily Bulletin 66, May 19, 2020

Office of the Presidential Spokesperson, On the quarantine transition – Presidential Communications Operations Office, May 17, 2020

Reports of alleged health protocol violations

World Health Organization, Situation Report 119, May 18, 2020

World Health Organization, Q&A; on coronaviruses (COVID-19), Accessed May 18, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.